Wednesday, August 28, 2013
Tuesday, August 27, 2013
제발
Park Min-sook: Where were
you last night?
Lee Jung-rok: I went to
see my friend.
*calls Im Mae-ri*
Park Min-sook: Did you ask
Jung-rok to meet your brother?
Mae-ri: Yes unni. What's wrong?
Park MIn-sook: Nothing.
*cries*
Park Min-sook: Let's
divorce.
Lee Jung-rok: If you're embarrassed
for doubting me again, you can just say sorry. Stop crying. I'm really honest this time. We're not going to
divorce.
*cries harder*
Park Min-sook: I feel like
a crazy woman constantly assuming you're cheating or lying again. I'm begging,
let me go. Please divorce me. Let me go while I'm still sane.
Monday, August 26, 2013
Mangyari Lamang by Rico Abelardo
Ito'y isang tulang ibinahagi ng isang kaibigan. Isang kaibigan na nakaalam ng aking kabiguan. Sana'y maging inspirasyon ito sa lahat ng nagmahal, nasawi at handa pa ring magmahal sa kabila ng mga kabiguang pinagdaanan.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal
nang makita ng lahat ang mukha ng pag- ibig.
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin.
Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani.
Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata.
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata.
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal,
minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan.
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.
At sa mga nananatiling nakaupo mangyari lamang
ay dahan-dahang tumalilis papalabas sa nakangangang pinto.
Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng isang halimaw!
At sa lahat ng naiwang nakatayo mangyari lamang
ay hagkan ang isa’t isa at yakapin ang mga sugatan.
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan!
Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal.

Monday, August 12, 2013
Subscribe to:
Posts (Atom)