I had to type your name because it's still in my 17-character password. I never found time to change it. Maybe I'm just lazy. Or maybe in the subconscious, I am keeping it as a metaphor that you'll always be part of my past. No matter how I abhor that.
I read on Facebook:
"Someone popped a question...and someone said yes. Congratulations ___ & ___!"
I wonder what could be the question, to which you replied with a yes.
"Are you a flirt?"
"Are you self-absorbed?"
"Are you a whore?"
So yes, you are getting married. And what I hate about this point in time...is the feeling, that as our small world celebrates with both of you, it is watching me too.
And I must admit that it is still painful. A painful a betrayal.
Like an old scar sliced open.
Thursday, March 29, 2012
Before I could even log-in to this blog...
Tuesday, March 27, 2012
Price tag.
Ngayon
ko lang nalaman na nakakaiyak pala ang kantang Price Tag. Seriously, Price Tag talaga.
Kumain
kami kanina ng mga kaibigan ko sa Chicboy (yehes, libre promote) at syempre,
bilang may banda dun, kung anu-ano na namang music yung kinakanta.
Nung
umpisa, mga love songs na medyo luma hanggang sa kumanta sila ng mga bagong
kanta at tumanggap ng requests from the audience. Tatlo yung vocalists nung
banda--dalawang babae na yung suot e parang kung saan-saan sila sumabit kaya
kaunti na nga lang ang natira, nagkapunit-punit pa at isang lalaki na lakas
maka super saiyan ng buhok with matching red feather earring.
Dahil matagal dumating yung order, natuon for awhile yung
atensyon namin sa kumakanta. Nahiya nga kami kay ate vocalist a kasi part ng
damit nya ang kanyang brassiere. Si ate vocalist b naman, sa sobrang
pagkapunit-punit ng pantalon, hindi ko maiwasang magtanong kung ilang beses
kaya sumabit-sabit sa daliri nya sa paa yun bago nya naisuot.
Anyhow, yung dalawang girl friends kasi na kasama ko,
recently, ay parehong kaka-break lang sa mga kasintahan nila. Si girl friend a,
before valentines sila naghiwalay (o diba, winner sa sakit yun?!). Si girl friend
b naman, mas fresh kasi kahapon, ay hindi, actually, kani-kanina lang (o diba,
just imagine kung gaano mas winner ang agony nun).
So itong dalawang girl friends ko, habang emote na emote
kumanta ng love songs yung mga vocalists e emote na emote din sa pag reminisce
ng kanilang relasyon sa respective ex boyfriends nila. Yung unang kanta, “Right
Here Waiting” so itong si girl friend b, nalungkot naman. Ayun, first song
palang tumulo na ang luha. At one point, kinanta yung “I Love You Goodbye” na
breakup song ni girl friend a last month kaya medyo na-sad ang lola mo sa pagkarelate.
Buti nalang dumating na yung order kaya medyo na distract
kami. Pero, nung kinanta yung Price Tag, aba, itong si girl friend b, biglang
naiyak. Hindi sya naiyak sa I Love You Goodbye pero sa Price Tag, bumigay??! So
kami ni girl friend a, nagulat naman.
Since maingay sa area, I texted girl friend b, “ok ka lang
ba? gusto mo paalisin ko na yung banda?:)” then she replied, “:(( naiiyak ako. Nakikita
ko mga nag gigitara at nagdadrums,
naaalala ko sya.”
Ang pag-ibig nga naman, nakakatanga at nakakastress talaga.
hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ko pa nararanasan ang
pag-ibig na yan. Haay.
Anyhow, tuwing nakikita kong umiiyak tong si girl friend b,
hindi ko maiwasang mabwiset dun sa ex nya. Kilala kasi namin, ilang beses na
rin namin nakabiruan at hindi ko lang matanggap kung paano nya sinaktan yung
kaibigan ko. Wala naman akong karapatan na husgahan ang sino man sa kanila pero
bilang kaibigan nga ni girl friend b at kasama pa sa trabaho, syempre, may
malasakit ako. At ayoko talagang pinaiiyak yung mga taong malapit sa akin. Haay
buhay. Basta, ang Price Tag, nakakaiyak rin pala.
Saturday, March 24, 2012
Wanted You More
I think this song was written for me.
"I guess I wanted you more, but I don't need you anymore"
"I guess I wanted you more, but I don't need you anymore"
Friday, March 23, 2012
Undecided
The result is out. It's a cyst. Oh well. Sabi ng doktor, hindi naman siya makakaapekto sa health ko kung di ko ipapaopera. Takot talaga ako sa operation. Ni hindi ko pa nga naexperience ang maconfine, operation pa! Sabi ni dok may possibility pa raw na lumaki ang bukol. Mas magiging malaki ang scar pag nagkaganun. Sa ngayon, wala pa akong desisyon.
"Lord, ikaw na po bahala. Help me decide kung ano ba ang dapat gawin. I can't do this alone. Kung ano man po plan mo sakin, i'll accept it wholeheartedly."
All is well.
"Lord, ikaw na po bahala. Help me decide kung ano ba ang dapat gawin. I can't do this alone. Kung ano man po plan mo sakin, i'll accept it wholeheartedly."
All is well.
Wednesday, March 21, 2012
Lack
Kailangan ko na ulit yung drive para sa maganang pagtatrabaho. Iyon bang inspirasyon at motivation, lalo na focus...para kasing nawawala na 'yong mga 'yon.
Kailangan ko talaga bago pa man mahuli ang lahat.
Kailangan ko talaga bago pa man mahuli ang lahat.
Tuesday, March 20, 2012
Bakit Kaya Ganun?
Yan lang ang madalas kong tanong ngayon.
Kung kelan maayos ang takbo ng trabaho eh may isang aspeto naman ng buhay ang magkakaroon ng problema.Kung kelan sanay ka nang mag-isa sa buhay-buhay at masaya ka na dito eh magkakaproblema sa ibang bagay.
Alam kong may dahilan ang bawat problema. Pero di ko talaga maiwasan ang magtanong kung bakit ganun? Hindi nagiging perpekto ang isang linggo. Sana magkaroon ng ganun. Yung masaya at nasa ayos ang lahat. Pero alam kong hindi ganyan ang buhay. Bako-bako talaga ang daan.
Sa coper/s na may parehong katungan, pag nakakaramdam kayo ng lungkot at pagkabigo, just tap yourself and say, Aal izz well!
Kung kelan maayos ang takbo ng trabaho eh may isang aspeto naman ng buhay ang magkakaroon ng problema.Kung kelan sanay ka nang mag-isa sa buhay-buhay at masaya ka na dito eh magkakaproblema sa ibang bagay.
Alam kong may dahilan ang bawat problema. Pero di ko talaga maiwasan ang magtanong kung bakit ganun? Hindi nagiging perpekto ang isang linggo. Sana magkaroon ng ganun. Yung masaya at nasa ayos ang lahat. Pero alam kong hindi ganyan ang buhay. Bako-bako talaga ang daan.
Sa coper/s na may parehong katungan, pag nakakaramdam kayo ng lungkot at pagkabigo, just tap yourself and say, Aal izz well!
Kay tagal mong nawala; babalik ka rin...
Sabi sa akin ng kaibigan ko noon, ang tao raw, kapag malungkot, maraming naisusulat. Parang gusto ko nang maniwala kasi dahil naging masaya ako nitong mga nakaraang Linggo, nawalan ako nang panahon at motivation para magsulat. Pero alam kong sa pagtatapos ng buwang ito, magsisimula na naman akong lamunin ng kalungkutan kaya tiyak na marami na naman akong maiisip habang matagal na nakatulala sa kawalan. Haaay.
Sunday, March 18, 2012
Sunday, March 11, 2012
Insensitive!
Hindi mo alam ang pinagdaanan ko dun! Hindi mo rin alam ang nararamdaman ko! Naiinis ako sa'yo! Alam mo na kung sino ka! Suntukan na lang oh!
Saturday, March 3, 2012
Mouth Zipped

Paumanhin. Mananahimik muna ako pansamantala. Gusto ko lang ulit mag-isip. May mga nais lang akong masiguro sa buhay ko. Babalik ako mga mahal kong copers. Pangako.
Subscribe to:
Posts (Atom)
