Friday, August 28, 2026

Hindi ako makahinga

Naalala kita. Kumusta ka na ba? Babalik ka pa ba? Gusto kong sabihin na balik ka na. Kasi ang sakit sakit na. Hindi ako makahinga.

Saturday, August 15, 2026

Nagbabalik

2026 na. Kumusta? Nakausad na ba? Ako, sinusubok pa rin ng panahon at pagkakataon. Balik ulit sa simula. Hay.

Friday, July 10, 2020

Kwentong pag asa


Napakasama ng loob ko sa proseso ng pagkuha ng travel pass sa Pasig City at sa mga nakaorange na mga babae pa man ding empleyado sa City Hall na tinuro sa aking pagtanungan ko. Mga walang pakiramdam at walang puso kang ipagtatabuyan at sasabihang hindi ka bibigyan ngayon ng travel pass dahil uunahin ang mga uuwi ngayon at bukas - na para bang hindi ka pa nagtalaga ng araw at panahon para asikasuhin lahat ng requirements na sabi sa mga nakalathala ay yun lang ang mga kailangan. Secure the requirements, pumunta sa 4th floor ng City Hall para sa one-stop-shop na pagkuha ng travel pass. Pagdating mo dun hindi ka naman tutulungan at pagtanong mo sa ibang empleyado, ibang requirements naman ang hahanapin. Tapos bumalik na lang daw sa Lunes kapag nakuha na ang requirements. Mula sa trabaho sa gabi plinano kong asikasuhin agad ito pagsikat ng araw, kahit may pasok ulit ako kinagabihan. Mapapaputang-ina ka na lang talaga sa pagkawalang saysay ng lahat ng bagay. Sayang ang facemask, oras, pagod, pawis, puyat at halos isang libong pamasahe sa Grab para sa walang kwentang serbisyo. Ang hirap umasa sa mga nakikita sa social media. Walang pag-asa.

Tuesday, May 8, 2018

Kalilimutan, Nalimot, Naalala

Hindi ko inakalang may makaaalala pa
Sa lugar na 'to kung saan ibinahagi
Natin ang ating masaya at higit sa lahat
Malulungkot and mapait na alaala.
Totoo ngang kahit anong sikap nating kalimutan
Ang mga ito may isang bahagi pa rin ng buhay natin na magbabalik nito kahit ayaw man natin o sa gusto.
Pero hindi ba't nakatutuwa?
Maaalala mong minsan nagkamali ka.
Minsan tumama ka naman at mali sila.
Minsan naging tanga ka at minsan tanga ka talaga.

Mangangamuztah Lang

Kamuztah na ba.... Okay lang ako, ikaw ba?
Yan madalas ang sagot ng kung hindi man lahat, eh karamihan sa atin.
Isang tanong na tila ba mahirap sagutin. Okay ka lang ba talaga?
Bakit nga ba mahirap minsan sagutin ang isang napaka simple pero malalim na tanong na to?
Yung tipong pag bigla ka tinanong, bigla ka na din napapaisip kung tama ba ang isasagot mo.
Yung tipong, di mo sigurado kung sa isasagot mo, eh niloloko mo lang din ang sarili mo.
Weird diba, di mo alam sa sarili mo kung okay ka lang ba talaga.
Ano na nga ba nangyari sa mga nandito sa blogspot na to?
Tara, mag ka muztahan tayo, yun eh kung may nakakapag bukas pa sa inyo nito.
Ano na bang nangyari sa inyo, simula nung huling niyong pagsulat dito?
Nakalagpas ka na ba sa Edsa? O dinadaanan mo na lang siya?
O baka naman, hindi ka na talaga dumaan, kasi ibang daan na ang pinili mong puntahan.
Ako, masasabi kong masaya ako sa naging takbo ng sasakyan ko.
Kahit madaming bako, alam kong dadaanan ko lang yun.
May mga pagkakataon na nasisira ang sinasakyan ko, pero hindi dapat dun huminto at sumuko. Kailangan ko siyang ayusin, at ituloy lang ang paglalakbay.
Nakakatuwa na, hanggang ngayon, sinusubukan ko pa ding sumulat.
Pero nakaka miss din naman yung ganito.
Kaya, mag iiwan ako ng isang simpleng tanong
Kamuztah na ba.... Okay lang ako, ikaw ba?

Saturday, October 25, 2014

Ito 'yong tinatawag na, "Madaling isawika, mahirap isagawa."

Monday, October 20, 2014

Sorry.

All I ever cried was sorry.
Now I remember why.

I am sorry for myself all this time.
I am not the better friend,
I was the selfish one.