Thursday, July 9, 2020

Kwentong pag asa


Napakasama ng loob ko sa proseso ng pagkuha ng travel pass sa Pasig City at sa mga nakaorange na mga babae pa man ding empleyado sa City Hall na tinuro sa aking pagtanungan ko. Mga walang pakiramdam at walang puso kang ipagtatabuyan at sasabihang hindi ka bibigyan ngayon ng travel pass dahil uunahin ang mga uuwi ngayon at bukas - na para bang hindi ka pa nagtalaga ng araw at panahon para asikasuhin lahat ng requirements na sabi sa mga nakalathala ay yun lang ang mga kailangan. Secure the requirements, pumunta sa 4th floor ng City Hall para sa one-stop-shop na pagkuha ng travel pass. Pagdating mo dun hindi ka naman tutulungan at pagtanong mo sa ibang empleyado, ibang requirements naman ang hahanapin. Tapos bumalik na lang daw sa Lunes kapag nakuha na ang requirements. Mula sa trabaho sa gabi plinano kong asikasuhin agad ito pagsikat ng araw, kahit may pasok ulit ako kinagabihan. Mapapaputang-ina ka na lang talaga sa pagkawalang saysay ng lahat ng bagay. Sayang ang facemask, oras, pagod, pawis, puyat at halos isang libong pamasahe sa Grab para sa walang kwentang serbisyo. Ang hirap umasa sa mga nakikita sa social media. Walang pag-asa.

No comments:

Post a Comment