Wednesday, June 15, 2011

Buntong-hininga


Sinabi ko sa sarili ko noon na hinding hindi ako magkakagusto o magmamahal ng isang kaibigan. ‘yung tipong kasa-kasama mo araw-araw at alam na lahat ng baho ng buhay mo. pakiramdam ko kasi kapatid ko na yun at nakakadiring pumatol sa ganon, incest ba.

Ilang beses ko na ring napatunayang matatag ako pagdating sa prinsipyong yan. pero neto lang nakaraan, tingin ko paunti-unti kong kinakain ang sarili kong mga salita. nakakainis. nakakagulo ng utak.

Tama, sabi ng isang kaibigang sociology major sa Peyups, familiarity breeds life. ibig sabihin, malaki daw ang tendency na mahulog ka sa isang taong nakasanayan mo nang makasama araw-araw, kahit pa sa pinakasimpleng mga bagay. hindi ako naniwala agad.

‘Yung isang taong takbuhan ko kapag gutom o bagot ako, naging kapatid ko na rin sya. parang weird lang dahil nitong nakaraang linggo, nagkakaroon ng kakaibang kahulugan para sakin ang bawat ngiti o halakhak nya sa mga biro ko. noon normal nalang yun. ngayon, iba. maganda sa pakiramdam. parang bumabagal lahat ng bagay sa paligid, nagiging mas makahulugan yung bawat salita o ngiti kapag sa bibig nya mismo nanggagaling. hay.

Hindi ko gustong magtunog-emo o malungkot dito. iniisip ko nga rin, mas pipiliin ko yata yung friendship na matagal-tagal na rin naming iniingatan. kasi kung hindi man lagi, kadalasan, mas nagtatagal ito at walang masasaktan.

No comments:

Post a Comment