Wednesday, October 19, 2011

Long Gone and Moved On

Nadaanan ko ang pooled blog na ito at napansin ko na may buhay na ulit ito.. Ibig sabihin exciting na ulit ang buhay pag-ibig ng bawat isa sa amin. Natanong ko tuloy sa sarili ko. May buhay pag-ibig nga ba ako? Madali lang yung sagot: WALA. =)

Halos mag iisang taon na din ang nakalipas nang baguhin ko ang status ko sa FB. From In a relationship to Single. Apat na taon halos steady ang ganun ko na status. Nakakapanibago pero ganito talaga ang buhay, madaming changes at kailangan kong makisabay sa mga pagbabagong ito.

Sa loob ng isang taon na ito ay rollercoaster ang takbo ng buhay ko. Andami na ding stages ng moving on ang pinagdaanan ko. One hundred stages na ata. haha. Basta hindi ko na mabilang. Una syempre yung feeling ko suicidal na ako. Gusto ko na lang mabangga ng bus para matapos na ang buhay at pghihirap ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang nangyari sa amin. Hindi ko alam kung paano magsisimula nang wala siya.

After nun, andami akong ginawang desisyon na sa tingin ko ay makakatulong sa akin para magheal. I tried a lot of different things. May mga nagustuhan ako, may iba naman na hindi ko na ipinagpatuloy. Sinubukan ko din na tuparin ang pangarap ko at sa awa ng Diyos ay tinatahak ko na ang landas na noon ay iniwasan ko.

May mga nakilala na din akong tao na tiningnan ko nang higit pa sa isang kaibigan. Masaya ang experience na may mga bago kang kinikilala na tao. Dumating nga ako sa punto na alam ko minahal ko na siya pero nagdesisyon na lang akong tumigil dahil ika nga complicated ang sitwasyon namin. Natatakot akong masaktan siya kapag ipinagpatuloy ko pa ang aking kagustuhan. It was a risk for me but I know that it will make things easier for us. Atleast tinuruan niya ako na magmahal ulit kahit gaano kabigat at kahirap ng pinagdaanan ko bago siya dumating. At dahil dun, hinding hindi ko siya makakalimutan. Siya ang nagbalik ng musika sa aking buhay.

Pero sa mga oras na ito, andito ako nakaupo sa aking desk. Walang magawa sa buhay kaya nagbblog. Wala akong masyadong inaalala. Masaya ako. Oo totoong masaya kahit walang special someone or kung ano man. Finally, bumalik na ulit ako sa dati kong kasiglahan at kakulitan. Hindi ko na kailangang iasa sa iba ang happiness ko cos I can find happiness sa madaming bagay sa buhay ko.

Sabi ko sa sarili ko, malapit na siguro ako sa moved on stage na yun. Konti na lang at ang lahat ng pahihirap ay magkakaroon na ng bunga. Sana strawberries or grapes. Syala.

Malapit na nga ata yung sinasabi ng The Script na Long Gone And Moved On at malay natin baka pati yung kinakanta ng Lady Antebellum na Ready to Love Again. Let's see =)

No comments:

Post a Comment