Tuesday, March 27, 2012

Price tag.

Ngayon ko lang nalaman na nakakaiyak pala ang kantang Price Tag. Seriously, Price Tag talaga.
Kumain kami kanina ng mga kaibigan ko sa Chicboy (yehes, libre promote) at syempre, bilang may banda dun, kung anu-ano na namang music yung kinakanta. 

Nung umpisa, mga love songs na medyo luma hanggang sa kumanta sila ng mga bagong kanta at tumanggap ng requests from the audience. Tatlo yung vocalists nung banda--dalawang babae na yung suot e parang kung saan-saan sila sumabit kaya kaunti na nga lang ang natira, nagkapunit-punit pa at isang lalaki na lakas maka super saiyan ng buhok with matching red feather earring. 

Dahil matagal dumating yung order, natuon for awhile yung atensyon namin sa kumakanta. Nahiya nga kami kay ate vocalist a kasi part ng damit nya ang kanyang brassiere. Si ate vocalist b naman, sa sobrang pagkapunit-punit ng pantalon, hindi ko maiwasang magtanong kung ilang beses kaya sumabit-sabit sa daliri nya sa paa yun bago nya naisuot.

Anyhow, yung dalawang girl friends kasi na kasama ko, recently, ay parehong kaka-break lang sa mga kasintahan nila. Si girl friend a, before valentines sila naghiwalay (o diba, winner sa sakit yun?!). Si girl friend b naman, mas fresh kasi kahapon, ay hindi, actually, kani-kanina lang (o diba, just imagine kung gaano mas winner ang agony nun).

So itong dalawang girl friends ko, habang emote na emote kumanta ng love songs yung mga vocalists e emote na emote din sa pag reminisce ng kanilang relasyon sa respective ex boyfriends nila. Yung unang kanta, “Right Here Waiting” so itong si girl friend b, nalungkot naman. Ayun, first song palang tumulo na ang luha. At one point, kinanta yung “I Love You Goodbye” na breakup song ni girl friend a last month kaya medyo na-sad ang lola mo sa pagkarelate.

Buti nalang dumating na yung order kaya medyo na distract kami. Pero, nung kinanta yung Price Tag, aba, itong si girl friend b, biglang naiyak. Hindi sya naiyak sa I Love You Goodbye pero sa Price Tag, bumigay??! So kami ni girl friend a, nagulat naman.

Since maingay sa area, I texted girl friend b, “ok ka lang ba? gusto mo paalisin ko na yung banda?:)” then she replied, “:(( naiiyak ako. Nakikita ko mga nag gigitara  at nagdadrums, naaalala ko sya.”

Ang pag-ibig nga naman, nakakatanga at nakakastress talaga. hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ko pa nararanasan ang pag-ibig na yan. Haay.

Anyhow, tuwing nakikita kong umiiyak tong si girl friend b, hindi ko maiwasang mabwiset dun sa ex nya. Kilala kasi namin, ilang beses na rin namin nakabiruan at hindi ko lang matanggap kung paano nya sinaktan yung kaibigan ko. Wala naman akong karapatan na husgahan ang sino man sa kanila pero bilang kaibigan nga ni girl friend b at kasama pa sa trabaho, syempre, may malasakit ako. At ayoko talagang pinaiiyak yung mga taong malapit sa akin. Haay buhay. Basta, ang Price Tag, nakakaiyak rin pala.

2 comments:

  1. Haha! Naintriga ako sa Price Tag. XD

    ReplyDelete
  2. Ako rin! Siguro kung may isang kanta akong iiyakan, eh yung Lakas Tama. Haha. Joke lang.

    ReplyDelete