Stress sa trabaho. Mga kinikimkim na sama ng loob at sakit sa puso.
Tamang rason para magdesisyon akong puntahan ka. Matagal ko nang pinag-iisipan kung tama bang puntahan kita. Pero, ito na yung tamang panahon, tutal nasa tamang edad na rin siguro ako.
Naligo muna ako. Madilim ang kwarto pagpasok ko. Nakahanda ka na. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Tinatanong ang sarili kung tama ba ang desisyon kong ito. Sa paghiga ko, unti-unting bumabalik ang sakit na pinadama sakin ng mga taong akala ko di ako sasaktan. At ikaw naman, siniguro mong kumportable ako. Matipid ang mga salita. Tila kinabahan ka bigla. Pero pareho natin 'tong gusto. Para mas mapanatag ako, dahan-dahan mo akong hinawakan. Parang may kuryente akong naramdaman. Parang gusto kong itinigil na lang 'to. Hinaplos mo ang katawan ko. Dahil wala nang atrasan, wala na akong nagawa kundi hayaan kang hawakan ang buo kong katawan. Ganun din naman sa buhay, pag nasa gipit na sitwasyon ka na, ang magagawa mo na lang ay magtiwala. Kahit alam mong dehado ka sa laban, magtitiwala ka pa rin. Wala nang atrasan.
Habang tumatagal, hindi na ako nahihiya. Hinayaan ko na lang na mangyari ang dapat mangyari. Sa paraang 'to sana makalimutan ko na rin ang masasamang nangyari sakin. Ang nakakastress na trabaho, ang masalimuot na buhay-pag-ibig. Hinayaan kita. Alam kong napagod ka. Pero salamat. Naligo ulit ako pagkatapos. Hanggang sa muli.....
Body scrub. :D
ReplyDeleteGaling! Clap, clap. lol!
ReplyDeleteDapat medyo agresibo na ang mga entries natin for 2013. FTW! Hahaha!
ReplyDeleteFtw!!! Wtf!!!
ReplyDeleteFtw!!! Wtf!!!
ReplyDeleteDala-dalawa talaga ang comment? Unlimited? :P
ReplyDeleteHahaha, AGRESIBO. Gusto ko yan!:p Choss! Bumalik ka na rito Tonto!:)
ReplyDeleteOh easy lang. Babalik ulit ako jan soon. :)
ReplyDeleteNAKAKALOKA
ReplyDeleteAndrew, ikwento mo rin ang mga kwentong spa mo :)
ReplyDelete