Monday, April 8, 2013

Wasted

Isang kilometong puti at pinong buhangin sa isang malayong isla.

Sumama ako sa isang mahabang byahe para marating ko lang ang paraisong ito. Walang cellphone signal, sakto para sa mga nais kalimutan ang syudad kahit panandalian lang. Hindi magkakakilala ang mga tao. Walang pakialamanan. Bahala ka kung anong gusto mong gawin.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Matagal ko nang pinangarap na mapunta sa isang magandang beach, magpakalasing at matulog sa tabing-dagat.

Uminom ako ng pinagmamalaking lokal na inumin. Hindi tuba. Nipa Vodka ito. Masarap naman at in fairness, nakakalasing.

Ang sarap sa pakiramdam na umiinom ka dahil masaya ka. Kadalasan kasi, umiinom ang iba dahil may pinagdadaanan sila. Nangyari na rin to sa akin. Nakakatuwang isipin na hindi mo na naisip ang taong kadalasang naiisip mo pag umiinom ka.

Yun na nga. Nagawa ko na rin ang pinapangarap ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa buhangin, hindi na ako nakaabot pa sa tent. May mga bantay naman ako. Tatlong lalaking mababait. Akalain mong paggising ko may kumot na ako. Haha! Sa tatlong kumag, the best kayo mga kuya!

Dahil marami-raming brain cells ang namatay dahil sa pag-inom ko nung weekend, hindi na muna ako iinom sa loob ng isang buwan. Nanamnamin kong naging wasted ulit ako sa loob ng napakaraming taon.

2 comments: