Well, it's hard to move on. Kahit saan at anong banda naman ng pagmo-move mahirap.
Isang buwan nq akong pabalik-balik sa lugar na aking kinagisnan, umaasang kahit papaano makakalimutan ang mga nangyari...siyempre makapagisip-isip na rin at magpatawad. Pero mahirap, sobrang hirap. 'Yong tipong paulit-ulit pa rin sumasagi sa isip ko ang mga katanungang, "Bakit kailangan mangyari 'to?", "Bakit kaya nagawa niya pa rin 'yon?". Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang kasagutan, pero pinipilit kong intindihin.
Noong una wala lang sa akin ang pakikipagkaibigan niya sa iba, wala naman talagang masama roon. Pero baka tama rin na ginawa niya 'yon kasi baka alam na niya na mangyayari ang mga ito. Sa ngayon, unti-unti ko rin narerealize na kaya baka niya rin ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya ngayon para maka-move on. Pero bakit apektado pa rin ako nito? Kung sana hindi ko na lang nakikita at naririnig ang mga bagay-bagay.
Gayunpaman, masaya naman ako para sa kanya, at least may bago na siyang mga kaibigan. Sana lang this time alagaan na niya ang mga ito.
Hindi ako deserving na magkaganito at hindi ko deserve na masaktan ng ganito. Unti-unti, step by step kumbaga, matututuhan ko ring magpatawad. Sana ikaw rin.
Kahit malabo, pangarap ko pa ring dumating ang araw na makakapag-usap tayo at magtatawanan ng wagas. At siyempre, sana mabuo pa rin tayo.
Alam kong baka ngayon nababasa niya na rin ito. Alam ko magtataka na naman siya bakit may ganito na namang kadramahan. On that note, nakasakay kasi ako sa bus at umuulan sa labas...sarap lang mag-emote. :) 'Wag kang mag-alala parte rin 'to ng pagmomove on ko kaya, let me do this.
7/25/14
17:24
No comments:
Post a Comment