Monday, September 9, 2013

FO?

Hindi ko na kasi kayang itago. Hindi man kita makausap ng personal tungkol dito sa ngayon, ito ay dahil sa palagay ko kailangan mong malaman sa sarili mo na medyo hindi na tama...o baka HINDI NA TALAGA TAMA.

HINDI KO MATANGGAP NA GINAGANITO MO AKO. NAGMUMUKHA AKONG TANGA, GAGO. Akala ko ba galit KA rin sa mga NANGGAGAGO?

Kung ano man ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa sa akin, paumanhin baka hindi ko na maintindihan. PAULIT-ULIT NA LANG?!

Naging mabuti naman akong kaibigan sa'yo pero parang naiisip ko ngayong, KAIBIGAN nga ba ang turing mo sa akin? Kung oo, bakit ganito ang nangyayari?

GALIT NA GALIT AKO. AT NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG GANITO. SANA MALAMAN MO NA HINDI LANG AKO ANG GINAGAGO MO, GINAGAGO NIYO.

Kung tama ang hinala ko, 'di ko alam kung kailangan ko na ba magduda sa pagkakaibigan natin.

Nagtiwala ako sa'yo, nagtiwala ka ba sa'kin? Totoo ba talaga ang mga pinakita at pinapakita mo sa akin? Nakakalungkot.


Wednesday, September 4, 2013

Bawat Daan by Ebe Dancel

Para sa mga nagmahal, nasaktan pero umaasang may darating pang pag-ibig.





"Kung puso ko ay imamapa, ikaw ang dulo, gitna at simula."

Monday, September 2, 2013

Desire


Funny how the heart can be deceiving
more than just a couple times.
Why do we fall in love so easy
even when it's not right?

Tuesday, August 27, 2013

제발

Park Min-sook: Where were you last night?

Lee Jung-rok: I went to see my friend.

*calls Im Mae-ri*

Park Min-sook: Did you ask Jung-rok to meet your brother?

Mae-ri: Yes unni. What's wrong?

Park MIn-sook: Nothing.

*cries*

Park Min-sook: Let's divorce.

Lee Jung-rok: If you're embarrassed for doubting me again, you can just say sorry. Stop crying. I'm really honest this time. We're not going to divorce.

*cries harder*


Park Min-sook: I feel like a crazy woman constantly assuming you're cheating or lying again. I'm begging, let me go. Please divorce me. Let me go while I'm still sane.

Monday, August 26, 2013

Mangyari Lamang by Rico Abelardo

Ito'y isang tulang ibinahagi ng isang kaibigan. Isang kaibigan na nakaalam ng aking kabiguan. Sana'y maging inspirasyon ito sa lahat ng nagmahal, nasawi at handa pa ring magmahal sa kabila ng mga kabiguang pinagdaanan.


Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal
nang makita ng lahat ang mukha ng pag- ibig.
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin.

Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani.
Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata.
Ipamalas ang katapatan ng damdamin na pilit ikinukubli
ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata.

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal,
minahal at iniwan ngunit handa pa ring magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan.
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim.

At sa mga nananatiling nakaupo mangyari lamang
ay dahan-dahang tumalilis papalabas sa nakangangang pinto.
Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang
na nagpalaki ng isang halimaw!

At sa lahat ng naiwang nakatayo mangyari lamang
ay hagkan ang isa’t isa at yakapin ang mga sugatan.
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan!
Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal.