Thursday, July 9, 2020

Kwentong pag asa


Napakasama ng loob ko sa proseso ng pagkuha ng travel pass sa Pasig City at sa mga nakaorange na mga babae pa man ding empleyado sa City Hall na tinuro sa aking pagtanungan ko. Mga walang pakiramdam at walang puso kang ipagtatabuyan at sasabihang hindi ka bibigyan ngayon ng travel pass dahil uunahin ang mga uuwi ngayon at bukas - na para bang hindi ka pa nagtalaga ng araw at panahon para asikasuhin lahat ng requirements na sabi sa mga nakalathala ay yun lang ang mga kailangan. Secure the requirements, pumunta sa 4th floor ng City Hall para sa one-stop-shop na pagkuha ng travel pass. Pagdating mo dun hindi ka naman tutulungan at pagtanong mo sa ibang empleyado, ibang requirements naman ang hahanapin. Tapos bumalik na lang daw sa Lunes kapag nakuha na ang requirements. Mula sa trabaho sa gabi plinano kong asikasuhin agad ito pagsikat ng araw, kahit may pasok ulit ako kinagabihan. Mapapaputang-ina ka na lang talaga sa pagkawalang saysay ng lahat ng bagay. Sayang ang facemask, oras, pagod, pawis, puyat at halos isang libong pamasahe sa Grab para sa walang kwentang serbisyo. Ang hirap umasa sa mga nakikita sa social media. Walang pag-asa.

Tuesday, May 8, 2018

Kalilimutan, Nalimot, Naalala

Hindi ko inakalang may makaaalala pa
Sa lugar na 'to kung saan ibinahagi
Natin ang ating masaya at higit sa lahat
Malulungkot and mapait na alaala.
Totoo ngang kahit anong sikap nating kalimutan
Ang mga ito may isang bahagi pa rin ng buhay natin na magbabalik nito kahit ayaw man natin o sa gusto.
Pero hindi ba't nakatutuwa?
Maaalala mong minsan nagkamali ka.
Minsan tumama ka naman at mali sila.
Minsan naging tanga ka at minsan tanga ka talaga.

Mangangamuztah Lang

Kamuztah na ba.... Okay lang ako, ikaw ba?
Yan madalas ang sagot ng kung hindi man lahat, eh karamihan sa atin.
Isang tanong na tila ba mahirap sagutin. Okay ka lang ba talaga?
Bakit nga ba mahirap minsan sagutin ang isang napaka simple pero malalim na tanong na to?
Yung tipong pag bigla ka tinanong, bigla ka na din napapaisip kung tama ba ang isasagot mo.
Yung tipong, di mo sigurado kung sa isasagot mo, eh niloloko mo lang din ang sarili mo.
Weird diba, di mo alam sa sarili mo kung okay ka lang ba talaga.
Ano na nga ba nangyari sa mga nandito sa blogspot na to?
Tara, mag ka muztahan tayo, yun eh kung may nakakapag bukas pa sa inyo nito.
Ano na bang nangyari sa inyo, simula nung huling niyong pagsulat dito?
Nakalagpas ka na ba sa Edsa? O dinadaanan mo na lang siya?
O baka naman, hindi ka na talaga dumaan, kasi ibang daan na ang pinili mong puntahan.
Ako, masasabi kong masaya ako sa naging takbo ng sasakyan ko.
Kahit madaming bako, alam kong dadaanan ko lang yun.
May mga pagkakataon na nasisira ang sinasakyan ko, pero hindi dapat dun huminto at sumuko. Kailangan ko siyang ayusin, at ituloy lang ang paglalakbay.
Nakakatuwa na, hanggang ngayon, sinusubukan ko pa ding sumulat.
Pero nakaka miss din naman yung ganito.
Kaya, mag iiwan ako ng isang simpleng tanong
Kamuztah na ba.... Okay lang ako, ikaw ba?

Saturday, October 25, 2014

Ito 'yong tinatawag na, "Madaling isawika, mahirap isagawa."

Monday, October 20, 2014

Sorry.

All I ever cried was sorry.
Now I remember why.

I am sorry for myself all this time.
I am not the better friend,
I was the selfish one.

Thursday, September 25, 2014

Disconnected

She was dazzled the first time she saw you irked.
She was a little surprised with the first “with emotion” text, “Napipikit ako sa antok. Haha.”
She found you makulit but she eventually liked it.
She likes it when you make kwento stuff.
She was flattered when you noticed, “Bagay sa’yo nakabraid. Ay.”
She likes you.
Her heart skipped a beat when you suddenly kissed her on the cheek.
She always loved the way you say, "For life?"
She was disappointed when you lied.
She bought the alibis and accepted your apology.
She got kilig when you said, “I hate you.”
She loves you.
She loved how you kissed her while she was in the middle of saying something.
She was disappointed when you forgot the birthday and even more irked when you denied it.
She was pissed when you forgot about the bookmark.
She was occasionally annoyed when you play a loooooot.
She likes it when you update her.
She likes it when you ask her out. And like it even more when you make reklamo she doesn’t do the same.
She’s happy whenever you ask her how her day was.
She got kilig when you asked for a copy of the Korean drama.
She finds it cute when you’re inis and nakasimangot.
She’s weird but you’re crazy.
She loves it when you cook. Kilig. But, hello carcinogens!
She misses you.
She likes it when you hugggg.
She liked how you held her hands.
She finds it cute whenever you ask to run at the intersection or jump on stairs.
She's disappointed whenever you deny.
She likes it when you talk about basketball.
She liked it when you said, “Headroom?” upon seeing her food porn photo.
Although she doesn’t fall for your gulat tricks, she likes how you attempt to scare her.
She’s impatient but she learned how to wait.
She’s been meaning to ask things but your look always interferes.
She always overthinks.
She’s sad because you’ve changed.
She hugged you and took a very deeeeeeeeeeep breath.
Then she let you go.

Sunday, September 21, 2014

Siklo

Tipikal na Lunes ng umaga. Naligo, hinintay na matuyo ang buhok, nag-ayos. May lakad, pero hindi pa sigurado kung saan tutungo. Pagkabihis, konting sipat pa sa salamin at ayos na. Lumabas ng bahay at tumingin-tingin sa kalangitan, mukhang uulan kaya dali-daling naglakad patungo sa 'di pa malinaw na ruta. Nang medyo nakalalayo na'y isa-isa nang pumatak ang mga sinulid na gawa sa tubig. Kaya pa, kaunting bilis ng lakad lang. Pero tila hindi kaya ng mabilisan, isang bagsak ng nanggagalaiting ulan ang humarang. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, sa harap, sa likod at sa kung saan pa pwedeng lumingon, ngunit walang matanaw na masisilungan. May puno! 'Yon, baka pwede roon. Takbo! Subalit kahit ang puno'y nagsabing pasensya na't 'di siya makakatulong. Ang tuyong buhok noong una'y parang bagong ligo muli. Sumisingaw ang pabangong kanina'y isinaboy bago umalis. Unti-unti na ring naglalaho ang lotion na ipinahid sa balat kanina. Tagos sa balat ang lamig, animo'y nakailang buhos muli ng baldeng panligo. Wala ni isang taong dumaraan. Ulan. Ulan. Ulan, buhos pa. Mga paa'y nanginginig na sa lamig, bagong sapatos ay pinasok na rin ng tubig. Hinaplos ang basang mukha, luha ba 'to o ulan? Sabay tingala sa langit...tama na po. Tama na po, babalik na po.