Thursday, October 27, 2011

By Chance (You and I)



Hi
Girl, you just caught my eye
thought I should give it a try
and get your name and your number
go grab some lunch and eat some cucumbers

Why, did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' and it's something' I like
on your face, yeah it suits you
Girl, we connect like we have bluetooth

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
that you would rather add than subtract

You and I
could be like Sonny and Cher
honey and bears
You and I
could be like Aladdin and Jasmine
lets make it happen

La La La La La La La La

Hey
How've you been?
I know that it's been awhile.
Are you tired 'cause you've been on my mind
runnin' thousand and thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style
but you, you look so beautiful on this starry night
loving the way the moonlight catches your eyes and your
smile
I'm captivated
your beauty is timeless never outdated

I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
and this is all based on a lucky chance
that you would rather add than subtract

You and I
could be like Sonny and Cher
Honey and bears
you and i could be like Aladdin and Jasmine lets make
it happen

La La La La La La La La

Babe
It's been 5 years since that special day
when I asked you on our first date
I guess it's safe to say

You and I
are better than Sonny and Cher
Honey and bears
You and I
Are better than Aladdin and Jasmine
We've made it happen

La La La La La La La La

Wednesday, October 19, 2011

Long Gone and Moved On

Nadaanan ko ang pooled blog na ito at napansin ko na may buhay na ulit ito.. Ibig sabihin exciting na ulit ang buhay pag-ibig ng bawat isa sa amin. Natanong ko tuloy sa sarili ko. May buhay pag-ibig nga ba ako? Madali lang yung sagot: WALA. =)

Halos mag iisang taon na din ang nakalipas nang baguhin ko ang status ko sa FB. From In a relationship to Single. Apat na taon halos steady ang ganun ko na status. Nakakapanibago pero ganito talaga ang buhay, madaming changes at kailangan kong makisabay sa mga pagbabagong ito.

Sa loob ng isang taon na ito ay rollercoaster ang takbo ng buhay ko. Andami na ding stages ng moving on ang pinagdaanan ko. One hundred stages na ata. haha. Basta hindi ko na mabilang. Una syempre yung feeling ko suicidal na ako. Gusto ko na lang mabangga ng bus para matapos na ang buhay at pghihirap ko. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang nangyari sa amin. Hindi ko alam kung paano magsisimula nang wala siya.

After nun, andami akong ginawang desisyon na sa tingin ko ay makakatulong sa akin para magheal. I tried a lot of different things. May mga nagustuhan ako, may iba naman na hindi ko na ipinagpatuloy. Sinubukan ko din na tuparin ang pangarap ko at sa awa ng Diyos ay tinatahak ko na ang landas na noon ay iniwasan ko.

May mga nakilala na din akong tao na tiningnan ko nang higit pa sa isang kaibigan. Masaya ang experience na may mga bago kang kinikilala na tao. Dumating nga ako sa punto na alam ko minahal ko na siya pero nagdesisyon na lang akong tumigil dahil ika nga complicated ang sitwasyon namin. Natatakot akong masaktan siya kapag ipinagpatuloy ko pa ang aking kagustuhan. It was a risk for me but I know that it will make things easier for us. Atleast tinuruan niya ako na magmahal ulit kahit gaano kabigat at kahirap ng pinagdaanan ko bago siya dumating. At dahil dun, hinding hindi ko siya makakalimutan. Siya ang nagbalik ng musika sa aking buhay.

Pero sa mga oras na ito, andito ako nakaupo sa aking desk. Walang magawa sa buhay kaya nagbblog. Wala akong masyadong inaalala. Masaya ako. Oo totoong masaya kahit walang special someone or kung ano man. Finally, bumalik na ulit ako sa dati kong kasiglahan at kakulitan. Hindi ko na kailangang iasa sa iba ang happiness ko cos I can find happiness sa madaming bagay sa buhay ko.

Sabi ko sa sarili ko, malapit na siguro ako sa moved on stage na yun. Konti na lang at ang lahat ng pahihirap ay magkakaroon na ng bunga. Sana strawberries or grapes. Syala.

Malapit na nga ata yung sinasabi ng The Script na Long Gone And Moved On at malay natin baka pati yung kinakanta ng Lady Antebellum na Ready to Love Again. Let's see =)

Tuesday, October 18, 2011

Testing muna, excited ka!

Minsan kapag sawa ka na sa buhay mong walang pagbabago, aaliwin ka ng mundo.
Alam ng mundo ang kailangan mo, kasi kay tagal mo nang hiniling ito.
Kaya paggising mo, may katabi ka nang pag-ibig.
Handang ibigay ang lahat ng gusto mo, at alagaan ang nangangamba mong puso.
Siyempre, naniwala ka naman. This is it!
Sa takot mong mawala pa s'ya, masyado kang nag-alala.
Teka, ganun ka naman talaga maalalahanin.
Pero yun na nga, napansin mo na lang sa bawat linggong lumilipas humuhupa ang apoy ng pagmamahal na dati'y damang-dama ng buo mong pagkatao.
Hinanap-hanap mo na ito, hanggang sa ang pinakilala sa'yo ng mundo ay unti-unti na palang lumalayo sa'yo... hanggang sa wala na. Gone too soon, kumbaga.
Akala mo, yun na talaga. Yun pala sabi ng mundo sayo, "testing muna, excited ka!"

Saturday, October 15, 2011

magic

Nawala na siguro ang magic kaya di ka na nagpaparamdam. I miss you :(