Thursday, December 22, 2011

Paskong Kulang.

Matagal-tagal na ring hindi ko napapansin ang blog site na ito pero hindi ibig sabihing nakalimutan ko na. Masaya lang isipin na sa tuwing malungkot ako, tayo, ito ang ating takbuhan. Ito ang paraan para kahit papaano'y mailabas ang lahat ng sama ng loob. Hindi man siguro ito mababasa ng lahat pero at least mababasa to ng copers (copers talaga?).

Pag nagkakaedad na pala, hindi na masyadong nararamdaman ang pasko. Pero sa akin lang siguro applicable yun. Hehe. Magpapasko na pero hindi ko pa rin nararamdaman ang pakiramdam na tulad nung bata pa ako. Siguro'y sa regalo lang, feel na feel ko na dati na pasko na. Pero ngayon, parang laging merong kulang.

Anyway, hindi naman talaga ito tungkol sa pasko. Tungkol ito sa buhay pag-ibig (as usual). Meron kasing espesyal na tao sa akin na akala ko'y espesyal din ako sa kanya. Noong una alam kong tama ang akala ko pero habang tumatagal parang nawawala na siya. Unti-unti siyang naglalaho. Napaka-unpredictable ng kanyang ugali. Hindi ko matantya. Minsan masaya. Minsan konting asar lang, galit na agad. Hay.

Matatapos na ang taon. Sa totoo lang, ayoko nang umaasa. Pero kahit sinasabi kong lalayo na ako para di na rin ako masaktan, makita ko lang ang text niya, pinapatawad ko na agad. Pero aaminin ko. Pagod na pagod na ako. Feeling ko ako na lang lagi ang umiintindi. Minsan kailangan ko din na ako naman ang unawain. Sana mabasa niya to. At sana kung mabasa niya man, makapagdesisyon na siya. Baka kasi sa oras na nakapagdesisyon na siya, baka puno na ako. Ako naman ang tuluyan nang lalayo.

Hoy! Ikaw! Argggggh!

1 comment:

  1. "Pagod na pagod na ako." Sabahay padausdos ng likod sa pader at handusay sa sahig habang umiiyak. Pelikulang Pilipino. XD

    ReplyDelete