Sunday, December 25, 2011

*sad face*

Whew! Kahit papaano at least nakapagdesisyon na ako. I stood up for what I "wanted" and gave it all an end (which is what I want to believe). Mga buwan bago pa man mag-Pasko, sinabihan ko na ang sarili ko na magiging masaya ako, kahit ano pa man ang mangyari. Dalawang Pasko na rin kasi ang lumipas na hindi busog (o mas mainam na salita ang salat) sa romantic love ang aking puso. I just think it would make a lot of difference, and I feel that's the only missing piece of my puzzle.
Ngayon, nagsisimula akong muli. Binibigyan ang sarili ng pagkakataon para bumangon mula sa malabuhawing tamis at pait ng nakilala kong kabiguan. Lakas ng loob ko ang pagnanais na matuto sa lahat ng nangyari sa pag-asang mas handa kong mahaharap ang bukas.
Gusto kong humingi ng tawad sa taong main character ng kabanata ng kwento ko ngayon dahil tinanggihan ko ang pagkakaibigang alok nya sa akin. Tumanggi ako dahil hindi ko kaya. I cannot be friends with someone who lied to my face. Meron ding unspoken lies. And those killed me. Ayaw ko ng kalakaran sa lahat ng kaganapan. Hirap na akong magtiwala pa. Magandang alok ang pagkakaibigan, kaya paumanhin sa pagtanggi. Sana iyon muna ang naisip nyang ialok bago ang lahat ng kalokohang sinabi nya sa akin. Ako pa naman si taong "go lang" noong araw.
Nagpapasalamat akong naisip n'yang magsorry, but it couldn't change all the facts. There are just so many underlying acts. I've said my goodbye. Kung marami man akong nasabi, sana iyon ang pinakamalinaw sa lahat.
I was over my 3rd broken-hearted Christmas. At kahit alam kong bigo na naman ako, hindi ako ganoon kalungkot. Natuto na akong pumiling maging masaya kahit may mga hindi kaaya-aya. It should be all about myself muna, kasi sabi nga sa trip kong music ♪♫I just haven't met you yet!♪♫

No comments:

Post a Comment