Tuesday, August 14, 2012

Sweet

One cold night, while I was talking to an "old" friend and "facebooking" at the same time, someone sent me a private message. I just met him once but he's been a very good friend since then. I want to share with you copers his message.

"Hi Tonto, kahit sa maikling panahon lang tayo nagkita i just want to thank you that you showed me how to view life differently. You are a fighter and I am praying for your happiness. Don't cry po ha kasi I always see you cry in my dreams. You are worth the wait and a good man who will love you will come to you. Please have that thoughts i mean think everyday the man that you want to love you, the character that you want him to have. It is in your thoughts that set the power of that man to come to you. He will come. But for now, live in your dreams, explore life and enjoy every moment of this life. You are a precious gem and your worth is immeasurable. Thank you for being a friend. I just remember you and I want to say you are blessed."

I was so touched that I want to hug him. Nakakatuwa lang na kahit isang beses lang kaming magkita, ganun na siya mag-care sa akin. Despite the fact na wala akong lovelife sa ngayon, I have a lot of things to be thankful for. I have a great family, work and super duper fabulous friends. Thank you pa rin Papa God. Someday, I will meet that person who will love me unconditionally. Great and sweet night! :)

Wednesday, August 8, 2012

Hagupit ng Habagat

Nagyoyosi ako sa gazeebo habang tumitilamsik sa aking balat ang tubig-ulan. Basa ang aking pantalon at sapatos. Heavy news day. Pakiramdam ko, nakakulong ako at hindi makaalpas. Gusto kong umuwi at magtago sa ilalim ng maraming unan at magpakalunod sa makakapal na kumot, pero hindi ko magawa.

Wala akong magawa. Wala akong lablayp. At wala akong magawa. :))

Lablayp bigla?

Monday, August 6, 2012

Pagtitimpi

Hanggang kelan mo kayang magtimpi? Sabi nga, mas mabuti na ang manahimik na lang lalo na kung alam mong hindi naman pakikinggan ang paliwanag mo.

A piece of advice, wag ilalagay sa ulo ang magagandang nangyayari sa'yo ngayon. Bahala ka, lalaki yan!

Wag na wag niyong sagarin ang pasensiya ko. Please lang.

Sunday, August 5, 2012

Unreciprocated love

Noon, lagi kong iniisip na bullshit at kasinungalingan ang magmahal nang walang hinihinging kapalit. Sabi ko, imposibleng kayanin ng isang tao na magmahal nang patago. Sabi ko, imposibleng tumagal ang one-way attraction. Pero ngayon, paunti-unti, naiintindihan ko na ang lahat.

Nasubukan ko nang magmahal sa isang kaibigang itinuring na ako bilang isang kapatid. Nasubukan ko nang masaktan nang patago dahil hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa. Ilang beses ko na ring sinubukang magpakalayu-layo o lumimot dahil durog na durog na ang pride ko. Pero ganun pa rin e, iba pa rin kapag andyan sya. Iba yung tuwang mararamdaman mo sa bawat oras na kasama mo sya, ngumingiti, at tumatawa. Hinding hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo ang mga tahimik na sandaling matititigan mo sya at masasabi mo sa sarili mong, buti na lang dumating ka.

Nakakatawa nga lang isipin dahil ni minsan sa buhay ko, hindi ako naghabol ng tao. 'Yung pride ko mula impyerno yata hanggang langit. Ganun ka-lala.

Pero naisip ko, mas gugustuhin ko pang itratong kaibigan, hindi gaanong mapansin, at magbigay ng unreciprocated love kesa naman tuluyan syang mawala sakin. Masaya ako ng ganito. At proud akong sasabihin yun. Paunti-unti, napapatunayan kong hindi pala bullshit ang magmahal nang walang inaantay na kapalit. Hindi pala sya katangahan. Ganito pala yun; masayang malungkot. Pero worth it pa rin lahat. :')

Friday, August 3, 2012

Emotional hostage

That moment when you started to hate that person but that person started to cling on you and that you just melt and forgot your hatred. -- a form of Emotional Blackmail