Sunday, August 5, 2012

Unreciprocated love

Noon, lagi kong iniisip na bullshit at kasinungalingan ang magmahal nang walang hinihinging kapalit. Sabi ko, imposibleng kayanin ng isang tao na magmahal nang patago. Sabi ko, imposibleng tumagal ang one-way attraction. Pero ngayon, paunti-unti, naiintindihan ko na ang lahat.

Nasubukan ko nang magmahal sa isang kaibigang itinuring na ako bilang isang kapatid. Nasubukan ko nang masaktan nang patago dahil hindi pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa. Ilang beses ko na ring sinubukang magpakalayu-layo o lumimot dahil durog na durog na ang pride ko. Pero ganun pa rin e, iba pa rin kapag andyan sya. Iba yung tuwang mararamdaman mo sa bawat oras na kasama mo sya, ngumingiti, at tumatawa. Hinding hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo ang mga tahimik na sandaling matititigan mo sya at masasabi mo sa sarili mong, buti na lang dumating ka.

Nakakatawa nga lang isipin dahil ni minsan sa buhay ko, hindi ako naghabol ng tao. 'Yung pride ko mula impyerno yata hanggang langit. Ganun ka-lala.

Pero naisip ko, mas gugustuhin ko pang itratong kaibigan, hindi gaanong mapansin, at magbigay ng unreciprocated love kesa naman tuluyan syang mawala sakin. Masaya ako ng ganito. At proud akong sasabihin yun. Paunti-unti, napapatunayan kong hindi pala bullshit ang magmahal nang walang inaantay na kapalit. Hindi pala sya katangahan. Ganito pala yun; masayang malungkot. Pero worth it pa rin lahat. :')

7 comments:

  1. Di nga? Tatlo na tayo dito? O.O haha

    ReplyDelete
  2. O.O ikaw ba tonto yung ka-commentan ko dati na ayaw din mareject? Hehe.
    Ikaw din, PineappleAsparagus?

    ReplyDelete
  3. Ako nga pero ang masaklap, ilang beses na akong nareject. Pakshet lang diba? May araw din sila sakin. Lintik lang ang walang ganti. XD

    ReplyDelete
  4. Wow. Pak na pak sa lakas ng loob. Pahingi naman. :)) hahaha. Yaan mo, darating ang araw na luluhod ang mga tala.

    ReplyDelete