Thursday, March 31, 2011

Radyo


Masayang magbasa ng mga text messages tuwing naka-onboard ako sa radyo. Samu't saring mga pagbati, request, at kung anu-ano pa. May mga naghahanap nang textmate, yung girl 18-28, hindi maarte, at pwedeng makatext magdamagan.'Yong iba naghahanap nang pwedeng maging sugar mommy.

Kagabi may isang texter na nagsabi na masama ang loob niya dahil nakipagbreak daw sa kanya ang gf niya, sabay request ng kantang "Sorry na" ng Parokya ni Edgar na hindi ko naman na-play kasi wala sa playlist namin.

Nagbigay ako ng advice sa kanya na hayaan niya na munang lumipas ang panahon. Hayaan niyang humilom muna ang sugat. Sinabi ko rin sa kanyang 'wag padadala sa kanyang emosyon, kasi minsan sa sobrang sakit at sama ng loob natin ay nakabibitaw tayo ng mga masasakit na salita, na kailanma'y hindi na natin maaaring bawiin.

At bakit ba ako nagbibigay ng payo? Hindi naman siya humihingi.

No comments:

Post a Comment