Showing posts with label Ano ba. Show all posts
Showing posts with label Ano ba. Show all posts

Thursday, May 24, 2012

Namesake

Nung una pa lang akong pumasok sa first at present job ko bilang writer (the Monday after the Friday nung nag-break tayo), uma-umaga ka pa ring nasa isip ko.

Bukod sa sanay akong gumigising sa text mo, tuwing umaga pagkatapos kong sunduin sa bahay ng service, sa area niyo naman ang punta namin.

Sa tagal din nating nagsama, never kong nalaman kung nasaan ang bahay niyo. Ni anino ko, di nakatuntong sa kalsada niyo. Alam ko lang kung saan siya banda, saan malapit, pero never kong nakita.
Alam ko lang ang address niyo at kung nasaan ito sa mapa.

After almost a year, nag-iba rin ang ruta ng service. Solo batch na ko kaya pagkasundo sa 'kin, deretso na sa office. Trabaho na. Unti-unti, nabawasan din yung pag-iisip ko sa'yo. I mean, I don't spend my one in the morning minutes naghahanap sa street at bahay niyo wondering kung nasaan ka. Takot pa nga ako minsang baka makita kita na may kasamang iba,

Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Ayaw niya atang makalimutan kita. Akala ko, tuluyan nang nalibre ang mga umaga ko mula sa mga alaala mo. Kaya lang, binawi, nagbago ang ihip ng hangin.
 Nagpaparamdam ka ba?

Kung kelan naman kasi medyo nakalimot na...tsaka ka pa magpapaala.

Kanina pagsakay ko ng kotse may kasama si manong driver, sabay bati sa'kin:
"Ma'am, siya na nga po pala yung susundo sa inyo tuwing umaga..si Dennis."

Matapos ang isang taon, akalain mong pwede pa pala akong mangarap na ikaw ang sundo ko sa umaga?

Saturday, July 2, 2011

Of Gloomy Weather, Mushy Songs, and a Baffled Mind

There are times when you're feeling down and all you want to do is to show how hurt you are, or scream your lungs out just to tell them how frustrating your life is. Admit it, it's like fishing for someone's attention and expecting them to feel the same ache you're having. It's like showing them your raw, bleeding, and broken heart. I, for one, am doing the same thing right now. Sad isn't? That we choose to show them the weakest state of ourselves and allowing them to wallow in our defeat. Maybe it's one of the coping mechanisms that we are used in doing when we're in the lowest low of our lives. I know, I know, I'm sounding like the girl with a slashed wrist, one-sided bangs, and with eyes lined heavily by a black pencil. Well, right now my hair's up in a ponytail, instead of cuts my wrists have mosquito bites, and it's not eyeliner but eyebags.

SOS.

P.S. Save thy soul.


Of Gloomy Weather, Mushy Songs, and a Baffled Mind (and a broken heart)

Saturday, May 7, 2011

Sakto

6, 8, 12


Ooh, ooh
Do you ever think about me?
Do you ever cry yourself to sleep?
In the middle of the night when you're awake,
Are you calling out for me?
Do you ever reminisce?



It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you
I should know better but it's just not the case 
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away



Do you ever ask about me?
Do your friends still tell you what to do?
Every time the phone rings,
Do you wish it was me calling you?
Do you still feel the same?
Or has time put out the flame?



8 May 2011

Saturday, April 2, 2011


Kating kati na naman akong bisitahin ang account nya sa facebook. Buti na lang eh medyo duwag din ako't di ko kayang makita na may bago na naman syang kaharutan. Ang hirap. Minsan nga'y naiisip ko na mas mabuti na rin sigurong magkaron na sya ng bagong lovelife, yung seryoso, di yung puro pa-kilig at pa-display lang ang alam. Syempre sigurado namang magnga-ngangawa rin ako kapag nagkatotoo yun,
pero at least eh one time big time na sampal yun sa mukha ko, masakit, pero alam kong mas madali akong magigising.

Pagnagkataon, di ko na iisipin na siguro'y mahal nya pa rin ako't puro pagpapaselos lang ang ka-kornihan nila sa facebook.
Di ko na rin pag-iisipan ng masinsinan kung para sa'kin ba yung mga double meaning nyang status.
Di na rin ako magbabakasakaling takaw at lunod lang siya sa pride nya, kunsabagy eh swerte sya't mas matangkad na sakanya ang iniingatan niyang ego.
At lalong lalo nang hindi na rin ako dadalaw sa wall nya dahil isa na sya, sila, sa mga taong pinaglililibak ko noon, yun bang lantaran ang buhay pag-ibig, kulang nalang eh gawan nila ng pelikula o teleserye ang kabaduyan nila.

Ewan. Ang kati kasi. Siguro'y dahil pagaling na. ganyan daw ang mga sugat sabi ng nanay ko,
wag daw kamutin kasi'y pepeklat rin lang naman.

Thursday, March 31, 2011

Radyo


Masayang magbasa ng mga text messages tuwing naka-onboard ako sa radyo. Samu't saring mga pagbati, request, at kung anu-ano pa. May mga naghahanap nang textmate, yung girl 18-28, hindi maarte, at pwedeng makatext magdamagan.'Yong iba naghahanap nang pwedeng maging sugar mommy.

Kagabi may isang texter na nagsabi na masama ang loob niya dahil nakipagbreak daw sa kanya ang gf niya, sabay request ng kantang "Sorry na" ng Parokya ni Edgar na hindi ko naman na-play kasi wala sa playlist namin.

Nagbigay ako ng advice sa kanya na hayaan niya na munang lumipas ang panahon. Hayaan niyang humilom muna ang sugat. Sinabi ko rin sa kanyang 'wag padadala sa kanyang emosyon, kasi minsan sa sobrang sakit at sama ng loob natin ay nakabibitaw tayo ng mga masasakit na salita, na kailanma'y hindi na natin maaaring bawiin.

At bakit ba ako nagbibigay ng payo? Hindi naman siya humihingi.

Saturday, March 19, 2011

Body piercing

Hindi naman pala masakit. Dahil may mga bagay na sadyang mas masakit pa sa body piercing.


Monday, January 31, 2011

LOL. Okay.

May nagbenta sa akin ng Valentine dinner ticket sa isang hotel. Yung reaksyon ko lang para akong binebentahan ng Memorial Plan. @_@