Tuesday, December 27, 2011
Error
For a few seconds, I was toying on the idea of creating a Facebook group or a like page for the Coping Club. But I realized, anonymity is the whole point of our club and our blog. We'd rather keep the mystery.
Catch me if you can (if you ever will)
The more I move farther away from you, the more you let me; the more I am convinced that you will never ever care because you never really did.
Monday, December 26, 2011
The world is an eyeball.
Maliit ang mundo. Kaya optical illusion lang ang teritoryo, kaharian, o kesehodang mundo na sinusubukan niyong itayo. Magkikita at magkikita tayo. Mata sa mata.
Sunday, December 25, 2011
Unos sa Puso
Kahit mahangin at maulan lang dito sa kung nasaan man ako. Tila unos na tumama sa Mindanao ang nararamdaman ng aking puso.
*sad face*
Whew! Kahit papaano at least nakapagdesisyon na ako. I stood up for what I "wanted" and gave it all an end (which is what I want to believe). Mga buwan bago pa man mag-Pasko, sinabihan ko na ang sarili ko na magiging masaya ako, kahit ano pa man ang mangyari. Dalawang Pasko na rin kasi ang lumipas na hindi busog (o mas mainam na salita ang salat) sa romantic love ang aking puso. I just think it would make a lot of difference, and I feel that's the only missing piece of my puzzle.
Ngayon, nagsisimula akong muli. Binibigyan ang sarili ng pagkakataon para bumangon mula sa malabuhawing tamis at pait ng nakilala kong kabiguan. Lakas ng loob ko ang pagnanais na matuto sa lahat ng nangyari sa pag-asang mas handa kong mahaharap ang bukas.
Gusto kong humingi ng tawad sa taong main character ng kabanata ng kwento ko ngayon dahil tinanggihan ko ang pagkakaibigang alok nya sa akin. Tumanggi ako dahil hindi ko kaya. I cannot be friends with someone who lied to my face. Meron ding unspoken lies. And those killed me. Ayaw ko ng kalakaran sa lahat ng kaganapan. Hirap na akong magtiwala pa. Magandang alok ang pagkakaibigan, kaya paumanhin sa pagtanggi. Sana iyon muna ang naisip nyang ialok bago ang lahat ng kalokohang sinabi nya sa akin. Ako pa naman si taong "go lang" noong araw.
Nagpapasalamat akong naisip n'yang magsorry, but it couldn't change all the facts. There are just so many underlying acts. I've said my goodbye. Kung marami man akong nasabi, sana iyon ang pinakamalinaw sa lahat.
I was over my 3rd broken-hearted Christmas. At kahit alam kong bigo na naman ako, hindi ako ganoon kalungkot. Natuto na akong pumiling maging masaya kahit may mga hindi kaaya-aya. It should be all about myself muna, kasi sabi nga sa trip kong music ♪♫I just haven't met you yet!♪♫
Thursday, December 22, 2011
Paskong Kulang.
Matagal-tagal na ring hindi ko napapansin ang blog site na ito pero hindi ibig sabihing nakalimutan ko na. Masaya lang isipin na sa tuwing malungkot ako, tayo, ito ang ating takbuhan. Ito ang paraan para kahit papaano'y mailabas ang lahat ng sama ng loob. Hindi man siguro ito mababasa ng lahat pero at least mababasa to ng copers (copers talaga?).
Pag nagkakaedad na pala, hindi na masyadong nararamdaman ang pasko. Pero sa akin lang siguro applicable yun. Hehe. Magpapasko na pero hindi ko pa rin nararamdaman ang pakiramdam na tulad nung bata pa ako. Siguro'y sa regalo lang, feel na feel ko na dati na pasko na. Pero ngayon, parang laging merong kulang.
Anyway, hindi naman talaga ito tungkol sa pasko. Tungkol ito sa buhay pag-ibig (as usual). Meron kasing espesyal na tao sa akin na akala ko'y espesyal din ako sa kanya. Noong una alam kong tama ang akala ko pero habang tumatagal parang nawawala na siya. Unti-unti siyang naglalaho. Napaka-unpredictable ng kanyang ugali. Hindi ko matantya. Minsan masaya. Minsan konting asar lang, galit na agad. Hay.
Matatapos na ang taon. Sa totoo lang, ayoko nang umaasa. Pero kahit sinasabi kong lalayo na ako para di na rin ako masaktan, makita ko lang ang text niya, pinapatawad ko na agad. Pero aaminin ko. Pagod na pagod na ako. Feeling ko ako na lang lagi ang umiintindi. Minsan kailangan ko din na ako naman ang unawain. Sana mabasa niya to. At sana kung mabasa niya man, makapagdesisyon na siya. Baka kasi sa oras na nakapagdesisyon na siya, baka puno na ako. Ako naman ang tuluyan nang lalayo.
Hoy! Ikaw! Argggggh!

Wednesday, December 21, 2011
Pasko na
Tandang-tanda ko pa ang Pasko ko noong isang taon. Nasa gitna ako noon ng unos at nasa bungad ng maraming pagbabago sa aking buhay--mga malalaking desisyon na kailangang panindigan.
At ngayon, isang taon na naman ang nagdaan. Halos kalahating taon na rin ako rito sa malaking siyudad. Bukod sa subsob ako sa bagong trabaho, wala namang gaanong bago sa akin.
Dito sa malayo, muli kong nadiskubre ang aking sarili, nakapag-isip. Naging mas malinaw sa akin ang aking pinanggagalingan, sa tanaw mula sa malayo.
Masasabi kong mas mabait sa akin ang 2011. Hindi man ito naging lubos na masaya, nagpapasalamat ako sa Itaas sa mga biyayang dumating sa akin.
At itutuloy ko ito hanggang 2012, ang bagong simula.

Subscribe to:
Posts (Atom)