Wednesday, October 31, 2012

Ang Paksyet sa Mundo


Oo, nakatira ako sa paksyet na mundo…kasama ang mga paksyet na tulad kong nakapaligid dito
Sa mundong ang mga tao’y iisa lang sa mga talangka
Sa mundong wala nang iniisip kundi pansariling kapakanan
Sa mundong paksyet sa karamutan!
Sa mundong wala nang nakita kundi ang kapangitan ng ibang tao at hindi ang kapangitan nila!
Sa mundong putang ina sa kasamaan!
O mundong walang kasing ganda sa labas ngunit may maiimbot na mga taong nakatira!
Paksyet ka nga kung ganoon.
Paksyet kang mundo ka dahil nasayo ang mga taong mapagbintang at madudugas
Paksyet ka hindi dahil paksyet ka lang kundi dahil paksyet ang mga nilalang na nariyan sa’yo
Pero paksyet…bakit nadadamay ka sa ka-paksyetan ng mga tao na maaari namang hindi ganoon?!
Paksyet lang dahil may naisusulat akong ganito samantalang isa rin ako sa mga paksyet na nagpapapaksyet sa’yo.
Pero kahit PAKSYET ka, dito pa rin ako nakatuntong at nabubuhay…dito pa rin umiikot ang paksyet kong buhay…nandito rin ang mga taong masasabi kong hindi kabilang sa mga paksyet na tao ganoon din ang mga paksyet na patuloy kong pinakikisamahan.
PAKSYET dahil sinasakop ka ng mga NEGAtrons.
PAKSYET.

5 comments: