Saturday, October 27, 2012

Sa isang sulok ng kupal na mundo.

Gusto kong murahin ang taxi driver dahil ang init-init sa aircon niyang taxi habang tinatahak namin ang daan papuntang SM North Edsa.

Namumuo na ang pawis sa aking noo habang nangingilid naman ang luha sa aking mga mata. Pigil na pigil. Gusto kong murahin ang taxi driver, pero hindi ko magawa.

Sa halip, tahimik lang akong naupo sa backseat. Pinagmamasdan ang mga gusaling nababalot ng sinag ng palubog na araw.

Nais kong mapag-isa. Alam kong dagsaan ang mga tao sa mall ngayong Sabado ng hapon, kaya doon din ang takbo ko. Dahil tulad ng buong mundo, nais kong mapag-isa.

Dapat sana magkikita tayo ngayong gabi, bago ka bumiyahe papuntang malayo. Pero naudlot ito. Mas kailangan mong makasama ang pamilya mo sa mga huling sandali mo rito sa Pilipinas.

Reality bites like a rabid dog, hindi rin naman ako espesyal para paglaanan mo ng natatanging panahon.

Ako lang naman ay isang estrangherong nakilala mo sa isang social app at nakipagkita sa 'yo sa isang coffee shop sa Tomas Morato noong isang Linggo.

In-uninstall ko na sa aking tablet ang social app na 'yon. Dahil pakshet naman ang lahat ng mga taong nandoon. Nauuna munang hingan ka ng facepic bago ka kilalanin; isang mundong wari bang ang panlabas na kaanyuan lang ang mahalaga. Putangina nilang lahat.

Pero naiiba ka. Ikaw lang ang namansin sa akin, kahit pa isang kumpol ng frenchfries sa McDo ang profile pic ko sa halip na nipples.

Ang sabi mo, nahiwagaan ka sa profile info ko na ganito ang pagkakasulat: "Dahil kupal ang mundo, naghahanap ako ng ka-yosi at sparring partner."

Hanggang sa nagkausap tayo sa telepono. Naglabas ka ng saloobin sa pinagdadaanan mong quarter life crisis. Ang sabi mo, nurse ka pero gusto mo maging chef.

Nagkwento naman ako tungkol sa trabaho kong mapagkait ng wastong tulog, at kung anu-ano pang shit.

Naging magaan ang ating pag-uusap na animo'y isang dekada na tayong magkakilala.

Sa sumunod na araw, nagkita tayo.

Pero sadyang mapagbiro ang panahon. Dahil kinabukasan ng una nating pagkikita, na-approve naman ang iyong U.S. Visa.

At nang sabihin mo pang mas mapapaaga ang pag-alis mo, hindi ko natiis. Sa 'di ko mawaring dahilan, naiyak ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umiyak nang ganito na parang gago.

At ngayon, nag-text kang hindi ka makakasipot. Aalis ka na at maaaring hindi na tayo magkita bago ka bumiyahe.

Sabi ko, may gusto sana akong sabihin sa 'yo nang personal pero baka sadyang hindi lang ito ang tamang panahon.

Hindi ko na tinanong pa kung kailan ang balik mo. Hindi dahil sa ayaw kong maghintay, pero dahil ayaw kong umasa. Sa isip ko, baka wala rin talagang tamang panahon o balang-araw. Baka sadyang wala.

Published with Blogger-droid v2.0.9

8 comments:

  1. Alam ko ang pakiramdam na iiwan ka na ng taong mahal mo (yung kahit hindi naman kayo). Maaga ko ngang naranasan yan, first year high school. Meron din akong gustong sabihin na hindi ko nasabi kaya umiyak ako ng bongga. Andrew, gusto kitang yakapin. Ramdam ko ang sakit. Paksyet talaga ang buhay. Sadyang paksyet.

    ReplyDelete
  2. Gusto rin kitang yakapin, Tonto. Pumunta ka na rito. . .

    ReplyDelete
  3. Hhmm, parang cheese cake na sa paningin mo masarap tikman, pero nung nag decide na bilhin na, out of stock na at limited offer lang pala. Andrew, kape tayo minsan :)
    Dami ko na ding ganyang karanasan (madalas sa pagkain, hehehe), yung maka kilala ka ng isang taong masasabi mong nag sync kayo in many ways. Yung tipong di mo na namamalayan ang oras. Mahirap kasing mag expect eh, di ba.

    ReplyDelete
  4. Sige kape tayo minsan. Kaladkarin naman ako. Tama ka mahirap mag-expect. Pero minsan naman mag-expect lang, masaya na. There's sometimes magical about waiting passionately. May punto nga lang na nakakapagod. :D

    ReplyDelete
  5. Yap, i know what you're saying. masaya sa pakiramdam, para kang manghuhula, may tanong sa isip na ano ba ito, san ba kami patungo?? Minsan kasi, di natin namamalayan, we are letting a chance pass by. Pero, kape lang yan at masayang kwentuhan, matatanggal din paunti unti mga nararamdaman nating di maganda. Kung hindi man, at least nabawasan :)
    Maraming namang dahilan para tignan ang bukas na may ngiti sa mukha, parang ganito oh ^_^ hehehe

    ReplyDelete
  6. Makikisali na ako sa thread. Question, nakakapainsensitive ba ang kape? Ganun ba trickymind (shortcut, ang haba kasi)? Mahilig ka talaga siguro sa kape. Hehe.
    Andrew, there is nothing magical about waiting when you know that that person will never come. Wag mong iassociate ang magic sa paghihintay. Hindi yan totoo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyek hehehe. mahilig lang sa kape insensitive na?? Hehehe, tibay.

      Delete
  7. Tonto, yaan mo na muna ang magical na pantasya ko. HAHAHA. Bukas mawawala rin 'to. XD

    ReplyDelete