(Nainspire ako sa post ni Artemis, kaya heto...)
Paggising ko ng araw na 'yon bigla lang kitang naisip. Siguro mali para sa part ko na itago pa rin ang nararamdaman na 'to dahil sa totoo lang, hirap na hirap na ako. Hindi mo kasalanan kung bakit nasasaktan ako, hindi mo kasalanan kung bakit ganito ako...minahal lang siguro kita sa maling pagkakataon at sitwasyon. Oo, minahal kita at patuloy na minamahal.
Di ko alam kung kakayanin ko pa, pero isa ka sa mga dahilan sa kung anumang pinaplano ko ngayon. Di mo man ito alam (dahil insensitive ka nga), marahil di mo na ito maaari pang malaman. Ang bigat lang sa pakiramdam na hindi ko man lang masabi at pinipilit kong hindi iparamdam sa'yo ang lahat ng ito. Mahirap ang ideyang itago na lang ito pero sa tingin ko ito ang tamang gawin sa mga pagkakataong ito.
Alam kong siya ang gusto mo, alam kong siya ang tinitibok ng puso mo, alam kong nahihirapan ka rin, alam ko yun...dahil sensitive ako. Kung hindi man kita matulungan, 'yon ay maliban sa masasaktan lang ako, hindi mo alam na alam ko.
Maraming katanungang nabuo sa isip ko, pero di ko man lang 'yon matanong sa'yo. Sa tuwing magkakaroon ng pagkakataong magkausap tayo ang dami kong gustong sabihin sa'yo, may mga pagkakataon pa ngang parang puputok na ang puso ko dahil nandyan ka lang pero di ko pa masabi, yun bang tagong tago (alam mo yun?). Gusto pa kitang makilala ng lubos pero alam kong medyo private ka lang, pero you can count on me anytime.
Gayun pa man, napagdesisyunan kong patuloy pa kitang mamahalin...di ko muna bibigyan ng limitasyon ang aking sarili sa kung hanggang kailan kita dapat mahalin pero kung ihahaluntulad kita sa isang bisyo...unti-unti ko nang sisimulang kalimutan ang nararamdaman kong ito. Para sa'yo at lalo nang para sa akin.
Kung sabi ng Never the Strangers ay, "inch by inch we're moving closer," we're never the strangers anymore kaya masasabi kong we can still be closer but I must keep my feelings apart (yun na lang muna).
Though it's really hard, but I'm coping.
Sya pa rin ba ito chingu?
ReplyDeleteHindi na siya. :(
ReplyDeleteMay naaalala akong tao sa post na ito. Insensitive. Oh well, kaya mo yan. =)
ReplyDeletePero mahirap isantabi ang mga nararamdaman. :(
ReplyDelete