Friday the 13th.
Hindi naman talaga ako naniniwalang may dulot na kamalasan ang araw na ito na pinaniniwalaan ng iba.
Hindi ko naman ito itinuturing na kamalasan pero sa pagkakataong ito, marahil may naidulot itong nakalulungkot na pangyayari sa aking pagkatao.
Yun bang alam mong may mali ka na, nilalaglag ka pa ng inaasahan mo sanang kahit papaano ay makakatulong sa'yo.
Yung feeling na ngarag ka na sa mga nangyayari, tapos biglang may iaabot sayong papel na medyo nakakadepress ang lamang sulat.
Yung feeling na pagkabasa mo eh nakadagdag pa yun sa pagkangarag mo? Yun bang bigla ka na lang natulala pero kailangan wag ipakitang balisa ka.
Yun bang, sa lahat ng mga nangyari may nagmamalinis at wala kang magawa.
Higit sa lahat, yun bang feeling mo nagiisa ka sa mundo sa pagkakataong nangyari ang lahat ng iyon at wala kang mapuntahan...nagkasabay sabay.
Higit pa roon, yun bang feeling mo nawalan na sila ng tiwala sa'yo at nakalubog na ang isa mong paa sa hukay.
Ang saklap lang.
Moving on and still coping...
Hindi ko alam ang pakiramdam ng makatanggap ng ganyan ngunit please be reminded that I'm just here to listen. You're not alone chingu.:) *hug*
ReplyDelete