Nitong mga nakalipas na mga araw, ikaw ang laging nasa isip ko. Lahat ng mga pinagsamahan natin, masaya man o malungkot, tila bumabalik. Namimiss ko ang mga ngiti mo. Namimiss ko ang pagpasok mo ng opisina at kasabay ng pagtanggal mo ng iyong shades ay ang sweet mong smile sa akin. Namimiss ko ang pagkakilig mo kung binibiro kitang hahalikan kita sa cheeks, magbablush ka pa. Namimiss ko kung papaano ka magworry kung wala pa akong nakukuhang balita, kahit hindi naman talaga ikaw ang partner ko. Namimiss ko kung papaano tayo magmodel-modelan sa editing room. Namimiss ko ang mga panahong papasok ako ng editing room na makikita kitang natutulog sa sahig. Namimiss ko yung pag-upo sa tabi mo habang tulog ka tapos kapag nagigising ka, bigla mo na lang akong yayakapin. Namimiss ko ang mga moments na kahit hindi man direct, you made me feel very special. Namimiss ko ang inuman nating dalawa. Namimiss ko ang paghatid mo sakin sa boarding house kahit alas dos na ng madaling araw at galing tayo sa inuman. Namimiss ko kung papaano ka magalit kapag nalaman mong umuwi akong mag-isa mula sa inuman. Magagalit ka sa mga kasama ko. Namimiss ko ang pagkain natin ng siopao sa mall. Namimiss ko rin na diring-diri ka sa suka. At para mas lalo kang mainis, nag-iiwan ako ng suka sa editing room. Namimiss ko yung paghawak mo sa kamay ko, na ngayon pinagsisihan kong agad kong tinatanggal. Namimiss kita. Ikaw mismo.
Sayang at wala ka na. Alam kong isa ka sa pinakamasayang tao tuwing may achievement ako. Sayang, hindi na ikaw ang kasama ko nung unang umere ako sa national. Sayang at hindi ka na namin nakakasama na manlait tuwing pumupunta kami ng mall. Sayang at hindi mo na nakikita ang pag mature ko. Brave na ako ngayon, alam mo ba? Sayang talaga.
Sana nandito ka pa. Sana magkasama pa rin tayo ngayon. Sana nakikita pa rin kita. Sana nakakainuman pa rin kita. Sana hindi ka agad kinuha. Sana kahit man lang sa panaginip, makausap kita. Nalulungkot pa rin ako pagnaaalala kong wala ka na. Tulad ngayon. :'(
(Abril beynte singko, alas siete trenta y ocho ng gabi)
Aww, *hug*
ReplyDeletekaya mo yan Tonto. Grabe, nakakarelate ako dun sa ibang moment nyo together.:(
I feel you here bax..
ReplyDeleteKakabalik ko lang ulit sa blog na to. Grabe nakakarelate ako nang bongga. :|
ReplyDeleteMaraming salamat Artemis, Andrew. Welcome back Kai. Hihintayin ko ang blog mo. Pasensya ka na, karamihan ng blog dito ay mula sa akin. Sawi lang sa iba't ibang paraan. :(
ReplyDelete