Matagal-tagal pa dapat akong babalik sa blogsite na 'to pero tila nangangati na ang aking mga daliri kanina pa. Hindi ko mapigilan. Parang may kung anong bacteria ang dumapo at kailangan nang pindutin ang mga letra sa kompyuter.
Dahil coping club nga ito, isa na namang umaatikabong emosyon ang inyong masasaksihan. Hahayaan kong dumanak ang tinta ng aking puso ngayong gabi. Umaasang pagkatapos ng entry na 'to, mauubos na ang tintang tanging nakalaan para sa mga pighati at kalungkutan.
Copers, hindi pa rin pala talaga nawawala ang pagmamahal ko sa taong dati pa'y naging paksa na ng napakarami kong entries dito. Dahil sa isang kutob at pag-amin na rin mula mismo sa kanya, nalaman kong, oo sila na ulit. Hindi ko akalaing magsisikip muli ang lalamunan ko nang mabasa ko ang kanyang sagot. Inaasahan ko rin namang magbabalikan sila. Kaya ko pa ngang makipagpustahan dun eh. Pero sa kasamaang palad, nasaktan pa rin ako. Masakit pa rin pala matapos ang ilang buwang akala ko'y buo na ulit ang puso ko. Hindi rin naman ako umaasang magiging kami. Hindi ko naman kasi alam kung anong punyetang hangin ang nalanghap ko at naging ganito ako.
Hinihintay ko pa rin ang pagkakataong makakalimutan ko ang pagmamahal na 'to at bubuksan sa iba. Ilang beses ko na 'tong sinabi, pero uulitin ko. Bata pa naman ako. May darating pang tunay na nakalaan para sa akin. Yung tipong plantsado lahat. Sumasakto sa lahat ng pagkakataon. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang magsawa sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko. Mapapagod din siya at kusang aalis sa puso ko. At sana, pag umalis siya, wag na siyang bumalik pa.
Uy copers! Magmamaynila ako sa susunod na araw. Kita kits! Mag-iinuman tayo. Itaga niyo yan sa pusong bato.
11/5/2012 8:37 ng gabi
Hihintayin kita rito Tonto. Iinom tayo. Kahit pa sagabal ang punyetang schedule ko, makakahanap tayo ng oras...
ReplyDeleteGagapang tayo sa kalasingan! :p
ReplyDeleteDapat lang maghanap ka ng oras Andrew. Mapupunyeta ka talaga pag hindi mo ginawan ng paraan yan. Babyahe ako ng ilang oras para makasama kayo. Makonsensya ka naman. Haha! Char.
ReplyDeletePA, oo gagapang tayo. At manggagapang pa ng gwapo para maiba naman ang trip. Game???