Friday, November 16, 2012

Somewhere in the Middle

Muli kong pinapakinggan ang kanta mo.
Habang isinusulat ang sigaw ng aking puso.
Alam kong corny na naman 'to.
Pero pakialam ko, yun ang totoo.

Makailang beses ko nang sinubukan
Na ikaw ay kalimutan.
Pero lintik lang, ako'y nahihirapan.

Hindi ko alam kung ano meron ka
Na binabalik-balikan ko pa.
Kahit na hindi ko maramdaman,
Ang pag-ibig na aking inaasaam.

Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa.
Masakit pero susubukan kong tanggapin.
Na kailanman hindi ka magiging akin.


Nakalaan ka siguro sa iba,
Hindi sa katulad kong maganda.
Kidding aside, sana akin ka na lang.
Sana Lord, siya na lang.

Unti-unti kong kakalimutan ang aking nararamdaman.
Sana ako ngayo'y magtagumpay.
Puso ay muling bubuksan.
Pero kung kelan, yan ang hindi ko alam.

Kung may pangalawang buhay,
Hihingin ko sa Maykapal na tayo'y muling pagtagpuin.
Doon gagawin ko ang lahat
Upang sa huli ikaw ay makapiling.

(Fail ang aking tula on a Friday night. Dapat talaga nakipag-inuman na lang ako. Ang title ng entry ang kantang pinapakinggan ko, kantang kinanta niya na may kopya ako. Bow.)

No comments:

Post a Comment