Friday, November 23, 2012

True Love (P!nk)

Bakit kapag Friday, feeling ko obliged akong magpost dito? Hahay! Tuwing Friday lang ba bumubuhos ang emosyon? Pero infeyrnes, hindi naman ako malungkot today di tulad ng mga nakaraang araw. Natuwa naman ako sa natanggap kong invitation sa peysbuk. Pero ang tanong, bakit ako Kai? Hehe. Anyway, kung last Friday naging makata ako (ehem), ngayon iba naman. Kung magdarasal ako ngayong gabi, eto ang magiging laman:

Dear Papa God,

Hindi ko alam kung papaano magpapasalamat sa binigay mong pagkakataon na makita ko ng ilang araw ang Bulkang Mayon, marinig ko ang maingay na andar ng mga jeep sa kalsada sa harap ng BU, sumakay sa padyak papasok ng subdivision at maglibot kung saan-saan at makialam sa mga bagay na pwede namang pakialaman. Pero Lord, isang napakalaking THANK YOU!
Pagpasensyahan niyo na rin po ako sa mga masamang nagawa at nasabi ko nitong mga nakalipas na araw. Kung may nasaktan man akong tao na hindi ako nakahingi ng paumanhin, idadaan ko na lang Saiyo. SORRY po. Alam kong hindi na ako nakakabisita sayong tahanan, paumanhin po.
Alam kong alam Niyo rin ang pinagdadaanan ko. Ilang araw na akong tuliro dahil sa hindi ko nagagawang bagay. Lord, alam Mo naman ang pinagdadaanan ng aking puso. Ni hindi ko maitanong ang mga dapat kong itanong na palagay ko'y final step para ako'y tuluyan nang makapagmove on. Natatakot ako sa posibleng sagot sa mga tanong ko. Baka nega. Gusto ko mang magmove on, alam kong masasaktan pa rin ako sa magiging sagot niya. Eto pala ang mga gusto kong itanong:

1. Ano ba talaga ako sa'yo?
2. Ano ang lugar ko sa buhay mo?
3. Minahal mo ba talaga ako?
4. Importante ba ako sa'yo? Bakit di ko mafeel?
5. Gusto mo bang kalimutan ko na nararamdaman ko sa'yo? Kung hindi, bakit?

Yan ang mga tanong na hindi ko kayang itanong ng personal sa kanya, Papa God. Eto kasi ang gumugulo sa isip ko. Kung malaman ko siguro ang mga sagot, baka malalaman ko na kung ano ang dapat kong gawin. Nahihirapan na akong sa bawat gising ko at pagtulog ko,siya ang sumasagi sa isip ko. Halos lahat na lang ng bagay naassociate ko sa kanya, mula sa pangalan, apelyido. Bakit naman kasi halos lahat ng pangalan ng jeep eh kundi niya kapangalan, eh kapangalan ng girlfriend. Oh em gee! Natatawa na lang ako sa sarili minsan ksi apektadong apektado ako. Kaya sana malaman ko man lang kung ano ba talaga ang lugar ko. Hirap na hirap na din kasi ako. Per Papa God, ayoko namang mawala ang aming pagkakaibigan. Kahit papaano, naging masaya naman ang aming samahan bago pa man nahulog ako sa balon ng pag-ibig.
Isang bagay ang natutunan ko, kung hindi kayang mawala ang pagkakaibigan, wag na wag mong hahayaan na umibig sa kanya. Tulad ngayon, hirap akong lumayo dahil baka masayang yung friendship na naipundar. He's been a great friend. We can talk about anything from the most basura topic to the most serious one. And I don't want to lose that. Gusto ko lang mawala ang sobrang feelings na nasa puso ko ngayon. Ako mismo ang umakyat sa itinayo kong pader para mahalin siya.
Lord, alam kong hindi ka napapagod sa pakikinig. Salamat at nanjan ka. Salamat sa mga instrumentong pinadala mo tulad ng mga kaibigan upang iparating ang iyong mensahe. Ngayon, gagawin ko ang lahat para hindi na ako makaramdam ng sakit. Susubukan ko nang makalimot at tanging pagmamahal na lang bilang isang kaibigan ang matitira. Samahan mo ako lagi Papa God. Salamat.

Nagmamahal,
Tonto =)


P.S. Ang title ng entry ay ang kantang swak na swak sa akin. Hanapin nalang sa youtube.

Oh ayan. Sana sa susunod na Biyernes, may development na sa aking ginagawa. Hehe. Sya, copers! Hanggang sa muli! Mapagpalayang gabi sa lahat.

11/23/12, 11:13pm

No comments:

Post a Comment