Thursday, April 14, 2011

1000 pesos sa overpass...


Habang paakyat, sinasabi ko sa sarili ko na hindi na magbabago ang pananampalataya ko sa Diyos. Nang maabot ko ang tuktok, naagaw ang atensyon ko ng nagyeyellow na papel na nakahiga sa sementadong sahig. Tila kumakaway at gustong papulot. Dahil easy to get ako, pinulot ko naman. Paglingon ko, tila tinawag ako ng kapatid nyang nakasimangot, at gustong papulot din. Siyempre, ginawa ko naman.

Tumakbo ang isip at ang mga paa ko sa lalaking kabababa palang. Nilapitan ko sya at tinanong kung may nahulog s'yang pera.

Ako: May nahulog ka po bang pera? (sabi ko nga yun ang tinanong ko di ba? haha)

Dali-daling kinuha ni kuya ang wallet nya at tiningnan kung may nawala nga s'ya. Kinapa niya ang kanyang bulsa at tinanong din ako, "magkano ba?"

Sa likod ng utak ko sinagot ko s'ya ng "ba't ko sasabihin, kung sayo 'to dapat alam mo."

Tila narinig nya ang sinabi ko, at mabuti naman at ganun.

"Wala naman akong nawala," sabi niya.

Hindi ko alam kung nagpasalamat ako sa pagkausap ko sa kanya, pero umakyat na ulit ako sa overpass para ipagpatuloy ang aking naunsyaming pagtawid.

Wala akong nakitang street child o malapit na charity kaya ipinasok ko na lang sa bag ang dalawang nakasimangot na papel.

Hulog kaya iyon ng langit, o masama ba akong tao?

Kung ikaw may napulot na sanlibo, ano ang gagawin mo?


2 comments:

  1. Astig! Buti pa ang pera may pumupulot.


    Chos.

    ReplyDelete
  2. Ako, kung may mapulot ako, ililibre ko ang mga kaibigan ko. Charity na rin yun. XD

    ReplyDelete