Thursday, April 14, 2011

swerte

Mukhang maswerte din sa akin ang araw na to tulad mo Kim. Kahit napuyat ako kagabi, ayos lang. Narinig ng buong Pilipinas (yung mga maaga lang gumising at masipag pumindot ng remote control) ang boses at pangalan ko. Hindi ko man nakita ang kabuuan, may nagtext pa rin sa akin na mangilan-ngilan. Congratulations sabi ng isa, proud daw siya na kilala niya ako. Naks! Ang sabi naman ni Gagged, ako na! Tanong niya pa ano kaya yung na feel ni ms. kulot nung makita/marinig niya ako? Magkasunod pala kaming umere kanina. Well, sabi ni Gagged, mas magaling daw ako. Hindi ko alam kung dahil close lang talaga kami kaya sinabi niya yun. Pero ang point, sinabi niya pa rin. Napatanong din ako. Ano kaya nafeel niya? Baka deadma lang din. Kasi kung nakita ko din ang pag-ere niya, deadma lang din ako, tulad niya.

3 comments:

  1. I am so proud that I am friends with you!

    ReplyDelete
  2. Napanood namin 'yun ni Gagged sa hotel! Ginising ko talaga siya! :)) Tapos pagising niya, showbiz news na. Sabi niya: "Patayin mo yan!!!!" Hahahahahaha

    ReplyDelete
  3. @Andrew wahaha ang tv ba ang pinapapatay nya? =))

    ReplyDelete