Summer na. Naiinggit ako sa mga estudyante, kasi sila bakasyon na. Iba ang pakiramdam na maging pansamantalang maging malaya sa mga gawaing tinuturing mong pasanin. Masayang alam mong pagkakataon mo nang gawin ang mga nais mong gawin sa sarili mong pamamaraan. Naglululundag ang puso mo sa tuwa, parang Party! Party!
Naalala ko na naman kung pano nagsimula ang matamis na nakaraan. Summer Job of 2007, at Summer of 2009 naman iyon mapait na nagtapos. Sa pagbabalik-tanaw ko, naisip ko tila mas mahaba lang ang relasyon namin sa Isang Linggong Pag-ibig (ni Imelda Papin) ngunit ang paglipas ay tila mas mabilis pa sa isang iglap.
Nostalgic lang ako ngayon sa kaiisip ng Summer dahil marka ito na mahaba nang nagbakasyon ang puso ko from romantic love. Mahabang panahon nang naging malaya ang nabihag kong puso, at nararamdaman ko na ang mahigpit na yakap ng tagtuyot. Pinagtatanto ko kung marapat na ba akong magmahal muli? At kung oo, bakit?
Buti pa ang gasolina, nagmahal nang muli! XD
ReplyDelete