Wednesday, May 23, 2012

Here I Go Again

Araw araw ko namang binibisita ang ating mundo copers pero ngayon lang ulit akong ginanahang magsulat. Malamang iisipin niyo, "ay broken-hearted na naman si Tonto". Ipagpalagay na nating hindi masyado. Nasa gitna ako ng kalungkutan at kasiyahan. Baliw lang ang peg.

Aaminin kong nagmahal ako ulit, este, nagmamahal ako ulit. Kung nasusundan niyo ang mga entries ko, eh alam niyo kung kanino. Nagmamahal ako kahit alam kong hindi ganun ang nararamdaman niya para sa akin. Sa mga ganitong pagkakataong napapatunayan kong totoo 'to. Hindi ka naghahangad ng anumang kapalit kahit paminsan-minsan nakakaawa ka na. TL ika nga. Naks.

Bata pa ako. I know. Marami pa akong makikilala. Pero sabi nga ng isang kaibigan, kahit anong baling mo sa iba, kung yung isang taong yun ang dinidikta ng puso mo wala ka nang magagawa. Siya talaga. Oh well. Sa ngayon, masaya na ako na nakakakulitan ko siya. Tama na din siguro yun kesa naman ipipilit pa ang hindi talaga pwede. Kaso lang, nasasaktan din ako. Gusto ko nang lumayo ng ilang beses pero hindi ko natitiis. Bumabalik pa rin ako. Tanga lang ang peg.

Hindi ko alam kung san aabot tong nararamdaman ko. Ang alam ko lang ngayon, masaya ako pag nakakausap ko siya. Namimiss ko siya. Tapos!

(may 23, 2012. 10pm. May background music na Kung Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante)

8 comments:

  1. "Nagmamahal ako kahit alam kong hindi ganun ang nararamdaman niya para sa akin. Sa mga ganitong pagkakataong napapatunayan kong totoo 'to. Hindi ka naghahangad ng anumang kapalit kahit paminsan-minsan nakakaawa ka na."

    "Gusto ko nang lumayo ng ilang beses pero hindi ko natitiis. Bumabalik pa rin ako. Tanga lang ang peg."

    --ako rin 'to

    ReplyDelete
  2. "kahit anong baling mo sa iba, kung yung isang taong yun ang dinidikta ng puso mo wala ka nang magagawa"


    -isa rin ako sainyo

    ReplyDelete
  3. salamat talaga at may copingclub. nararamdaman kong hindi ako nag-iisa. salamat copers. Sandali, sino si Fried Apple?? Hehehe.

    ReplyDelete
  4. Oo, tanga na kung tanga ang peg. Pero nangyayari talaga ito.

    "Gusto ko nang lumayo ng ilang beses pero hindi ko natitiis. Bumabalik pa rin ako. Tanga lang ang peg."

    At ang masakit pa dun, masaya ka sa twing babalik ka sa kanya. Pakbet. Shet pakbet.

    ReplyDelete
  5. tama artemis. sapul na sapul mo. ang hirap lang diba. ang sakit :(

    ReplyDelete
  6. @Tonto, ako pala si Fried Apple. At oo, hindi ka nag-iisa :)

    ReplyDelete
  7. ikaw pala yan Di. hay. kahit hindi kita kilala personally, gusto kong magpasalamat ng bonggang-bongga. Salamat sa pag-intindi :)

    ReplyDelete