Nung una pa lang akong pumasok sa first at present job ko bilang writer (the Monday after the Friday nung nag-break tayo), uma-umaga ka pa ring nasa isip ko.
Bukod sa sanay akong gumigising sa text mo, tuwing umaga pagkatapos kong sunduin sa bahay ng service, sa area niyo naman ang punta namin.
Sa tagal din nating nagsama, never kong nalaman kung nasaan ang bahay niyo. Ni anino ko, di nakatuntong sa kalsada niyo. Alam ko lang kung saan siya banda, saan malapit, pero never kong nakita.
Alam ko lang ang address niyo at kung nasaan ito sa mapa.
After almost a year, nag-iba rin ang ruta ng service. Solo batch na ko kaya pagkasundo sa 'kin, deretso na sa office. Trabaho na. Unti-unti, nabawasan din yung pag-iisip ko sa'yo. I mean, I don't spend my one in the morning minutes naghahanap sa street at bahay niyo wondering kung nasaan ka. Takot pa nga ako minsang baka makita kita na may kasamang iba,
Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Ayaw niya atang makalimutan kita. Akala ko, tuluyan nang nalibre ang mga umaga ko mula sa mga alaala mo. Kaya lang, binawi, nagbago ang ihip ng hangin.
Nagpaparamdam ka ba?
Kung kelan naman kasi medyo nakalimot na...tsaka ka pa magpapaala.
Kanina pagsakay ko ng kotse may kasama si manong driver, sabay bati sa'kin:
"Ma'am, siya na nga po pala yung susundo sa inyo tuwing umaga..si Dennis."
Matapos ang isang taon, akalain mong pwede pa pala akong mangarap na ikaw ang sundo ko sa umaga?
No comments:
Post a Comment