Wednesday, May 23, 2012

Hulagpos

Ito na siguro ang pinakamarahas na naranasan ko sa pag-stay ko sa Manila...sa magulong mundo ng Maynila.

Ramdam ko pa ang hagod ng mabilis na paghulagpos nito sa aking mga kamay. Na sa paglingon ko'y isang bata ang humugot dito, unang naisigaw ko lang ay *fuck (na di ko alam kung bakit) sabay habol at pilit na pinantayan ang kumakaripas niyang takbo. Ilang metro rin 'yon, na ni isa man lang ay walang nagtangkang tumulong sa akin...kahit isa. Wala na akong nagawa, maliliksi at mauutak sila...oo tatlo sila.

Natigilan na lang ako at di alam kung anong gagawin. Ilang minutong natulala at napatingin sa kawalan. Hindi ko na sila nasundan ng tingin. Sa pagkakataong ito may nakiusyoso na, pero ano pa bang magagawa nila? Wala na nga akong nagawa kundi bumalik sa opisina na mabigat ang loob. Bukod kasi sa hindi ko pag-aari ang perang laman noon, nandoon din ang mga mahahalagang ID at card ko.

Sabi nila parte na raw talaga 'to ng buhay. May mas marami raw at magandang balik na swerte 'to. Sana nga.

Sa ngayon, kailangan ko mag move on. Medyo mababaw kumpara sa naranasan ng iba pero ambigat lang.

No comments:

Post a Comment