Showing posts with label sakit sa puso. Show all posts
Showing posts with label sakit sa puso. Show all posts

Monday, January 16, 2012

I Love You, Goodbye...

"Thank you for everything.
Kampante na akong magmove-on ngayon.
But this doesn't mean na hindi na kita kinoconsider na friend.
I will still be here for you r-----o.
Sana mahanap mo na ang makakapagpasaya sayo."


Ito na ang huling mensahe ko sa kanya kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko kanina paggising ko. Parang manhid na ata. Naging manhid na siguro matapos ang aming pag-uusap.

Para sa mga sumusubaybay ng aking kwento...

Nag-usap na kami kahapon. Nagpaalam na ako sa kanya. Parang let-me-be-the-one-to-break-it-up lang kahit hindi naman talaga kami. Ito na rin siguro ang tamang panahon para i-let go ko na ang nararamdaman ko para sa kanya kasi ang sakit na. Ang gusto ko lang, maramdaman kong importante ako. Sinasabi niyang importante raw ako pero hindi niya alam kung gaano. K fine. Kuha ko na.

Hindi ko ulit mapigilan ang luha. Ang sakit lang na habang nag-uusap kami may background music pa. Kumakanta pa siya na kahit alam niyang yun ang isa sa pinakamamimiss ko sa kanya. Habang naririnig ko siyang kumanta, parang gusto ko nang bawiin yung mga sinabi ko. Pero hindi. Desidido na ako. Mangyayari at mangyayari ulit ito lalo na kung alam mo naman na mas mahal mo siya at hindi gaano yung nararamdaman niya sayo. Kuha mo? Sabi nga niya, ganun talaga siguro. Ganun nga talaga. Lalo na kung hindi mo naman nakikitaan ng effort yung isa. Napapagod din ang puso.

Pero nung gabi na, sinubukan ko pa siyang tawagan. Di na siya sumasagot. Siguro kung sumagot siya, baka binawi ko lahat. Pero dito na siguro magtatapos ang kwento naming dalawa. Hindi talaga siguro siya ang nakatakda para sa akin. Pero sabi ko nga sa kanya, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Alam kong magiging mahirap para sa amin, pero kakayanin. Hindi malayong muli kaming magkatrabaho. Sana pagdating ng panahon na yun, masasabi kong kaya ko na siyang harapin. Sana wala na talaga akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung kelan ko masasabing OK na ulit ako. Sabi nga, makakalimutan mo lang daw ang magagandang alaala kung may pumalit na na mas maganda. Pero sa estado kong ito, parang hindi ko pa ata kayang i-welcome ang mga ganun. Muli na naman akong natakot.

Maraming salamat sa masasayang usapan. Marami man sigurong pumatak na luha, mas marami pa rin ang mga halakhak. Dahil din sayo, nadagdagan din ang nalalaman ko tungkol sa buhay. Ang ipinagdarasal ko lang ngayon, sana maging masaya ka na. Mabalitaan ko lang na masaya ka, masaya na rin ako. Sana maging matagumpay ka sayong karera. You still have a beautiful friend in me. Chos.

"Letting go means accepting the things that cannot be. It means maturing and moving on, no matter how hard you fight yourself to do so. Courage is not always the absence of fear but simply moving on with dignity despite that fear."

Tuesday, January 10, 2012

Kuneksyon

Question.

Bakit kapag broken-hearted ka, lahat na lang na makita o marinig mo eh nakokonek mo sa'yo o nagpapaalala dun sa taong dahilan kung bakit ka malungkot? Yung tipong parang ayaw kang lubayan ng sama ng loob?

Ganun kasi ang nangyayari sa akin ngayon. Halos lahat ng naririnig ko, nakikita, nababasa, eh may konek! Kahapon, naglalakad ako eh may nakasalubong akong kasing katawan niya (chubby), kabuhok. Arrrgghh! Siya agad ang pumasok sa isip ko.

Kahapon din pinalitan na pala si Rabena. Mulawin daw ang pumalit. Chos! Waley. Kidding aside, kaapelyido niya pa ang pumalit. Bakit kasi napakacommon ng apelyido! Di tuloy ako tinatantanan!

Kahit yung bagong commercial ni Kris Aquino eh napagbuntunan ko na ng inis. Kung kakain ba ako ng dram dram na San Marino eh makikita ko na ang aking true love? Kalokohan! Bitter!

Pati pa pala yung commercial ni John Lloyd na Magic Flakes ba yun. Yung pangalan ng produkto mismo, eh ouch na. Pati pa yung linya ng babae dun. "What about my feelings?" Tama naman talaga. Dapat paminsan-minsan magtanong din ang babae ng ganun. Minsan kasi, kailangan talagang itanong yun para naman malaman nung isa na nasasaktan ka na. May mga tao lang talaga sigurong insesitive. Oh diba, nakonek ko rin pati yun. Iba talaga pag nasa gitna ka ng "moving on" stage at "sana-bumalik-ang-dati".

Alam kong napakapathetic ko na. Naaawa na rin nga ako sa sarili ko eh. Pagod na ako diba? Pero bakit sa likod ng utak ko, may nagsasabing sana pag nabasa niya to, bumalik pa siya.

Anyway, nakakatawa pa kagabi. Kasi super late na akong nakatulog. Matapos yung pag-uusap namin ni Andrew, ang tagal pa bago ako nakatulog. Sabi kasi nila, pag ganyan daw, may nag-iisip sayo. Sana siya yun. Naiisip niya rin kaya ako? Gaya rin kaya ng epekto sakin ang epekto sa kanya ng nangyari sa amin? Parang KC-Piolo lang. Hahaha. Yung parang si KC lang ang apektado. May ganung lebel talaga, ano? Nakonek ko rin yun.

Oh siya, bukas naman.

Abangan ang panibagong araw ng pakikipagsapalaran at pagbangon ko.

Bow.