Question.
Bakit kapag broken-hearted ka, lahat na lang na makita o marinig mo eh nakokonek mo sa'yo o nagpapaalala dun sa taong dahilan kung bakit ka malungkot? Yung tipong parang ayaw kang lubayan ng sama ng loob?
Ganun kasi ang nangyayari sa akin ngayon. Halos lahat ng naririnig ko, nakikita, nababasa, eh may konek! Kahapon, naglalakad ako eh may nakasalubong akong kasing katawan niya (chubby), kabuhok. Arrrgghh! Siya agad ang pumasok sa isip ko.
Kahapon din pinalitan na pala si Rabena. Mulawin daw ang pumalit. Chos! Waley. Kidding aside, kaapelyido niya pa ang pumalit. Bakit kasi napakacommon ng apelyido! Di tuloy ako tinatantanan!
Kahit yung bagong commercial ni Kris Aquino eh napagbuntunan ko na ng inis. Kung kakain ba ako ng dram dram na San Marino eh makikita ko na ang aking true love? Kalokohan! Bitter!
Pati pa pala yung commercial ni John Lloyd na Magic Flakes ba yun. Yung pangalan ng produkto mismo, eh ouch na. Pati pa yung linya ng babae dun. "What about my feelings?" Tama naman talaga. Dapat paminsan-minsan magtanong din ang babae ng ganun. Minsan kasi, kailangan talagang itanong yun para naman malaman nung isa na nasasaktan ka na. May mga tao lang talaga sigurong insesitive. Oh diba, nakonek ko rin pati yun. Iba talaga pag nasa gitna ka ng "moving on" stage at "sana-bumalik-ang-dati".
Alam kong napakapathetic ko na. Naaawa na rin nga ako sa sarili ko eh. Pagod na ako diba? Pero bakit sa likod ng utak ko, may nagsasabing sana pag nabasa niya to, bumalik pa siya.
Anyway, nakakatawa pa kagabi. Kasi super late na akong nakatulog. Matapos yung pag-uusap namin ni Andrew, ang tagal pa bago ako nakatulog. Sabi kasi nila, pag ganyan daw, may nag-iisip sayo. Sana siya yun. Naiisip niya rin kaya ako? Gaya rin kaya ng epekto sakin ang epekto sa kanya ng nangyari sa amin? Parang KC-Piolo lang. Hahaha. Yung parang si KC lang ang apektado. May ganung lebel talaga, ano? Nakonek ko rin yun.
Oh siya, bukas naman.
Abangan ang panibagong araw ng pakikipagsapalaran at pagbangon ko.
Bow.
May paglelebel talagang KC-Piolo teh?
ReplyDeletePero gusto ko kung paano mo ikinonek sa salitang pakikipagsapalaran ang salitang pagbangon. Dapat magkasama parati ang dalawang salitang 'yan.
Susubaybayan ko ang iyong kwento, Tonto.