Monday, January 16, 2012

I Love You, Goodbye...

"Thank you for everything.
Kampante na akong magmove-on ngayon.
But this doesn't mean na hindi na kita kinoconsider na friend.
I will still be here for you r-----o.
Sana mahanap mo na ang makakapagpasaya sayo."


Ito na ang huling mensahe ko sa kanya kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko kanina paggising ko. Parang manhid na ata. Naging manhid na siguro matapos ang aming pag-uusap.

Para sa mga sumusubaybay ng aking kwento...

Nag-usap na kami kahapon. Nagpaalam na ako sa kanya. Parang let-me-be-the-one-to-break-it-up lang kahit hindi naman talaga kami. Ito na rin siguro ang tamang panahon para i-let go ko na ang nararamdaman ko para sa kanya kasi ang sakit na. Ang gusto ko lang, maramdaman kong importante ako. Sinasabi niyang importante raw ako pero hindi niya alam kung gaano. K fine. Kuha ko na.

Hindi ko ulit mapigilan ang luha. Ang sakit lang na habang nag-uusap kami may background music pa. Kumakanta pa siya na kahit alam niyang yun ang isa sa pinakamamimiss ko sa kanya. Habang naririnig ko siyang kumanta, parang gusto ko nang bawiin yung mga sinabi ko. Pero hindi. Desidido na ako. Mangyayari at mangyayari ulit ito lalo na kung alam mo naman na mas mahal mo siya at hindi gaano yung nararamdaman niya sayo. Kuha mo? Sabi nga niya, ganun talaga siguro. Ganun nga talaga. Lalo na kung hindi mo naman nakikitaan ng effort yung isa. Napapagod din ang puso.

Pero nung gabi na, sinubukan ko pa siyang tawagan. Di na siya sumasagot. Siguro kung sumagot siya, baka binawi ko lahat. Pero dito na siguro magtatapos ang kwento naming dalawa. Hindi talaga siguro siya ang nakatakda para sa akin. Pero sabi ko nga sa kanya, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Alam kong magiging mahirap para sa amin, pero kakayanin. Hindi malayong muli kaming magkatrabaho. Sana pagdating ng panahon na yun, masasabi kong kaya ko na siyang harapin. Sana wala na talaga akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung kelan ko masasabing OK na ulit ako. Sabi nga, makakalimutan mo lang daw ang magagandang alaala kung may pumalit na na mas maganda. Pero sa estado kong ito, parang hindi ko pa ata kayang i-welcome ang mga ganun. Muli na naman akong natakot.

Maraming salamat sa masasayang usapan. Marami man sigurong pumatak na luha, mas marami pa rin ang mga halakhak. Dahil din sayo, nadagdagan din ang nalalaman ko tungkol sa buhay. Ang ipinagdarasal ko lang ngayon, sana maging masaya ka na. Mabalitaan ko lang na masaya ka, masaya na rin ako. Sana maging matagumpay ka sayong karera. You still have a beautiful friend in me. Chos.

"Letting go means accepting the things that cannot be. It means maturing and moving on, no matter how hard you fight yourself to do so. Courage is not always the absence of fear but simply moving on with dignity despite that fear."

1 comment: