Showing posts with label Moving on. Show all posts
Showing posts with label Moving on. Show all posts

Wednesday, December 19, 2012

random realizations


And when I heard you say you wish you didn't attend Lhet's debut party,
I realized how deep and how much I've hurt you to the core.

Deep enough to want me uprooted, deleted from your memory.
Enough for you to wish you never ever met and laid your eyes on me.
For you to regret everything.

That's when it hurt the most.
Because I proved you did love me that much.
But at the same time, it hit me that I can never ever have you again.
And I knew, yes, I knew deep down, I should let you go.

Thursday, May 24, 2012

Namesake

Nung una pa lang akong pumasok sa first at present job ko bilang writer (the Monday after the Friday nung nag-break tayo), uma-umaga ka pa ring nasa isip ko.

Bukod sa sanay akong gumigising sa text mo, tuwing umaga pagkatapos kong sunduin sa bahay ng service, sa area niyo naman ang punta namin.

Sa tagal din nating nagsama, never kong nalaman kung nasaan ang bahay niyo. Ni anino ko, di nakatuntong sa kalsada niyo. Alam ko lang kung saan siya banda, saan malapit, pero never kong nakita.
Alam ko lang ang address niyo at kung nasaan ito sa mapa.

After almost a year, nag-iba rin ang ruta ng service. Solo batch na ko kaya pagkasundo sa 'kin, deretso na sa office. Trabaho na. Unti-unti, nabawasan din yung pag-iisip ko sa'yo. I mean, I don't spend my one in the morning minutes naghahanap sa street at bahay niyo wondering kung nasaan ka. Takot pa nga ako minsang baka makita kita na may kasamang iba,

Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Ayaw niya atang makalimutan kita. Akala ko, tuluyan nang nalibre ang mga umaga ko mula sa mga alaala mo. Kaya lang, binawi, nagbago ang ihip ng hangin.
 Nagpaparamdam ka ba?

Kung kelan naman kasi medyo nakalimot na...tsaka ka pa magpapaala.

Kanina pagsakay ko ng kotse may kasama si manong driver, sabay bati sa'kin:
"Ma'am, siya na nga po pala yung susundo sa inyo tuwing umaga..si Dennis."

Matapos ang isang taon, akalain mong pwede pa pala akong mangarap na ikaw ang sundo ko sa umaga?

Wednesday, May 2, 2012

ang pag move on ng panahon at mundo

Isa-isa nang nagsasara ang ilang establisimyentong naging setting ng ilang eksena sa love story natin.

Mula sa Starbucks Adriatico
, sa unang branch ng Starbucks kung saan tayo tumambay. Naaalala mo pa ba? Nung sinamahan kitang magreview? Sabi mo pa nun dalhin ko si Lex (laptop) para may magawa ako. Magsesecond sem ng third year yun..may removals ka. Sinuportahan kita..kaya lang hindi ka pumasa. Masyado ka atang distracted sa pagrereview mo. Pano ba naman kasi, iba pa nun yung inaatupag mo. Hindi pa tayo nun ha.
Sa Starbucks Adriatico mo rin ako unang pinatawad...sa pinakamalaking kasalanan na nagawa ko sa'yo. Sa couch na yun sa may pinto. Hindi ko makakalimutan kung paanong habang umiiyak ako ay bigla mo na lang akong hinalikan at pinunanasan ang luha ko tsaka mo sinabing mahal mo ko. Doon sinabi mong hindi mo ko iiwan. Doon nalaman ko kung gaano mo ko kamahal. Doon ang isang lugar kung saan nakita kong umiyak ka, kung saan nakita ko ang kahinaan mo. Kung saan pakiramdam ko, binuksan mo ang sarili mo sa akin. Sa Starbucks Adriatico, tinunaw mo ang puso ko. Binago mo ang buhay ko.
Naaalala mo pa ba?

Sunod naman ay ang Banapple sa Tomas Morato kung saan super late nating sinelebrate ang birthday mo this year. Hindi na tayo ganun kasaya. Alam kong pinagbigyan mo lang ako. Isa sa maraming pagkakataong napilitan ka. Hindi naman talaga nagsara ang Banapple sa Morato, lumipat lang sila ng pwesto, sa tabi mismo ng dating lugar. Pero iba na e, mawawala na yung lugar kung saan tayo kumain. Yung table kung saan tayo nagsalo.
Naaalala mo pa ba?

Kanina dumaan ako sa V. Cruz. Wala na rin pala yung 7-Eleven doon malapit sa Torre Lorenzo along Taft Ave. kung saan madalas tayong magmeet kapag may icocover akong sports event sa Rizal Memorial Stadium. Madalas akong ma-late. Madalas galit ka. Ayaw mo kasi nang nale-late. Ayaw mong pinaghihintay ka. Isa lang yun sa maraming bagay na ayaw mo sa kin. Aminin mo man o hindi. Alam mo man o hindi. Aware ka man o hindi sa mga nirereklamo mo. Dun sa 7-Eleven na yun, bumibili tayo ng breakfast snack lalo na pag baseball game sa umaga. Ang tagal kasi nun, tatlong oras. Dun mo rin ako binibilhan ng gatorade at chocolate biscuits na knick-knacks na pinagsasaluhan natin habang nanonood ng game.
Naaalala mo pa ba?


Isa-isa nang binubura ng mundo ang mga alaala ko sayo. Handa man ako o hindi, binabago na niya ito. Gusto ko man o ayoko, inaalis ka na niya sa nakikita ko. Akala niya makakalimutan kita. Mas nakikita at napapansin ko lang naman yung mga nagbago ngayong wala ka na.  Yung bang absence o kawalan mo at ng alaala mo.

Grabe ang mundo no? Walang pakundangan sa nararamdaman mo. Iikot at iikot, tuloy pa rin sa pag-ikot kahit hilong-hilo ka na at gusto mo na lang tumigil sa isang sulok.
Sabi nga ng kanta, "Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo. 'Di to hihinto para lang sa iyo..."

Grabe rin ang panahon. Lumilipas at patuloy na lumilipas. Pero ang totoo, mabait pa ang panahon. Ang panahon di ka iiwanan niyan...isasama ka nga niya e. Ang masaklap, kung paano ka niya dadalhin. Ang panahon, kakaladkarin ka araw-araw hanggang segu-segundo ke gusto mong sumama sa kanya o hindi. Kahit na buong pagkatao mo na ang igayod mo sa kalsada ng panahon para lang pigilan siya, hindi siya papapigil. Hindi ka pwedeng magpaiwan. Kasi sa totoo lang? Wala ka namang choice e.

Walang pakialam ang panahon sa nararamdaman mo. Walang pakialam ang mundo sa nararamdaman mo.
Pero sabi nila, kung pababayaan mo lang daw sila, ang mundo at ang panahon mismo ang maghahatid sa'yo sa dapat mong kalagyan.



Alam ko naman yun e. Pero ayoko. Kasi, alam ko ring dadalhin nila ako sa lugar at oras na malayo sa'yo.
 *10.24.11*

Monday, January 16, 2012

I Love You, Goodbye...

"Thank you for everything.
Kampante na akong magmove-on ngayon.
But this doesn't mean na hindi na kita kinoconsider na friend.
I will still be here for you r-----o.
Sana mahanap mo na ang makakapagpasaya sayo."


Ito na ang huling mensahe ko sa kanya kaninang umaga. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko kanina paggising ko. Parang manhid na ata. Naging manhid na siguro matapos ang aming pag-uusap.

Para sa mga sumusubaybay ng aking kwento...

Nag-usap na kami kahapon. Nagpaalam na ako sa kanya. Parang let-me-be-the-one-to-break-it-up lang kahit hindi naman talaga kami. Ito na rin siguro ang tamang panahon para i-let go ko na ang nararamdaman ko para sa kanya kasi ang sakit na. Ang gusto ko lang, maramdaman kong importante ako. Sinasabi niyang importante raw ako pero hindi niya alam kung gaano. K fine. Kuha ko na.

Hindi ko ulit mapigilan ang luha. Ang sakit lang na habang nag-uusap kami may background music pa. Kumakanta pa siya na kahit alam niyang yun ang isa sa pinakamamimiss ko sa kanya. Habang naririnig ko siyang kumanta, parang gusto ko nang bawiin yung mga sinabi ko. Pero hindi. Desidido na ako. Mangyayari at mangyayari ulit ito lalo na kung alam mo naman na mas mahal mo siya at hindi gaano yung nararamdaman niya sayo. Kuha mo? Sabi nga niya, ganun talaga siguro. Ganun nga talaga. Lalo na kung hindi mo naman nakikitaan ng effort yung isa. Napapagod din ang puso.

Pero nung gabi na, sinubukan ko pa siyang tawagan. Di na siya sumasagot. Siguro kung sumagot siya, baka binawi ko lahat. Pero dito na siguro magtatapos ang kwento naming dalawa. Hindi talaga siguro siya ang nakatakda para sa akin. Pero sabi ko nga sa kanya, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Alam kong magiging mahirap para sa amin, pero kakayanin. Hindi malayong muli kaming magkatrabaho. Sana pagdating ng panahon na yun, masasabi kong kaya ko na siyang harapin. Sana wala na talaga akong nararamdaman.

Hindi ko alam kung kelan ko masasabing OK na ulit ako. Sabi nga, makakalimutan mo lang daw ang magagandang alaala kung may pumalit na na mas maganda. Pero sa estado kong ito, parang hindi ko pa ata kayang i-welcome ang mga ganun. Muli na naman akong natakot.

Maraming salamat sa masasayang usapan. Marami man sigurong pumatak na luha, mas marami pa rin ang mga halakhak. Dahil din sayo, nadagdagan din ang nalalaman ko tungkol sa buhay. Ang ipinagdarasal ko lang ngayon, sana maging masaya ka na. Mabalitaan ko lang na masaya ka, masaya na rin ako. Sana maging matagumpay ka sayong karera. You still have a beautiful friend in me. Chos.

"Letting go means accepting the things that cannot be. It means maturing and moving on, no matter how hard you fight yourself to do so. Courage is not always the absence of fear but simply moving on with dignity despite that fear."

Thursday, January 12, 2012

Comfort Room

Pang-ilang araw na ba? Hindi ko na binibilang ang araw na malungkot ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko ang tagal-tagal na. Pero natutuwa naman ako sa bawat araw. Nararamdaman kong paunt-unti ay nagiging OK ako. Paggising mo sa umaga eh parang mas magaan kaysa sa nakaraan. Good for me! Hindi naman talaga madali ang mag move-on lalo na kung meron ka pang nararamdaman para dun sa taong nais mo nang kalimutan.

"Love takes time to heal when you're hurting so much."

Hindi ako nagmamadali na kalimutan ka. Sa totoo lang, mas nangingibabaw ngayon ang "sana maayos pa natin 'to" factor. Hindi rin kasi ako makakamove-on ng maayos kung di rin tayo makakapag-usap ng maayos.

Kagabi, binalikan ko ang panahong hindi pa tayo magkakilala. Masaya naman ako. Pero aaminin kong mas naging masaya ako nung makilala kita. Oh! Wag masyadong lumaki ang ulo! Hindi ko pinagsisisihang nagkagusto ako sa'yo. Bigla ko na lang kasing nararamdaman kahit anong pigil ko. Ganun talaga siguro ang buhay.

Isang araw, masasabi ko rin ang sinabi ni Emma sa pelikulang One Day.

"I love you but I don't like you anymore."

Pero sabi ko nga, hindi ako nagmamadaling sabihin yun. Darating ang araw na masasabi ko rin siguro yan.

One day....

(Sa mga sumusubaybay sa the coping club, pasensiya na kung karamihan ng entry ay mula sa akin. Kailangan ko lang mailabas ang nararamdaman ko. Sa ngayon ito ang itinuturing kong Comfort Room)

Tuesday, January 10, 2012

Luha by Aegis

Lumipas ang isang araw. Di ko mapigilan ang aking mga luha. Ang sakit pala talaga. Hindi pa sana ako maglelet go. Kaya ko pa sana eh. Kaso napilitan na ako. Ang sakit sa pakiramdam na marinig mula mismo sa kanya na nasasakal siya sa'yo. Ouch yun. Biglang bumalik yung sakit na naramdaman ko sa isa ring naging parte ng buhay ko. Siguro nag overreact ako pero yun yung naramdaman ko eh. Kung itatago ko pa, baka sumabog na ako. Baka di ko na kayanin sa susunod. Baka gumising na lang ako na hindi ko na kilala ang sarili ko. Kaya habang maaga pa, aayusin ko na rin muna ang sarili ko. Aaminin ko, mahal ko talaga yun. It's so hard to let him go but I have to. Marami pa namang luha. Sana sa bawat pagpatak nito, unti-unti na ring mauubos ang sakit na nararamdaman ko. Sana.....

Sunday, May 22, 2011

Ticket

Ngayon ko lang nalaman na bukas na pala ang alis ko. I'm leaving and it's all good. Hopefully this time, no more turning backs and no more backtracks. I'll be traveling alone which means I have enough time for myself before I mix myself to a new crowd.

I always like starts and beginnings, they give me the strange yet soothing feeling of assurance, or opportunities more likely. Tomorrow is another day, so was yesterday. But tomorrow should at least be different, special. Tomorrow, another chance is waiting for me in a far off place. I'll be leaving my comfort zone and I hope that I'll find where my heart has been all this time.

I have been living my life with one foot out the door. I am always on the verge of leaving. Staying for a long time is difficult for me, much more staying for good. I just don't feel doing routines, being with the same people, and dwelling in places where change is a never heard word.

Tomorrow is a justification of those things.

I can always look back, but never will I come back. That's how firm and definite my decision is, at least for now.

I am not sure if after some time I'll feel this urge again, to leave and turn over an even newer leaf.

Sunday, April 17, 2011

Usad-pagong

Sabi nila ang love daw parang ipis lang. kala mo patay na, yun pala buhay pa. parang ikaw. parang tayo. pagkatapos kong maghirap umusad, walang ka-effort effort mo akong hinahatak pabalik sayo. at sa halip na matuwa ako, pakiramdam ko kelangan ko pang mamroblema at mag-isip nang mag-isip nang mag-isip. sana di ka nalang bumalik e. hay.

/sumasakit bangs ko sayo.

Sunday, April 3, 2011

Summer of 2011 na (OMG!)


Summer na. Naiinggit ako sa mga estudyante, kasi sila bakasyon na. Iba ang pakiramdam na maging pansamantalang maging malaya sa mga gawaing tinuturing mong pasanin. Masayang alam mong pagkakataon mo nang gawin ang mga nais mong gawin sa sarili mong pamamaraan. Naglululundag ang puso mo sa tuwa, parang Party! Party!

Naalala ko na naman kung pano nagsimula ang matamis na nakaraan. Summer Job of 2007, at Summer of 2009 naman iyon mapait na nagtapos. Sa pagbabalik-tanaw ko, naisip ko tila mas mahaba lang ang relasyon namin sa Isang Linggong Pag-ibig (ni Imelda Papin) ngunit ang paglipas ay tila mas mabilis pa sa isang iglap.

Nostalgic lang ako ngayon sa kaiisip ng Summer dahil marka ito na mahaba nang nagbakasyon ang puso ko from romantic love. Mahabang panahon nang naging malaya ang nabihag kong puso, at nararamdaman ko na ang mahigpit na yakap ng tagtuyot. Pinagtatanto ko kung marapat na ba akong magmahal muli? At kung oo, bakit?

Thursday, March 31, 2011

Duwag

Ilang buwan na pala ang lumipas; pawang masasaya't malulungkot. kung tutuusin, kinaya ko nang mabuhay na wala ka. pero inaamin ko, hanggang ngayon e takot pa rin akong makitang "in a relationship" ka na sa Facebook. madudurog yata lalo ang puso ko. -.-

Tuesday, March 29, 2011

Nag-level up na ako

At least ngayon, eyebrow piercing na lang ang hinihintay kong maghilom.