Saturday, October 27, 2012

Sa isang sulok ng kupal na mundo.

Gusto kong murahin ang taxi driver dahil ang init-init sa aircon niyang taxi habang tinatahak namin ang daan papuntang SM North Edsa.

Namumuo na ang pawis sa aking noo habang nangingilid naman ang luha sa aking mga mata. Pigil na pigil. Gusto kong murahin ang taxi driver, pero hindi ko magawa.

Sa halip, tahimik lang akong naupo sa backseat. Pinagmamasdan ang mga gusaling nababalot ng sinag ng palubog na araw.

Nais kong mapag-isa. Alam kong dagsaan ang mga tao sa mall ngayong Sabado ng hapon, kaya doon din ang takbo ko. Dahil tulad ng buong mundo, nais kong mapag-isa.

Dapat sana magkikita tayo ngayong gabi, bago ka bumiyahe papuntang malayo. Pero naudlot ito. Mas kailangan mong makasama ang pamilya mo sa mga huling sandali mo rito sa Pilipinas.

Reality bites like a rabid dog, hindi rin naman ako espesyal para paglaanan mo ng natatanging panahon.

Ako lang naman ay isang estrangherong nakilala mo sa isang social app at nakipagkita sa 'yo sa isang coffee shop sa Tomas Morato noong isang Linggo.

In-uninstall ko na sa aking tablet ang social app na 'yon. Dahil pakshet naman ang lahat ng mga taong nandoon. Nauuna munang hingan ka ng facepic bago ka kilalanin; isang mundong wari bang ang panlabas na kaanyuan lang ang mahalaga. Putangina nilang lahat.

Pero naiiba ka. Ikaw lang ang namansin sa akin, kahit pa isang kumpol ng frenchfries sa McDo ang profile pic ko sa halip na nipples.

Ang sabi mo, nahiwagaan ka sa profile info ko na ganito ang pagkakasulat: "Dahil kupal ang mundo, naghahanap ako ng ka-yosi at sparring partner."

Hanggang sa nagkausap tayo sa telepono. Naglabas ka ng saloobin sa pinagdadaanan mong quarter life crisis. Ang sabi mo, nurse ka pero gusto mo maging chef.

Nagkwento naman ako tungkol sa trabaho kong mapagkait ng wastong tulog, at kung anu-ano pang shit.

Naging magaan ang ating pag-uusap na animo'y isang dekada na tayong magkakilala.

Sa sumunod na araw, nagkita tayo.

Pero sadyang mapagbiro ang panahon. Dahil kinabukasan ng una nating pagkikita, na-approve naman ang iyong U.S. Visa.

At nang sabihin mo pang mas mapapaaga ang pag-alis mo, hindi ko natiis. Sa 'di ko mawaring dahilan, naiyak ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling umiyak nang ganito na parang gago.

At ngayon, nag-text kang hindi ka makakasipot. Aalis ka na at maaaring hindi na tayo magkita bago ka bumiyahe.

Sabi ko, may gusto sana akong sabihin sa 'yo nang personal pero baka sadyang hindi lang ito ang tamang panahon.

Hindi ko na tinanong pa kung kailan ang balik mo. Hindi dahil sa ayaw kong maghintay, pero dahil ayaw kong umasa. Sa isip ko, baka wala rin talagang tamang panahon o balang-araw. Baka sadyang wala.

Published with Blogger-droid v2.0.9

Friday, October 26, 2012

Stay

"I want you to stay, never go away from me. Stay forever. Now that you're gone, all I can do is pray for you to be here beside me again."

It's almost two years since you left us and almost two years of pain. Sometimes it's bearable, sometimes it's not. I still wish God didn't take you away from us, from me. Gone too soon.

Today should be your 26th birthday. We will celebrate it as if you are still here just like the old times. I really miss you dude.

Maalala ko lang, ikaw ang rason kung bakit ako sumali sa copingclub. First quarter last year yun. I was trying to cope then. Unfortunately, I'm still coping now. It's really hard to let go of a very good friend. Much as I really want to, I just can't. I can still remember when I arrived at the hospital and I saw you, lifeless. I still cry at night dude. How I wish you appear in my dreams. Kahit dun lang, magpaalam ka ng maayos sakin.

Dae ko maako sa sadiri ko na dae ta ka na mahihiling na mag-ulok. Dae ko maako na dae ko na ika makakaiba sa mga coverage. Dae ko maako na wara ka na, plain and simple.

Aram ko dapat haloy ta ka na pigbuhian. Aram ko habo mo na mahihiling mo akong mamundo, arog kan dati, na mas nadadagit ka sa nagpapakulog kan buot ko. Pero dae ko pa kaya. Yaon man giraray su pagmawot na sana yaon ka pa. Na siring pa man giraray ako kan dati kun yaon ka pa.

Kuya, nag-iba ako simula nang mawala ka. Pinilit kong maging strong kasi alam kong yun ang gusto mo. Pero dahil dun, may mga nagbago sa ugali ko. Hindi kita sinisisi. Sarili ko lang ang dapat sisihin sa kung naging ano ako ngayon.

I failed you this time. But I'll try to bring back the old me.

Sa copers, mawawala muna ako sandali. Hahanapin ko muna sarili ko. Sana pagbalik ko, buo na ako uli. Maraming salamat.


October 27, 2012, 11:52am

Thursday, October 25, 2012

Status message.

Eating alone on a rainy day somewhere in Tomas Morato while reading a Filipino book on how love devastates 4 out of 5 of us. Sack of shit.

Sunday, October 21, 2012

Bagong Post

Mukhang inspired lahat ng copers. :)
O busy lang talaga lahat?

Sunday, October 7, 2012

"I can’t stop myself from caring"



Sitting here wide awake
Thinking about when I last saw you
I know you’re not far away
I close my eyes and I still see you
Lying here next to me
Wearing nothing but a smile

Gotta leave right away
Counting cracks along the pavement
To see you face to face
Thinking about the conversation
I know I’m not one to change
I’ve never wanted nothing more
But as I walk up to your door

I'm standing in the dark
She’s dancing on the table
I’m looking through the glass
She’s someone else’s angel
It may sound stupid that I'm wanting you back
But I'm wanting you back, girl
And now I’m standing in the dark, dark, oh
Dark, dark

All I want to do is hide
But I can’t stop myself from staring
Wishing his hands were mine
I can’t stop myself from caring
And as he turns down the lights
I’m feeling paralysed
And as he looks into her eyes
Yeah, alright

I'm standing in the dark
She’s dancing on the table
I’m looking through the glass
She’s someone else’s angel
It may sound stupid that I'm wanting you back
But I'm wanting you back, girl
And now I’m standing in the dark, dark, oh
Dark, dark, oh
Dark, dark, oh
Dark, dark, ohh, oohh

I’m standing in the dark
I’m standing in the dark

I'm standing in the dark
She’s dancing on the table
I’m looking through the glass
She’s someone else’s angel
It may sound stupid that I'm wanting you back
But I'm wanting you back, girl
And now I’m standing in the dark, dark, oh
Dark, dark, oh
Dark, dark
She’s someone else’s angel
She’s someone else’s angel

Wednesday, September 26, 2012

Bente Sais ng Setyembre

(Ito ay isang kwento ng pagmamahal sa isang matalik na kaibigan.)

Setyembre 26, taong 2009 - Hindi inasahan ng mga Pilipino ang paghagupit ng Bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Marami ang nawalan ng tahanan, marami ang nawalan ng buhay. Mayaman o mahirap, sinalanta. =(

Setyembre 26, taong 2010 - Walang bagyo, pero ang dapat sana'y isang masayang pagtatapos ng bar exam, naging madugo. Nagulantang ang lahat nang may sumabog habang nagkakasayahan ang karamiha'y mga law students. Marami ang nasugatan. =(

Setyembre 26, taong 2011 - May bagyo ulit ng araw na ito. Bagyong Pedring. Hindi nakabalik ng Maynila si Gagged. Ito lang naalala ko. Pero sabi ko sa kanya, aabangan namin ang mangyayari sa September 26, 2012.

Setyembre 26, ngayong taon - Hindi nga kami nagkamali, may bagyo na naman. Swerte at hindi naman ito tumama sa Bicol at sa iba pang parte ng bansa (sana nga, as of press time, di pa nakakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Lawin). Pero nakataas pa rin sa ibang lugar ang Signal number 2. Kakastress drilon ang bagyo.

Hindi man naging maganda ang nangyari sa mga nakalipas na taon sa araw na ito, espesyal pa rin ito sakin. Sa araw na ito, September 26, ipinanganak ang magiging matalik kong kaibigan, si Gagged. Walong taon na kaming matalik na magkaibigan. Akalain mo yun? Natagalan kita? Chos.

Hindi ko inasahan na magiging malapit tayo sa isa't isa Gagged. Isa sigurong rason kung bakit kinuha ko ang kurso natin, eh dahil makikilala kita. At hindi ko pinagsisihan yun. Umaapaw lang naman ang kasiyahan ko tuwing magkasama tayo. Dumaan na rin tayo sa dagok ng pagkakaibigan at hindi tayo nagpatalo dun, bagkus, naging mas matatag pa ang pundasyon ng ating pagkakaibigan. Akalain mo yun? Gumagamit na ako ng 'bagkus' at 'pundasyon'?

Gusto kong magpasalamat sa Diyos sa paglikha sa'yo. Sa bumuo sa'yo, buti na lang nag-uumapaw ang kanilang pagmamahalan. Sa nagluwal sa'yo, thank you. Sa mga nagpalaki (lumaki ka ba?) at nagmahal sa'yo habang lumalaki ka (again, lumaki ka nga ba?), lubos akong nagpapasalamat at naging isang mabuti kang tao. Salamat sa pagtanggap mo sa akin bilang kaibigan mo. Magkalayo man tayo lagi, nandyan ka pa rin tuwing kailangan kita. Tuwing masama loob ko, nandyan ka para damayan ako. Kapag broken-hearted naman, lagi ka ring nakaagapay. Kung pwede mo pa ngang awayin ang nanakit sakin, eh gagawin mo. Ikaw na! Ikaw na ang da best!

Maraming salamat sa pagiging ikaw. Hindi ka pa rin nagbabago simula noon. Malas lang ng mga nanakit sa'yo. Ha-ha! Sila ang nawalan.

I will always be here for you bestfriend! I love you boi!!! Maligayang kaarawan!!

Friday, September 21, 2012

Ang Nakaraan.


ngumuya ng blades.humigop ng apoy.tumulay sa tingting.uminom ng rugby.nahiga sa kanal.natulog sa bakod.tumalon sa upuan.

Hindi ko na sinubukang gawin ang mga nasa itaas. May pangarap pa rin naman ako. May bukas pang haharapin. Natatawa lang ako sa tuwing maiisip kong halos ganyan na rin pala ang mga binalak kong gawin nuong mga oras na gulong gulo ang ulirat ko.

Dahil na rin siguro sa katamaran ko,napagod ako sa walang saysay kong buhay ng mga oras na iyon. Natakot rin akong pagtawanan dahil sa sitwasyon ko. Malaking kahihiyan na ang pagpapakatanga ko pero mas malaking kahihiyan ang hindi ko pagbangon. Mas nakakahiyang harapin ang bukas kung wala na akong ibang gagawin kundi ang magmukmok at magpakalunod sa walang katuturang nakaraan.

Hindi naging madali ang paglalakad ng tuwid sa liko likong daan. Lalo na kung palagi kang tinatawag ng mga taong dapat ay matagal nang ibinaon sa limot. Wala ng dapat pang balikan. Wala ng ibang naiwan. Kung meron man, ito ay ang respetong nararapat na ibigay sa kanila dahil sa kabila ng lahat, naging masaya din ako sa mga panahong nakasama ko sila.