Friday, September 21, 2012

Ang Nakaraan.


ngumuya ng blades.humigop ng apoy.tumulay sa tingting.uminom ng rugby.nahiga sa kanal.natulog sa bakod.tumalon sa upuan.

Hindi ko na sinubukang gawin ang mga nasa itaas. May pangarap pa rin naman ako. May bukas pang haharapin. Natatawa lang ako sa tuwing maiisip kong halos ganyan na rin pala ang mga binalak kong gawin nuong mga oras na gulong gulo ang ulirat ko.

Dahil na rin siguro sa katamaran ko,napagod ako sa walang saysay kong buhay ng mga oras na iyon. Natakot rin akong pagtawanan dahil sa sitwasyon ko. Malaking kahihiyan na ang pagpapakatanga ko pero mas malaking kahihiyan ang hindi ko pagbangon. Mas nakakahiyang harapin ang bukas kung wala na akong ibang gagawin kundi ang magmukmok at magpakalunod sa walang katuturang nakaraan.

Hindi naging madali ang paglalakad ng tuwid sa liko likong daan. Lalo na kung palagi kang tinatawag ng mga taong dapat ay matagal nang ibinaon sa limot. Wala ng dapat pang balikan. Wala ng ibang naiwan. Kung meron man, ito ay ang respetong nararapat na ibigay sa kanila dahil sa kabila ng lahat, naging masaya din ako sa mga panahong nakasama ko sila.

No comments:

Post a Comment