Wednesday, September 26, 2012

Bente Sais ng Setyembre

(Ito ay isang kwento ng pagmamahal sa isang matalik na kaibigan.)

Setyembre 26, taong 2009 - Hindi inasahan ng mga Pilipino ang paghagupit ng Bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Marami ang nawalan ng tahanan, marami ang nawalan ng buhay. Mayaman o mahirap, sinalanta. =(

Setyembre 26, taong 2010 - Walang bagyo, pero ang dapat sana'y isang masayang pagtatapos ng bar exam, naging madugo. Nagulantang ang lahat nang may sumabog habang nagkakasayahan ang karamiha'y mga law students. Marami ang nasugatan. =(

Setyembre 26, taong 2011 - May bagyo ulit ng araw na ito. Bagyong Pedring. Hindi nakabalik ng Maynila si Gagged. Ito lang naalala ko. Pero sabi ko sa kanya, aabangan namin ang mangyayari sa September 26, 2012.

Setyembre 26, ngayong taon - Hindi nga kami nagkamali, may bagyo na naman. Swerte at hindi naman ito tumama sa Bicol at sa iba pang parte ng bansa (sana nga, as of press time, di pa nakakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Lawin). Pero nakataas pa rin sa ibang lugar ang Signal number 2. Kakastress drilon ang bagyo.

Hindi man naging maganda ang nangyari sa mga nakalipas na taon sa araw na ito, espesyal pa rin ito sakin. Sa araw na ito, September 26, ipinanganak ang magiging matalik kong kaibigan, si Gagged. Walong taon na kaming matalik na magkaibigan. Akalain mo yun? Natagalan kita? Chos.

Hindi ko inasahan na magiging malapit tayo sa isa't isa Gagged. Isa sigurong rason kung bakit kinuha ko ang kurso natin, eh dahil makikilala kita. At hindi ko pinagsisihan yun. Umaapaw lang naman ang kasiyahan ko tuwing magkasama tayo. Dumaan na rin tayo sa dagok ng pagkakaibigan at hindi tayo nagpatalo dun, bagkus, naging mas matatag pa ang pundasyon ng ating pagkakaibigan. Akalain mo yun? Gumagamit na ako ng 'bagkus' at 'pundasyon'?

Gusto kong magpasalamat sa Diyos sa paglikha sa'yo. Sa bumuo sa'yo, buti na lang nag-uumapaw ang kanilang pagmamahalan. Sa nagluwal sa'yo, thank you. Sa mga nagpalaki (lumaki ka ba?) at nagmahal sa'yo habang lumalaki ka (again, lumaki ka nga ba?), lubos akong nagpapasalamat at naging isang mabuti kang tao. Salamat sa pagtanggap mo sa akin bilang kaibigan mo. Magkalayo man tayo lagi, nandyan ka pa rin tuwing kailangan kita. Tuwing masama loob ko, nandyan ka para damayan ako. Kapag broken-hearted naman, lagi ka ring nakaagapay. Kung pwede mo pa ngang awayin ang nanakit sakin, eh gagawin mo. Ikaw na! Ikaw na ang da best!

Maraming salamat sa pagiging ikaw. Hindi ka pa rin nagbabago simula noon. Malas lang ng mga nanakit sa'yo. Ha-ha! Sila ang nawalan.

I will always be here for you bestfriend! I love you boi!!! Maligayang kaarawan!!

No comments:

Post a Comment