Thursday, May 24, 2012
Namesake
Bukod sa sanay akong gumigising sa text mo, tuwing umaga pagkatapos kong sunduin sa bahay ng service, sa area niyo naman ang punta namin.
Sa tagal din nating nagsama, never kong nalaman kung nasaan ang bahay niyo. Ni anino ko, di nakatuntong sa kalsada niyo. Alam ko lang kung saan siya banda, saan malapit, pero never kong nakita.
Alam ko lang ang address niyo at kung nasaan ito sa mapa.
After almost a year, nag-iba rin ang ruta ng service. Solo batch na ko kaya pagkasundo sa 'kin, deretso na sa office. Trabaho na. Unti-unti, nabawasan din yung pag-iisip ko sa'yo. I mean, I don't spend my one in the morning minutes naghahanap sa street at bahay niyo wondering kung nasaan ka. Takot pa nga ako minsang baka makita kita na may kasamang iba,
Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Ayaw niya atang makalimutan kita. Akala ko, tuluyan nang nalibre ang mga umaga ko mula sa mga alaala mo. Kaya lang, binawi, nagbago ang ihip ng hangin.
Nagpaparamdam ka ba?
Kung kelan naman kasi medyo nakalimot na...tsaka ka pa magpapaala.
Kanina pagsakay ko ng kotse may kasama si manong driver, sabay bati sa'kin:
"Ma'am, siya na nga po pala yung susundo sa inyo tuwing umaga..si Dennis."
Matapos ang isang taon, akalain mong pwede pa pala akong mangarap na ikaw ang sundo ko sa umaga?
Friday, April 13, 2012
Friday the 13th

Friday the 13th.
Hindi naman talaga ako naniniwalang may dulot na kamalasan ang araw na ito na pinaniniwalaan ng iba.
Hindi ko naman ito itinuturing na kamalasan pero sa pagkakataong ito, marahil may naidulot itong nakalulungkot na pangyayari sa aking pagkatao.
Yun bang alam mong may mali ka na, nilalaglag ka pa ng inaasahan mo sanang kahit papaano ay makakatulong sa'yo.
Yung feeling na ngarag ka na sa mga nangyayari, tapos biglang may iaabot sayong papel na medyo nakakadepress ang lamang sulat.
Yung feeling na pagkabasa mo eh nakadagdag pa yun sa pagkangarag mo? Yun bang bigla ka na lang natulala pero kailangan wag ipakitang balisa ka.
Yun bang, sa lahat ng mga nangyari may nagmamalinis at wala kang magawa.
Higit sa lahat, yun bang feeling mo nagiisa ka sa mundo sa pagkakataong nangyari ang lahat ng iyon at wala kang mapuntahan...nagkasabay sabay.
Higit pa roon, yun bang feeling mo nawalan na sila ng tiwala sa'yo at nakalubog na ang isa mong paa sa hukay.
Ang saklap lang.
Moving on and still coping...