(Ito ay isang kwento ng pagmamahal sa isang matalik na kaibigan.)
Setyembre 26, taong 2009 - Hindi inasahan ng mga Pilipino ang paghagupit ng Bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Marami ang nawalan ng tahanan, marami ang nawalan ng buhay. Mayaman o mahirap, sinalanta. =(
Setyembre 26, taong 2010 - Walang bagyo, pero ang dapat sana'y isang masayang pagtatapos ng bar exam, naging madugo. Nagulantang ang lahat nang may sumabog habang nagkakasayahan ang karamiha'y mga law students. Marami ang nasugatan. =(
Setyembre 26, taong 2011 - May bagyo ulit ng araw na ito. Bagyong Pedring. Hindi nakabalik ng Maynila si Gagged. Ito lang naalala ko. Pero sabi ko sa kanya, aabangan namin ang mangyayari sa September 26, 2012.
Setyembre 26, ngayong taon - Hindi nga kami nagkamali, may bagyo na naman. Swerte at hindi naman ito tumama sa Bicol at sa iba pang parte ng bansa (sana nga, as of press time, di pa nakakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Typhoon Lawin). Pero nakataas pa rin sa ibang lugar ang Signal number 2. Kakastress drilon ang bagyo.
Hindi man naging maganda ang nangyari sa mga nakalipas na taon sa araw na ito, espesyal pa rin ito sakin. Sa araw na ito, September 26, ipinanganak ang magiging matalik kong kaibigan, si Gagged. Walong taon na kaming matalik na magkaibigan. Akalain mo yun? Natagalan kita? Chos.
Hindi ko inasahan na magiging malapit tayo sa isa't isa Gagged. Isa sigurong rason kung bakit kinuha ko ang kurso natin, eh dahil makikilala kita. At hindi ko pinagsisihan yun. Umaapaw lang naman ang kasiyahan ko tuwing magkasama tayo. Dumaan na rin tayo sa dagok ng pagkakaibigan at hindi tayo nagpatalo dun, bagkus, naging mas matatag pa ang pundasyon ng ating pagkakaibigan. Akalain mo yun? Gumagamit na ako ng 'bagkus' at 'pundasyon'?
Gusto kong magpasalamat sa Diyos sa paglikha sa'yo. Sa bumuo sa'yo, buti na lang nag-uumapaw ang kanilang pagmamahalan. Sa nagluwal sa'yo, thank you. Sa mga nagpalaki (lumaki ka ba?) at nagmahal sa'yo habang lumalaki ka (again, lumaki ka nga ba?), lubos akong nagpapasalamat at naging isang mabuti kang tao. Salamat sa pagtanggap mo sa akin bilang kaibigan mo. Magkalayo man tayo lagi, nandyan ka pa rin tuwing kailangan kita. Tuwing masama loob ko, nandyan ka para damayan ako. Kapag broken-hearted naman, lagi ka ring nakaagapay. Kung pwede mo pa ngang awayin ang nanakit sakin, eh gagawin mo. Ikaw na! Ikaw na ang da best!
Maraming salamat sa pagiging ikaw. Hindi ka pa rin nagbabago simula noon. Malas lang ng mga nanakit sa'yo. Ha-ha! Sila ang nawalan.
I will always be here for you bestfriend! I love you boi!!! Maligayang kaarawan!!
Wednesday, September 26, 2012
Friday, September 21, 2012
Ang Nakaraan.
ngumuya ng blades.humigop ng apoy.tumulay sa tingting.uminom ng rugby.nahiga sa kanal.natulog sa bakod.tumalon sa upuan.
Hindi ko na sinubukang gawin ang mga nasa itaas. May pangarap pa rin naman ako. May bukas pang haharapin. Natatawa lang ako sa tuwing maiisip kong halos ganyan na rin pala ang mga binalak kong gawin nuong mga oras na gulong gulo ang ulirat ko.
Dahil na rin siguro sa katamaran ko,napagod ako sa walang saysay kong buhay ng mga oras na iyon. Natakot rin akong pagtawanan dahil sa sitwasyon ko. Malaking kahihiyan na ang pagpapakatanga ko pero mas malaking kahihiyan ang hindi ko pagbangon. Mas nakakahiyang harapin ang bukas kung wala na akong ibang gagawin kundi ang magmukmok at magpakalunod sa walang katuturang nakaraan.
Hindi naging madali ang paglalakad ng tuwid sa liko likong daan. Lalo na kung palagi kang tinatawag ng mga taong dapat ay matagal nang ibinaon sa limot. Wala ng dapat pang balikan. Wala ng ibang naiwan. Kung meron man, ito ay ang respetong nararapat na ibigay sa kanila dahil sa kabila ng lahat, naging masaya din ako sa mga panahong nakasama ko sila.
Tuesday, September 18, 2012
Maglilinis ng Bakuran
Three hours... three hours akong nag-surf sa internet sa paghahangad na makakita at makaisip ng story proposals. Eere na naman ako. Haaaaaaaay...
Natatawa lang ako dahil sa tatlong oras na 'yon, isang oras yata ang naubos ko sa pagche-check out sa mga tao, mga taong gusto ko. lol! Anyway, yes marami sila. Nakakatawang isipin na ginagawa ko na naman ang bagay na 'to. Nakakatuwa rin dahil andami kong nalalaman tungkol sa kanila. XD
(Jason Mraz songs as background music ♪♫♪)
Ok. Done na ako sa pag 'stalk'. Hahaha! I had fun. Pero wala pa akong story proposals.
Maganda naman daw feedback sa past story kong ginawa with the same segment producer. Gusto ko munang magpahinga sa kanya kahit one episode lang. Please!!!
I have this feeling na kahit ok naman na ang working relationship namin eh may times na hindi ko siya sineseryoso. There were times kasi hindi talaga kapanipaniwala ang mga inilalabas ng bibig niya. Pero I have no choice, mukhang matagal-tagal pa yata kaming ipagpapartner bilang dadalawa na lang kami sa team na researcher (5 dapat).
I wasn't able to attend the post mortem or post meeting last Moday. Kinabahan lang ako nang sinabi raw ng EP namin na maglilinis daw siya ng bakuran ng mga researcher. Iyon. I've heard this before kaya kinabahan lang din uli ako.
Kaya ko 'to, tingin ko kaya lang naman ako tumatagal dahil sa mga taong nasa paligid ko na naniniwala sa akin. (cry...joke) Oh siya, maghahanap na ako storya. Baka naman may alam kayo?
-PA

Monday, September 17, 2012
Kasurog
Yan ang ang Bicol term ng "kakampi".
Dahil sa Copingclub nagkaroon ako ng kakampi kahit yung hindi ko pa nakikilala nang personal. Ang saya lang malaman na may gustong sumapak dun sa taong nanakit sayo dati. Sa ganung paraan parang nararamdaman mo talagang hindi ka nag-iisa sa life.
Sa'yo Artemis, maraming salamat. Di mo naman kailangang gawin pa yun. Mai-share ko lang, nagkabati na kami. Pinatawad ko na siya. Pero di ako nakakalimot. Pinapangako kong di na niya muling masasaktan ang puso ko. (parang kanta lang)
Gusto na kitang makilala. Humanda ka sa November. Mag-iinuman tayo. Tagay!

Thursday, September 13, 2012
Pagsisikap maging hot at iba pang shit.
TV ratings booster talaga sa newscast ang Bench fashion show at ang abs ni Aljur Abrenica. Speaking of abs, nakagawian ko nang mag-gym these days. Nagda-diet din ako. Puro matabang na lang ang mga kinakain ko. Hindi na rin ako kumakain ng kanin. It's easier than I thought.
Noong isang araw, bumisita rin ako sa dentista at nagpalinis ng ngipin makalipas ang 100 years. Tumigas na raw ang mga dumi sa ngipin ko na kinailangang kalkalin ni Doc. Pagkatapos kong pumunta sa dentista, I visited a comestic surgeon. Nagpa-muscle-tone ako sa tiyan. Sabi ni Doc, yun daw ang ginagawa kay Derek Ramsey. Pero putang-ina, ang sakit!
Kinukuryente ang abs mo (o ang kawalan nito) para matunaw ang taba at ma-develop ang maskels. Sabi ko kay Doc, hindi naman ako umaasang magiging mala-Derek Ramsey ang abs ko. Sabi ko, gusto ko lang pumayat. Yun lang.
Sigaw ako nang sigaw sa clinic sa sakit. Muntik ko nang hambalusin si Doc ng biceps ko. Pagkatapos ng 15-minute procedure, nakakapanghina. Parang nagtae lang ako buong araw. Sabi ni Doc, equivalent daw yun sa 500 sit-ups na kahit pigain ko ang lahat nang lakas ko, hindi ko kayang tapusin sa loob ng kinse minutos.
Tatagal ito ng 8 sessions. Pagnatapos na, babalik ako sa dentista para magpa-braces para matanggal na ang pangil ko at maitama ang bulldog bite ko. Then after, magpapa-inject ako ng 10 vials ng glutathione para pumantay ang kulay ng balat ko at pumuti ang singit ko sa aking Lower Bicutan. Hahaha.
I have to look good. Para at least, kahit minsan akong pinagtaksilan at single, HOT AKO. :))

Tuesday, September 11, 2012
a little something of anything (ano daw??)
hello po sa lahat ng nandito sa coping club, salamat sa nag invite sa akin dito, para makapagshare ng mga nilalaman ng aking utak, na minsan kahit ako ay di maintindihan. i've been visiting this blogspot for quite a while, reading some of the post, and nakakarelate din naman paminsan minsan. kakatuwa lang dahil ngayon, di lang ako makakapag basa. makakapag share pa ko at makakapag bigay ng opinyon sa mga bagay bagay dito sa coping. anyways.... this is the first entry that i will write ,................
INAANTOK AKO!!!!!!!!!!!!!!!!! hehehe, pang gabi kasi ako ngayon dito sa kumpanyang pinapasukan ko. at nagiisip ako ng pwedeng isipin para hindi ako antukin. buti na lang may pumasok sa may pintuan ng aming opisina, isa sa mga boss nang maituturing pero tropa pa din kung aming biruin. at nagsimula ang aming kwentuhan sa isang simpleng tanong. "boss, bakit di na nag iistay ang mga tinuturuan mo sa opisina mo pag gabi?" sabay ngiting may kasamang konting tawa. at sumagot kami bago pa siya nakasagot. "dahil ba natatakot sila kasi may nagpaparamadam sa opisina niya??" sabay tawa niya, hehehe. dun nagsimula ang pag shashare ng mga experiences with the supernatural. nandun yung nakwento niya yung time na natulog siya sa opisina niya, ngunit nagising dahil sa may sumasakal sa kanya kahit siya lang naman ang tao dun. naikwento niya din ang multo sa cubicle ng cr (sabi ko na lang si sadako yun, pinoy version, sa toilet bowl lumalabas, hehe). pero ang tumatatak sa isip namin ay yung nangyari sa kanya na muntik nang ikapahamak ng kanyang buhay. (warning: ang inyong mababasa ay pawang katotohanan, secret lang daw yun kaya wag niyo ipagsasabi)
katatapos lang ng kanyang duty, gabi nuon at pauwi na siya. sa batanggas pa siya uuwi nung mga panahon na yun, buwan ng disyembre. habang binabaybay ang daan, nakaramdam siya ng gutom, kaya huminto siya sa isang burger machine stand para mag take out ng makakain. after niyang makuha ang kanyang order, pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan. sakto lang naman ang bilis ng pag mamaneho niya, bandang als 3 ng umaga ang oras, medyo maulan din. sa kanyng pag kakaalala, siya lang ang nagdriddrive sa kalye na yun ng mga oras na yun. at nung malapit na siya sa may daang pa kurba, napansin niya ang isang batang nakatayo sa gilid ng kalsada, nakayuko ang ulo nito na may belong suot. napaisip siya "bakit ang aga namang may bata sa lugar na yun ng ganung oras??" so nag menor siya ng patakbo ng ssakyan niya, at lalo pang bumabagal nung tumapat na siya sa kinatatayuan nung bata. pilit niyang inaninag ang mukha ng bata, pero nakayuko ito. ng ibaling na niya ang kanyang mukha sa windshield ng kanyang sasakyan, bumulaga sa kanya ang batang nakita niya, akmang susunggaban siya. napakabig tuloy siya at nabannga ang sasakyan niya. napatalsik siya sa impak ng pagkakabangga. mayamaya ay nakarinig siya ng boses, nagtatanong kung ayos lang siya, yun na pala ang mga taong nasa lugar na yun ng mga panahon na yun. nakatayo pa siya sa tuling ng mga taga roon. at habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya, tinanong sa siya ng isang matandang taga doon. ang tanong sa kanya "ano bang nakita mo kanina?" knyang itong ikinagulat dahil wala pa siyang ibang sinasabihan ng nakita niya. muli siyang tinanong nung matanda, ano daw bang nakita niya, bata ba o matanda. lalo siya napaisip. sinagot nia na bata ang nakita niya. napailing ang matandang nagtanong sa kanya, at ang sabi sa knya ng matanda "buti na lang yung bata ang nakita mo. kasi yung matanda, sumasakay pa sa sasakyan?"
after naming marinig ang karanasan niyang ito, nangilabot kami. try to imagin the scenario, kakatakot din diba. at dahil dun, daig pa ng kape ang epekto sa katawan namin yung kwento niyang yun, hehehe.
almost two months to go bago mag araw ng mga kaluluwa, mauna na kong mag kwento ng isang pang haloween na istorya. pero kahit ano pang sabihin o ikwento o maramadaman ko ngayong gabi na ito, isa lang ang totoo.................................gutom pa din at inaantok pa din ako, hehehehe..........

Plan D
Hindi pa man nagsisimula ang love story namin ni Plan C, sumusuko na ako. Para kasing wala namang mangyayaring kwentong pag-iibigan eh. Hahaha. At least ngayon alam ko na na walang patutunguhan 'tong kahibangan na 'to. Wala nang asa moment. =)
Kay Plan C, maraming salamat! Nagsilbi kang inspirasyon sa loob ng ilang linggo. Haha. Magiging fan pa rin ako ng iyong blogs. Idol! Itago mo sana ang ibinigay ko sa'yo. Pakaiingatan ko rin ang ibinigay mo sa akin. =) Kung para tayo sa isa't isa eh siguradong magkukrus pa ang ating landas.
Narealize ko na hindi pa pala ako handa. May iba pang problemang dapat munang masolusyunan. 'Yun ang importante sa ngayon. Darating ang pag-ibig sa tamang panahon.
Sa ngayon, Plan D muna ako sa usapang lablayp. (Alam mo yan Andrew)
(Pero Lord, pahabol lang, wag naman sanang abutin pa ako ng trenta bago dumating ang pag-ibig na yan. Hehe. Please?)

Tuesday, September 4, 2012
It's Complicated
Ano ang ginagawa mo sa tuwing nakakaramdam ka ng kakaibang pagod -physically, mentally at emotionally? What do you do when you feel like giving up?
Maituturing kong impyerno ang nakalipas na linggo. Nakakapagod na. Hindi na ako nakakaramdam ng saya sa ginagawa ko. Yung tipong, ginagawa ko na lang ang mga bagay-bagay kasi kailangan. Pero sa totoo lang, hindi na ako masaya. At ayoko sa nararamdaman ko. Ayokong maramdaman na hindi na ako masaya sa isang bagay na tanging pinanghahawakan ko sa ngayon. Dati rati naman kasi masaya ako dito kahit nakakapagod. Pero iba talaga ngayon. Hindi ko maramdaman yung pagpapahalaga. Importante pala yun noh? Yung iparamdam lang sayo na importante ka sa kanila, sapat nang rason para magpatuloy ka. Parang sa pag-ibig lang din. Matututunan mong bitawan ang pagmamahal mo sa isang tao kung alam mong hindi ka mahalaga para sa kanya. Yung tipong you're being taken for granted. Mas nakakastress pala talaga ang ganung feeling.
Speaking of lovelife:
Andrew, nasa Plan C pa rin ako. At ngayon ko lang ginawa ang ipagdasal na sana siya na nga. Hihihi. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin dinidelete ang mga message niya. Hahaha. Oh well. Naghihintay lang ako ng sign ni Papa God. =)
Balik sa aking hinaing:
Alam kong isa na naman itong pagsubok kung hanggang kelan ako magtatagal. Hanggang kelan ko kayang sikmurain ang iba-ibang sistema. Sana malagpasan ko ito. Kailangan ko lang ng kausap. Natatakot din akong baka isang araw, bigla na lang akong umayaw. Hindi lang sa pinagdadaanan ko ngayon kundi pati sa buhay. :'(
(Hindi po ako suicidal, promise.)

Sunday, September 2, 2012
Cyrus
The past episode was the “happiest episode ever” as what our AP has told us from the very beginning.
It ended well, I think. I think for the fourth time around, I was with the same producer. We’re ok, but I still wish for a different partner next episode.
The past week was Artemis’ first week as segment producer. Our group was very excited about this. :) And she did well. Though, of course, it was her first time that’s why there were inevitable mistakes, but she’ll learn from it…I know she did.
Saturday afternoon, after all the shoots I was left alone at the cubicle. I decided to take the time to clean the space where all the props, papers and garbage were stocked. And there it went well, though I think I inhaled all the dust and dirt. And I went home early.
Because I went home early, I wasn’t able to resist to lay on my bed..and I fell asleep. And, I wasn’t able to watch this week’s episode. :(
Sunday morning, may hangover pa yata ako sa paglilinis sa cube dahil naglinis din ako ng kwarto kasama ang roommate ko. Ang aliwalas na!!! Pwede naman pala mangyari yun eh. Hahaha!
After I went to the church, I brought Cyrus to the hospital (I meant, Samsung Hospital) for check up. And it did not went well, I was shocked of the result and wasn’t able to hold my tears as I leave the center. :’( Hanggang sa train, my tears kept on falling. (sana hindi ako napansin ng mga tao) :’(
This is the hardest part of this week’s happenings. After all the happiness I felt for my dearest friend and after all the hardwork I did for our segment that also went well, this is dejavu. This always happen. This made me cry, I can’t help it. #Cyrus

Subscribe to:
Posts (Atom)