Ano ang ginagawa mo sa tuwing nakakaramdam ka ng kakaibang pagod -physically, mentally at emotionally? What do you do when you feel like giving up?
Maituturing kong impyerno ang nakalipas na linggo. Nakakapagod na. Hindi na ako nakakaramdam ng saya sa ginagawa ko. Yung tipong, ginagawa ko na lang ang mga bagay-bagay kasi kailangan. Pero sa totoo lang, hindi na ako masaya. At ayoko sa nararamdaman ko. Ayokong maramdaman na hindi na ako masaya sa isang bagay na tanging pinanghahawakan ko sa ngayon. Dati rati naman kasi masaya ako dito kahit nakakapagod. Pero iba talaga ngayon. Hindi ko maramdaman yung pagpapahalaga. Importante pala yun noh? Yung iparamdam lang sayo na importante ka sa kanila, sapat nang rason para magpatuloy ka. Parang sa pag-ibig lang din. Matututunan mong bitawan ang pagmamahal mo sa isang tao kung alam mong hindi ka mahalaga para sa kanya. Yung tipong you're being taken for granted. Mas nakakastress pala talaga ang ganung feeling.
Speaking of lovelife:
Andrew, nasa Plan C pa rin ako. At ngayon ko lang ginawa ang ipagdasal na sana siya na nga. Hihihi. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin dinidelete ang mga message niya. Hahaha. Oh well. Naghihintay lang ako ng sign ni Papa God. =)
Balik sa aking hinaing:
Alam kong isa na naman itong pagsubok kung hanggang kelan ako magtatagal. Hanggang kelan ko kayang sikmurain ang iba-ibang sistema. Sana malagpasan ko ito. Kailangan ko lang ng kausap. Natatakot din akong baka isang araw, bigla na lang akong umayaw. Hindi lang sa pinagdadaanan ko ngayon kundi pati sa buhay. :'(
(Hindi po ako suicidal, promise.)
Tap, tap. Hugs. Let's talk soon. :) Miss you.
ReplyDelete