Tuesday, September 11, 2012

a little something of anything (ano daw??)

hello po sa lahat ng nandito sa coping club, salamat sa nag invite sa akin dito, para makapagshare ng mga nilalaman ng aking utak, na minsan kahit ako ay di maintindihan. i've been visiting this blogspot for quite a while, reading some of the post, and nakakarelate din naman paminsan minsan. kakatuwa lang dahil ngayon, di lang ako makakapag basa. makakapag share pa ko at makakapag bigay ng opinyon sa mga bagay bagay dito sa coping. anyways.... this is the first entry that i will write ,................

INAANTOK AKO!!!!!!!!!!!!!!!!! hehehe, pang gabi kasi ako ngayon dito sa kumpanyang pinapasukan ko. at nagiisip ako ng pwedeng isipin para hindi ako antukin. buti na lang may pumasok sa may pintuan ng aming opisina, isa sa mga boss nang maituturing pero tropa pa din kung aming biruin. at nagsimula ang aming kwentuhan sa isang simpleng tanong. "boss, bakit di na nag iistay ang mga tinuturuan mo sa opisina mo pag gabi?" sabay ngiting may kasamang konting tawa. at sumagot kami bago pa siya nakasagot. "dahil ba natatakot sila kasi may nagpaparamadam sa opisina niya??" sabay tawa niya, hehehe. dun nagsimula ang pag shashare ng mga experiences with the supernatural. nandun yung nakwento niya yung time na natulog siya sa opisina niya, ngunit nagising dahil sa may sumasakal sa kanya kahit siya lang naman ang tao dun. naikwento niya din ang multo sa cubicle ng cr (sabi ko na lang si sadako yun, pinoy version, sa toilet bowl lumalabas, hehe). pero ang tumatatak sa isip namin ay yung nangyari sa kanya na muntik nang ikapahamak ng kanyang buhay. (warning: ang inyong mababasa ay pawang katotohanan, secret lang daw yun kaya wag niyo ipagsasabi)
           katatapos lang ng kanyang duty, gabi nuon at pauwi na siya. sa batanggas pa siya uuwi nung mga panahon na yun, buwan ng disyembre. habang binabaybay ang daan, nakaramdam siya ng gutom, kaya huminto siya sa isang burger machine stand para mag take out ng makakain. after niyang makuha ang kanyang order, pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan. sakto lang naman ang bilis ng pag mamaneho niya, bandang als 3 ng umaga ang oras, medyo maulan din. sa kanyng pag kakaalala, siya lang ang nagdriddrive sa kalye na yun ng mga oras na yun. at nung malapit na siya sa may daang pa kurba, napansin niya ang isang batang nakatayo sa gilid ng kalsada, nakayuko ang ulo nito na may belong suot. napaisip siya "bakit ang aga namang may bata sa lugar na yun ng ganung oras??" so nag menor siya ng patakbo ng ssakyan niya, at lalo pang bumabagal nung tumapat na siya sa kinatatayuan nung bata. pilit niyang inaninag ang mukha ng bata, pero nakayuko ito. ng ibaling na niya ang kanyang mukha sa windshield ng kanyang sasakyan, bumulaga sa kanya ang batang nakita niya, akmang susunggaban siya. napakabig tuloy siya at nabannga ang sasakyan niya. napatalsik siya sa impak ng pagkakabangga. mayamaya ay nakarinig siya ng boses, nagtatanong kung ayos lang siya, yun na pala ang mga taong nasa lugar na yun ng mga panahon na yun. nakatayo pa siya sa tuling ng mga taga roon. at habang hinihintay ang pagdating ng ambulansya, tinanong sa siya ng isang matandang taga doon. ang tanong sa kanya "ano bang nakita mo kanina?" knyang itong ikinagulat dahil wala pa siyang ibang sinasabihan ng nakita niya. muli siyang tinanong nung matanda, ano daw bang nakita niya, bata ba o matanda. lalo siya napaisip. sinagot nia na bata ang nakita niya. napailing ang matandang nagtanong sa kanya, at ang sabi sa knya ng matanda "buti na lang yung bata ang nakita mo. kasi yung matanda, sumasakay pa sa sasakyan?"
           after naming marinig ang karanasan niyang ito, nangilabot kami. try to imagin the scenario, kakatakot din diba. at dahil dun, daig pa ng kape ang epekto sa katawan namin yung kwento niyang yun, hehehe.
           almost two months to go bago mag araw ng mga kaluluwa, mauna na kong mag kwento ng isang pang haloween na istorya. pero kahit ano pang sabihin o ikwento o maramadaman ko ngayong gabi na ito, isa lang ang totoo.................................gutom pa din at inaantok pa din ako, hehehehe..........

7 comments:

  1. this is a little bit different sa mga regular post here. i just want to share something different, more than hurting coz of love or anything like that. pwede naman po siguro di ba??? @__@

    ReplyDelete
  2. Hi Mymessytrickymind! Maligayang pagdating sa mundo ng mga "sawi" at nais makalimot sa pait ng pag-ibig. Wala namang problema sa post mong "nakakatakot". Sakto, malapit na ang halloween. Pero sa totoo lang, gusto ko ring malaman ang buhay-pagibig mo. Ano pa't naging copingclub ito. Hindi man tayo magkakakilala, maaasahan mong may karamay ka rito =). Hehe. Aabangan ko ang mga susunod mong post.

    ReplyDelete
  3. Welcome to the club MyMessyStickyMind! :)

    ReplyDelete
  4. Welcome to the club MyMessyStickyMind! :)

    ReplyDelete
  5. @tonto - yap, hehe, thanks for the welcome ^_^
    right now, i can say na sakto lang naman ang aking sitwasyon pagdating sa buhay pag ibig. hindi naman sa lahat ng oras eh masaya palagi, may oras din na for sure eh malungkot, so in short, sakto lang. magulo ang mundo ng pagibig, kaya as much as possible, enjoyin lang ang bawat araw na dadating. amen!!

    @andrew - thanks thanks po sa pag welcome ^_^

    ReplyDelete
  6. Oh yeah! Isang uppercase na CHECK. Maidagdag ko lang, magulo na nga ang mundo ng pag-ibig, may mga tao pang mas lalong nagpapagulo dito. Hay kung lahat ng tao, sensitive enough, magulo man world, walang magiging masyadong isyu. *wink

    ReplyDelete
  7. Welcome mymessytrickymind (hirap itaype ng mabilis screen name mo, hahaha!)!!!

    ReplyDelete