Tuesday, September 11, 2012

Plan D

Hindi pa man nagsisimula ang love story namin ni Plan C, sumusuko na ako. Para kasing wala namang mangyayaring kwentong pag-iibigan eh. Hahaha. At least ngayon alam ko na na walang patutunguhan 'tong kahibangan na 'to. Wala nang asa moment. =)

Kay Plan C, maraming salamat! Nagsilbi kang inspirasyon sa loob ng ilang linggo. Haha. Magiging fan pa rin ako ng iyong blogs. Idol! Itago mo sana ang ibinigay ko sa'yo. Pakaiingatan ko rin ang ibinigay mo sa akin. =) Kung para tayo sa isa't isa eh siguradong magkukrus pa ang ating landas.

Narealize ko na hindi pa pala ako handa. May iba pang problemang dapat munang masolusyunan. 'Yun ang importante sa ngayon. Darating ang pag-ibig sa tamang panahon.

Sa ngayon, Plan D muna ako sa usapang lablayp. (Alam mo yan Andrew)

(Pero Lord, pahabol lang, wag naman sanang abutin pa ako ng trenta bago dumating ang pag-ibig na yan. Hehe. Please?)

5 comments:

  1. HAHAHAHA. Darating ang pag-ibig sa tamang panahon. Naknangtokwa.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Andrew, nasulat ko nga yan pero at the back of my mind, may tanong na "Kelan ba ang tamang panahon na yan?". Ang sarap murahin ng mga taong TANGA!

    ReplyDelete
  4. If you really like the plan C you are talking to, hindi masamang subukan. Sabi nga nila, take your chance coz minsan lang dumating ang 2nd chance (parang ang gulo T_T). But, whatever we say, you still are the one that make your decisions in life. friends, and family are there to give you the options that you might want to consider. Kaya nga minsan (or rather madalas), ang pagibig ay isang sugal, you may win or you may loose.

    ReplyDelete
  5. Ang sipag namang magbigay ng komento ni mymessytrickymind. Anyway, mahirap ng sumugal ngayon. Sinubukan ko yan nitong huli pero wala rin. Sa kanya lang ako umamin ng nararamdaman ko pero wa epek bhe. Haha. Kaya sinabi ko na hindi na ulit ako susugal pagdating sa pag-ibig. Nakanaman!

    ReplyDelete