TV ratings booster talaga sa newscast ang Bench fashion show at ang abs ni Aljur Abrenica. Speaking of abs, nakagawian ko nang mag-gym these days. Nagda-diet din ako. Puro matabang na lang ang mga kinakain ko. Hindi na rin ako kumakain ng kanin. It's easier than I thought.
Noong isang araw, bumisita rin ako sa dentista at nagpalinis ng ngipin makalipas ang 100 years. Tumigas na raw ang mga dumi sa ngipin ko na kinailangang kalkalin ni Doc. Pagkatapos kong pumunta sa dentista, I visited a comestic surgeon. Nagpa-muscle-tone ako sa tiyan. Sabi ni Doc, yun daw ang ginagawa kay Derek Ramsey. Pero putang-ina, ang sakit!
Kinukuryente ang abs mo (o ang kawalan nito) para matunaw ang taba at ma-develop ang maskels. Sabi ko kay Doc, hindi naman ako umaasang magiging mala-Derek Ramsey ang abs ko. Sabi ko, gusto ko lang pumayat. Yun lang.
Sigaw ako nang sigaw sa clinic sa sakit. Muntik ko nang hambalusin si Doc ng biceps ko. Pagkatapos ng 15-minute procedure, nakakapanghina. Parang nagtae lang ako buong araw. Sabi ni Doc, equivalent daw yun sa 500 sit-ups na kahit pigain ko ang lahat nang lakas ko, hindi ko kayang tapusin sa loob ng kinse minutos.
Tatagal ito ng 8 sessions. Pagnatapos na, babalik ako sa dentista para magpa-braces para matanggal na ang pangil ko at maitama ang bulldog bite ko. Then after, magpapa-inject ako ng 10 vials ng glutathione para pumantay ang kulay ng balat ko at pumuti ang singit ko sa aking Lower Bicutan. Hahaha.
I have to look good. Para at least, kahit minsan akong pinagtaksilan at single, HOT AKO. :))
Hindi ko kinaya ang mga pinaggagawa mo ngayon Andrew. Excited na akong makita ang mala-Derek mong katawan, ang fake mong kulay dahil sa potang gluta na sinasaksak mo. Ang malaking bibig mo dahil sa braces. Sabik na akong makita ang hatness mo, este, hotness. Ikaw na talaga. Ikaw na!
ReplyDeletehehe, love the effort!! biglang sumagi sa isip ko, nangyari din pala sa akin yan, hehehe. pero di naman ako nagpaka extreme make over,todo bili lang ng mga bagong kamiseta at ng kung ano anong pang anik anik na cute, hehehe. kanya kanya talaga ang paraan ng mga people to have more confidence IMO, na nabawasan ng dahil sa pagibig. kaya sayo, papa andrew na tatawag ko sayo hihihihi.... ^_^
ReplyDeleteby the way, if there's a chance, can i touch your abs, hihihi, joke lang po ^_^
Hahahaha MyMessyTrickyMind. Wala pa akong abs hahaha. Puro bilbil pa ang mahahawakan mo. Tatalbog ang kamay mo. :))
ReplyDeleteTono, hindi mo kinaya. Alam mo yan. Hahaha. Miss na kitaaa. :(
ReplyDeleteAndrew, sino si Tono? Umayos ka.
ReplyDeleteTypo error lang gaga.
ReplyDelete