Friday, November 30, 2012

155

Who would have thought that from January until today, we already have 155 entries for Coping! Ang ibig bang sabihin nito ay maraming sawi o mas sinubok ang ating mga puso ngayong taon kumpara last year? And to think, hindi pa tapos ang 2012!

More entries copers. Huwag nang itago ang mga nararamdaman dyan. Bahala ka, baka mabaliw ka. Charot.

Thursday, November 29, 2012

Excuse me

#Malingmali ang pinapalabas niyo na bitter akong tao. Hindi lang talaga ako sweet sa inyo at SA INYO lang. Kupal.

Published with Blogger-droid v2.0.9

Wednesday, November 28, 2012

Mr. Engineer


CONGRATULATIONS!

Engineer ka na!
I can almost hear you say "Sa wakas!"
Yun naman ang alam kong sasabihin mo.
Medyo may delay, you almost gave up and almost decided to shift course, but look at you now! (I know I wish I could...) Mr. Engineer!
I remember nung yan pa ang code name ko para sa'yo.

I can almost feel how happy you are.
I can almost see that dimple of yours ngayong ngingiti ka paggising mo with the thought that after everything, you made it.

Sobrang saya ko para sa'yo...sa tagumpay mo.
I always waited for this day to come to you. 
I only wish I was there for you with that struggle of yours...and celebrate with you now that the fruits of your label has come.
But someone's in that place now. 

Kahit batiin ka nga lang, hindi ko magagawa.

At least, it happened on the 24th and 25th of November. Those fateful days. 
Everything about that night when you whispered in my ear that you love me exactly three years ago from these dates, are forever kept safe in my memory.
I know, I was with you during these days of your exam, as I lay nostalgic about what could have beens and where we might be if i didn't do "it".
I hope with all of me that at least, somehow, I crossed your mind.
Who knows, maybe these are your lucky days.

You once told me, pangarap mong makasama sa Top 10 ng Civil Engg Boards.
I remembered laughing a little about it kasi akala ko nagjo-joke ka lang but you were serious about it.
You weren't the studious type naman kasi. Dati nga laging okay lang sa'yo basta makapasa.

Hindi mo man nakamit yun, I'm sure sulit lahat ng efforts mo.
And I'll always be so, so very much proud of you.

You've come a long way...long way away from me, from us.
And I'm not sure I can say exactly the same for me.
Some strings of my heart are still attached to yours or to that part of your past where you allowed me in your life, contrary to the now.
But truly, sincerely and from the bottom of this abyss where my heart used to be before it was dragged away by you when you left, I am happy for you. 

It may not be for everything, especially that you're with probably the best girlfriend you've ever had, but I am happy for you...for what you are now.
For what you've become despite what I did to you.
As ever, you are a wonderful person and it will always come out of you.
And as always, and forever, I love you.




















Sinusumpa kita!

nakngpotang trabahong to!!!

I HATE YOU...

Hindi ako magpapakamatay para sayo. Nakakainis lang kasi akala ng mga nakakataas eh pwede mong hatiin ang katawan mo sa lima at pwede kang pumunta sa iba ibang lugar at the same time.

HENAKO... pag maayos trbaho wala man lang "good job." kapag pumalpak naman, andaming reklamo.

Kaya ayoko matali sa ganitong sitwasyon dahil mas madali para sa aking magpaalam sa kumpanyang ito. At ayoko un mangyari sa ngaun dahil mahal ko ang mga tao dito. PERIOD

Tuesday, November 27, 2012

I hate this.

Kausap ko siya. Naiilang lang ako dahil sa problemang idinulot ng shoot namin umaga ng araw na 'yon. BInabaan niya ako ng telepono. Well, okay lang sana kasi maraming beses na rin ako nakaranas ng ganun, pero this time...this time nasaktan ako. Siguro nga dahil masyado akong attached sa taong 'to na hindi ko nahulaang magyayari 'to (though alam ko kung paano siya magsungit). Hang.

Ilang minuto pa nag-sorry siya. I got her point. I understand her. I should know it.

I can't see her in her eyes, I was shy. I hate that kind of feeling. Then, I was about to send a message to another good friend with the message, "I hate this." when I mistakenly sent it to her...yes in front of her and I was there. Fun.

I am not insensitive to disregard other people's feelings, especially her feelings. I, too, do not want someone talking behind my back but I don't care about them either.

I just felt that I was misunderstood. #sensitive101

Let's talk when we're all done.

Monday, November 26, 2012

Prediction

As I was waiting for an interviewee yesterday, I saw this written at the last page of my notebook. I remembered someone and I smiled.


Friday, November 23, 2012

OVER YOU

Gusto ko lang ishare sainyo fellow copers ang kanta ng favorite kong The Voice S3 contestant na si Cassadee Pope...


"But you went away How dare you? I miss you They say I’ll be OK But I’m not going to ever get over you" #relate #2yearsago #sothatwasmovingon

True Love (P!nk)

Bakit kapag Friday, feeling ko obliged akong magpost dito? Hahay! Tuwing Friday lang ba bumubuhos ang emosyon? Pero infeyrnes, hindi naman ako malungkot today di tulad ng mga nakaraang araw. Natuwa naman ako sa natanggap kong invitation sa peysbuk. Pero ang tanong, bakit ako Kai? Hehe. Anyway, kung last Friday naging makata ako (ehem), ngayon iba naman. Kung magdarasal ako ngayong gabi, eto ang magiging laman:

Dear Papa God,

Hindi ko alam kung papaano magpapasalamat sa binigay mong pagkakataon na makita ko ng ilang araw ang Bulkang Mayon, marinig ko ang maingay na andar ng mga jeep sa kalsada sa harap ng BU, sumakay sa padyak papasok ng subdivision at maglibot kung saan-saan at makialam sa mga bagay na pwede namang pakialaman. Pero Lord, isang napakalaking THANK YOU!
Pagpasensyahan niyo na rin po ako sa mga masamang nagawa at nasabi ko nitong mga nakalipas na araw. Kung may nasaktan man akong tao na hindi ako nakahingi ng paumanhin, idadaan ko na lang Saiyo. SORRY po. Alam kong hindi na ako nakakabisita sayong tahanan, paumanhin po.
Alam kong alam Niyo rin ang pinagdadaanan ko. Ilang araw na akong tuliro dahil sa hindi ko nagagawang bagay. Lord, alam Mo naman ang pinagdadaanan ng aking puso. Ni hindi ko maitanong ang mga dapat kong itanong na palagay ko'y final step para ako'y tuluyan nang makapagmove on. Natatakot ako sa posibleng sagot sa mga tanong ko. Baka nega. Gusto ko mang magmove on, alam kong masasaktan pa rin ako sa magiging sagot niya. Eto pala ang mga gusto kong itanong:

1. Ano ba talaga ako sa'yo?
2. Ano ang lugar ko sa buhay mo?
3. Minahal mo ba talaga ako?
4. Importante ba ako sa'yo? Bakit di ko mafeel?
5. Gusto mo bang kalimutan ko na nararamdaman ko sa'yo? Kung hindi, bakit?

Yan ang mga tanong na hindi ko kayang itanong ng personal sa kanya, Papa God. Eto kasi ang gumugulo sa isip ko. Kung malaman ko siguro ang mga sagot, baka malalaman ko na kung ano ang dapat kong gawin. Nahihirapan na akong sa bawat gising ko at pagtulog ko,siya ang sumasagi sa isip ko. Halos lahat na lang ng bagay naassociate ko sa kanya, mula sa pangalan, apelyido. Bakit naman kasi halos lahat ng pangalan ng jeep eh kundi niya kapangalan, eh kapangalan ng girlfriend. Oh em gee! Natatawa na lang ako sa sarili minsan ksi apektadong apektado ako. Kaya sana malaman ko man lang kung ano ba talaga ang lugar ko. Hirap na hirap na din kasi ako. Per Papa God, ayoko namang mawala ang aming pagkakaibigan. Kahit papaano, naging masaya naman ang aming samahan bago pa man nahulog ako sa balon ng pag-ibig.
Isang bagay ang natutunan ko, kung hindi kayang mawala ang pagkakaibigan, wag na wag mong hahayaan na umibig sa kanya. Tulad ngayon, hirap akong lumayo dahil baka masayang yung friendship na naipundar. He's been a great friend. We can talk about anything from the most basura topic to the most serious one. And I don't want to lose that. Gusto ko lang mawala ang sobrang feelings na nasa puso ko ngayon. Ako mismo ang umakyat sa itinayo kong pader para mahalin siya.
Lord, alam kong hindi ka napapagod sa pakikinig. Salamat at nanjan ka. Salamat sa mga instrumentong pinadala mo tulad ng mga kaibigan upang iparating ang iyong mensahe. Ngayon, gagawin ko ang lahat para hindi na ako makaramdam ng sakit. Susubukan ko nang makalimot at tanging pagmamahal na lang bilang isang kaibigan ang matitira. Samahan mo ako lagi Papa God. Salamat.

Nagmamahal,
Tonto =)


P.S. Ang title ng entry ay ang kantang swak na swak sa akin. Hanapin nalang sa youtube.

Oh ayan. Sana sa susunod na Biyernes, may development na sa aking ginagawa. Hehe. Sya, copers! Hanggang sa muli! Mapagpalayang gabi sa lahat.

11/23/12, 11:13pm

Tuesday, November 20, 2012

Salamat naman

Ang panahong wala ka nang mararamdamang kirot kahit pa anong mabalitaan mo sa kanya. At kahit anong salita ang mamutawi sa kanyang labi ay wala ka na ring pakialam. Sa aking pakiwari, nalalapit na ang panahong 'yon. Ang panahong matagal ko nang inaasam.

Friday, November 16, 2012

Somewhere in the Middle

Muli kong pinapakinggan ang kanta mo.
Habang isinusulat ang sigaw ng aking puso.
Alam kong corny na naman 'to.
Pero pakialam ko, yun ang totoo.

Makailang beses ko nang sinubukan
Na ikaw ay kalimutan.
Pero lintik lang, ako'y nahihirapan.

Hindi ko alam kung ano meron ka
Na binabalik-balikan ko pa.
Kahit na hindi ko maramdaman,
Ang pag-ibig na aking inaasaam.

Siguro nga'y hindi tayo para sa isa't isa.
Masakit pero susubukan kong tanggapin.
Na kailanman hindi ka magiging akin.


Nakalaan ka siguro sa iba,
Hindi sa katulad kong maganda.
Kidding aside, sana akin ka na lang.
Sana Lord, siya na lang.

Unti-unti kong kakalimutan ang aking nararamdaman.
Sana ako ngayo'y magtagumpay.
Puso ay muling bubuksan.
Pero kung kelan, yan ang hindi ko alam.

Kung may pangalawang buhay,
Hihingin ko sa Maykapal na tayo'y muling pagtagpuin.
Doon gagawin ko ang lahat
Upang sa huli ikaw ay makapiling.

(Fail ang aking tula on a Friday night. Dapat talaga nakipag-inuman na lang ako. Ang title ng entry ang kantang pinapakinggan ko, kantang kinanta niya na may kopya ako. Bow.)

Tuesday, November 13, 2012

Perstaym

Hindi ito mga rape victims. Sadyang hindi ipinakita ang kanilang mukha upang manatiling lihim ng kanilang pagkakakilanlan. Sila ang ilan lang sa mga tagasulat sa blogsite na ito. Sila ang mga kadalasang may pinagdadaanan sa ngalan ng pag-ibig. Imbes na patayin ang mga taong nanakit sa kanila, mas pinili nilang isulat na lang ito. Sila ang copers.


Tuesday, November 6, 2012

FUCK

I'm uber stressed and tired in this job that I want to teleport to my family in Canada right now.  I wouldn't mind taking odd jobs there like flipping hamburgers. -_-

But for the meantime that that's impossible, magmumura na lang muna ako sa isang sulok dito habang humihithit ng Marlboro black. Putang inaaaaaaaaaaa!

Dawdler: A repost

First posted on my Facebook acoount's notes, Friday, August 14, 2009 at 6:56pm.

I don't really plan anything, except when it's really needed. I do believe in "whatever will be, will be", and "I'll cross the bridge when I get there".

I don't call it as planning, I think it's more of loafing. Because life is not how fast or how eager we plan and run things. For me it's about perseverance, about staying on our feet and slogging forward no matter what.

We have our own fate, and that fate is not a straight road. It has different routes to different ends. And we have the free will to choose.

Whatever it is that we dawdle, it has something to do with our future even if it's not that accurate and real. With my friends and with the people around me who pour me with love and care, I know (and will) that I can make it through no matter what.


I also posted a photo along with this write-up but I tend not to post it for my identity. (nyahaha!) But the photo had a caption that goes... "Nung kami'y nangangarap pa lang at ngayo'y nangangarap pa rin."

-PineappleAsparagus

 

Monday, November 5, 2012

Nagbabalik

Matagal-tagal pa dapat akong babalik sa blogsite na 'to pero tila nangangati na ang aking mga daliri kanina pa. Hindi ko mapigilan. Parang may kung anong bacteria ang dumapo at kailangan nang pindutin ang mga letra sa kompyuter.

Dahil coping club nga ito, isa na namang umaatikabong emosyon ang inyong masasaksihan. Hahayaan kong dumanak ang tinta ng aking puso ngayong gabi. Umaasang pagkatapos ng entry na 'to, mauubos na ang tintang tanging nakalaan para sa mga pighati at kalungkutan.

Copers, hindi pa rin pala talaga nawawala ang pagmamahal ko sa taong dati pa'y naging paksa na ng napakarami kong entries dito. Dahil sa isang kutob at pag-amin na rin mula mismo sa kanya, nalaman kong, oo sila na ulit. Hindi ko akalaing magsisikip muli ang lalamunan ko nang mabasa ko ang kanyang sagot. Inaasahan ko rin namang magbabalikan sila. Kaya ko pa ngang makipagpustahan dun eh. Pero sa kasamaang palad, nasaktan pa rin ako. Masakit pa rin pala matapos ang ilang buwang akala ko'y buo na ulit ang puso ko. Hindi rin naman ako umaasang magiging kami. Hindi ko naman kasi alam kung anong punyetang hangin ang nalanghap ko at naging ganito ako.

Hinihintay ko pa rin ang pagkakataong makakalimutan ko ang pagmamahal na 'to at bubuksan sa iba. Ilang beses ko na 'tong sinabi, pero uulitin ko. Bata pa naman ako. May darating pang tunay na nakalaan para sa akin. Yung tipong plantsado lahat. Sumasakto sa lahat ng pagkakataon. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang magsawa sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko. Mapapagod din siya at kusang aalis sa puso ko. At sana, pag umalis siya, wag na siyang bumalik pa.

Uy copers! Magmamaynila ako sa susunod na araw. Kita kits! Mag-iinuman tayo. Itaga niyo yan sa pusong bato.


11/5/2012 8:37 ng gabi

Friday, November 2, 2012

Gayuma ni Maria

Nagkita kami ni kapwa coper Gagged kahapon sa Gayuma ni Maria sa Maginhawa Street. Humagalpak kami sa katatawa.

Masayang kwentuhan lang tungkol sa totoong buhay. Kahit tinapunan mo ako ng iced tea sa damit habang nagbabasa ng mga nakapaskil na love spell sa dingding, salamat Gagged!

Published with Blogger-droid v2.0.9

Thursday, November 1, 2012

Anunsyo

Mapagpalayang umaga mga kapwa-Coper. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na may mga bagong miyembro tayo rito sa Coping Club. At para dumami pa ang ating mga kampon, maaari rin kayong mag-imbita ng mga bagong author. May admin powers na ang mga matagal nang miyembro. Kayo na ang bahala.

Maraming salamat!

Welcome sa mga bagong miyembro! Ipagpatuloy ang pagdanak ng tinta mula sa puso! :))

for having lost but once your prime

Gather ye rosebuds while ye may,
Old Time is still a-flying:
And this same flower that smiles to-day
To-morrow will be dying.

The glorious lamp of heaven, the sun,
The higher he 's a-getting,
The sooner will his race be run,
And nearer he 's to setting.

That age is best which is the first,
When youth and blood are warmer;
But being spent, the worse, and worst
Times still succeed the former.
Then be not coy, but use your time,
And while ye may, go marry:
For having lost but once your prime,
You may forever tarry

Robert Herrick