Let me take you back to the night we first met.
To the time I didn't know you nor even see you see me.
If only I'd known better, maybe I could have been better.
Or maybe I wouldn't have pushed you too much just to pull you in...and push you away again, to the end.
Showing posts with label nostalgia. Show all posts

Wednesday, April 24, 2013
Wednesday, November 28, 2012
Mr. Engineer
CONGRATULATIONS!
Engineer ka na!
I can almost hear you say "Sa wakas!"
Yun naman ang alam kong sasabihin mo.
Medyo may delay, you almost gave up and almost decided to shift course, but look at you now! (I know I wish I could...) Mr. Engineer!
I remember nung yan pa ang code name ko para sa'yo.
I can almost feel how happy you are.
I can almost see that dimple of yours ngayong ngingiti ka paggising mo with the thought that after everything, you made it.
Sobrang saya ko para sa'yo...sa tagumpay mo.
I always waited for this day to come to you.
I only wish I was there for you with that struggle of yours...and celebrate with you now that the fruits of your label has come.
But someone's in that place now.
Kahit batiin ka nga lang, hindi ko magagawa.
At least, it happened on the 24th and 25th of November. Those fateful days.
Everything about that night when you whispered in my ear that you love me exactly three years ago from these dates, are forever kept safe in my memory.
I know, I was with you during these days of your exam, as I lay nostalgic about what could have beens and where we might be if i didn't do "it".
I hope with all of me that at least, somehow, I crossed your mind.
Who knows, maybe these are your lucky days.
You once told me, pangarap mong makasama sa Top 10 ng Civil Engg Boards.
I remembered laughing a little about it kasi akala ko nagjo-joke ka lang but you were serious about it.
You weren't the studious type naman kasi. Dati nga laging okay lang sa'yo basta makapasa.
Hindi mo man nakamit yun, I'm sure sulit lahat ng efforts mo.
And I'll always be so, so very much proud of you.
You've come a long way...long way away from me, from us.
And I'm not sure I can say exactly the same for me.
Some strings of my heart are still attached to yours or to that part of your past where you allowed me in your life, contrary to the now.
But truly, sincerely and from the bottom of this abyss where my heart used to be before it was dragged away by you when you left, I am happy for you.
It may not be for everything, especially that you're with probably the best girlfriend you've ever had, but I am happy for you...for what you are now.
For what you've become despite what I did to you.
As ever, you are a wonderful person and it will always come out of you.
And as always, and forever, I love you.
Thursday, May 24, 2012
Namesake
Nung una pa lang akong pumasok sa first at present job ko bilang writer (the Monday after the Friday nung nag-break tayo), uma-umaga ka pa ring nasa isip ko.
Bukod sa sanay akong gumigising sa text mo, tuwing umaga pagkatapos kong sunduin sa bahay ng service, sa area niyo naman ang punta namin.
Sa tagal din nating nagsama, never kong nalaman kung nasaan ang bahay niyo. Ni anino ko, di nakatuntong sa kalsada niyo. Alam ko lang kung saan siya banda, saan malapit, pero never kong nakita.
Alam ko lang ang address niyo at kung nasaan ito sa mapa.
After almost a year, nag-iba rin ang ruta ng service. Solo batch na ko kaya pagkasundo sa 'kin, deretso na sa office. Trabaho na. Unti-unti, nabawasan din yung pag-iisip ko sa'yo. I mean, I don't spend my one in the morning minutes naghahanap sa street at bahay niyo wondering kung nasaan ka. Takot pa nga ako minsang baka makita kita na may kasamang iba,
Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana. Ayaw niya atang makalimutan kita. Akala ko, tuluyan nang nalibre ang mga umaga ko mula sa mga alaala mo. Kaya lang, binawi, nagbago ang ihip ng hangin.
Nagpaparamdam ka ba?
Kung kelan naman kasi medyo nakalimot na...tsaka ka pa magpapaala.
Kanina pagsakay ko ng kotse may kasama si manong driver, sabay bati sa'kin:
"Ma'am, siya na nga po pala yung susundo sa inyo tuwing umaga..si Dennis."
Matapos ang isang taon, akalain mong pwede pa pala akong mangarap na ikaw ang sundo ko sa umaga?

Wednesday, May 2, 2012
ang pag move on ng panahon at mundo
Isa-isa nang nagsasara ang ilang establisimyentong naging setting ng ilang eksena sa love story natin.
Mula sa Starbucks Adriatico, sa unang branch ng Starbucks kung saan tayo tumambay. Naaalala mo pa ba? Nung sinamahan kitang magreview? Sabi mo pa nun dalhin ko si Lex (laptop) para may magawa ako. Magsesecond sem ng third year yun..may removals ka. Sinuportahan kita..kaya lang hindi ka pumasa. Masyado ka atang distracted sa pagrereview mo. Pano ba naman kasi, iba pa nun yung inaatupag mo. Hindi pa tayo nun ha.

Sa
Starbucks Adriatico mo rin ako unang pinatawad...sa pinakamalaking
kasalanan na nagawa ko sa'yo. Sa couch na yun sa may pinto. Hindi ko
makakalimutan kung paanong habang umiiyak ako ay bigla mo na lang akong
hinalikan at pinunanasan ang luha ko tsaka mo sinabing mahal mo ko. Doon
sinabi mong hindi mo ko iiwan. Doon nalaman ko kung gaano mo ko
kamahal. Doon ang isang lugar kung saan nakita kong umiyak ka, kung saan
nakita ko ang kahinaan mo. Kung saan pakiramdam ko, binuksan mo ang
sarili mo sa akin. Sa Starbucks Adriatico, tinunaw mo ang puso ko.
Binago mo ang buhay ko.
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba?
Sunod naman ay ang Banapple sa Tomas Morato
kung saan super late nating sinelebrate ang birthday mo this year.
Hindi na tayo ganun kasaya. Alam kong pinagbigyan mo lang ako. Isa sa
maraming pagkakataong napilitan ka. Hindi naman talaga nagsara ang
Banapple sa Morato, lumipat lang sila ng pwesto, sa tabi mismo ng dating
lugar. Pero iba na e, mawawala na yung lugar kung saan tayo kumain.
Yung table kung saan tayo nagsalo.
Naaalala mo pa ba?
Kanina dumaan ako sa V. Cruz. Wala na rin pala yung 7-Eleven doon malapit sa Torre Lorenzo along Taft Ave. kung saan madalas tayong magmeet kapag may icocover akong sports event sa Rizal Memorial Stadium. Madalas akong ma-late. Madalas galit ka. Ayaw mo kasi nang nale-late. Ayaw mong pinaghihintay ka. Isa lang yun sa maraming bagay na ayaw mo sa kin. Aminin mo man o hindi. Alam mo man o hindi. Aware ka man o hindi sa mga nirereklamo mo. Dun sa 7-Eleven na yun, bumibili tayo ng breakfast snack lalo na pag baseball game sa umaga. Ang tagal kasi nun, tatlong oras. Dun mo rin ako binibilhan ng gatorade at chocolate biscuits na knick-knacks na pinagsasaluhan natin habang nanonood ng game.
Naaalala mo pa ba?
Isa-isa nang binubura ng mundo ang mga alaala ko sayo. Handa man ako o hindi, binabago na niya ito. Gusto ko man o ayoko, inaalis ka na niya sa nakikita ko. Akala niya makakalimutan kita. Mas nakikita at napapansin ko lang naman yung mga nagbago ngayong wala ka na. Yung bang absence o kawalan mo at ng alaala mo.
Grabe ang mundo no? Walang pakundangan sa nararamdaman mo. Iikot at iikot, tuloy pa rin sa pag-ikot kahit hilong-hilo ka na at gusto mo na lang tumigil sa isang sulok.

Sabi nga ng kanta, "Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo. 'Di to hihinto para lang sa iyo..."
Grabe rin ang panahon. Lumilipas at patuloy na lumilipas. Pero ang totoo, mabait pa ang panahon. Ang panahon di ka iiwanan niyan...isasama ka nga niya e. Ang masaklap, kung paano ka niya dadalhin. Ang panahon, kakaladkarin ka araw-araw hanggang segu-segundo ke gusto mong sumama sa kanya o hindi. Kahit na buong pagkatao mo na ang igayod mo sa kalsada ng panahon para lang pigilan siya, hindi siya papapigil. Hindi ka pwedeng magpaiwan. Kasi sa totoo lang? Wala ka namang choice e.
Walang pakialam ang panahon sa nararamdaman mo. Walang pakialam ang mundo sa nararamdaman mo.Pero sabi nila, kung pababayaan mo lang daw sila, ang mundo at ang panahon mismo ang maghahatid sa'yo sa dapat mong kalagyan.

Alam ko naman yun e. Pero ayoko. Kasi, alam ko ring dadalhin nila ako sa lugar at oras na malayo sa'yo.
*10.24.11*
*10.24.11*
Subscribe to:
Posts (Atom)