Tuesday, December 25, 2012

Adios 2012

Today, I'm already writing my year-end entry. Feeling ko kasi, ang mga dapat kalimutan, ay dapat nang kalimutan sa taon ding ito. Gusto kong pagsimula ng 2013, hindi na ako magsusulat tungkol sa mga nangyari sa 2012 ko.

Sinubok ako ng 2012. Sinubok ang aking tatag bilang tao, sa trabaho man o sa lablayp.

Trabaho. Napagod ako ng sobra sa taong ito. Yung tipong pakiramdam ko, tinambak na ng mundo ang lahat ng trabaho sakin. Bagay na ikinalungkot at ikinawala ng aking gana. Dumating sa puntong hindi na ako masaya sa trabaho kaya naman naisip ko nang magresign. Pero, hindi naman nangyari. Buti na lang. Dumating ang maraming blessings nitong patapos na ang taon. May mga pahabol na pag-ere. Pero may natutunan ako ngayong taon. Care less. Hindi ko papasanin ang mundo para lang sa trabaho. :)

Lablayp. Walang kamatayan 'to. Haha. Dito sinubukan ang aking pasensya, pagmamahal at pagkatao. Hindi ko na iisa-isahin ang mga nangyari. Sa mga sumusubaybay ng aking mga entry, malamang alam na nila kung ano ang nangyari. May mga natutunan ako ngayong taon na dapat mai-apply ko na sa susunod. Ika nga ni Pareng Ramon, there is more to life than love. Hindi dapat umikot ang ating mundo sa mga taong hindi tayo kayang mahalin. May mga tao tayong makikilala o kilala na dati na mas magbibigay satin ng pagpapahalaga, kung matututunan lang nating silang tingnan ng mabuti. May taong nakalaan para sa atin. Sa parte ko, akala ko natagpuan ko na pero hindi pa pala. Kaya looking forward ako sa 2013. Hehe. Anyway, kahit nasaktan tayo, dapat pa rin nating ipagpasalamat yun. Ito yung madalas kong sabihin sa sarili ko at ito rin ang linya kaya nakamove on ako. Siguro, ito ang paraan ni Papa God para hindi ako makasakit ng tao sa future. Palagay ko lang kasi, kung naging kami man, baka masaktan ko lang siya. Mas mabuti na lang na ako na ang masaktan ngayon kesa makita ko siyang nasasaktan sa mga darating na mga araw na magkasama kami. True love it might be but I really have to let this feeling go. Ang gusto ko lang ngayon, malaman kong masaya ka. Ayoko ng sagot na sakto lang. Gusto ko, darating ang panahon na pag tinanong kita kung masaya ka ba, ang isasagot mo ay oo. I really wish you true happiness and regularization (you-know-who-you-are).

Ngayong patapos na ang taon, iiwan ko na ang masasamang alaala nito. Pero dadalhin ko ang mga aral na natutunan ko. Salamat sa mga tunay kong kaibigan na hanggang ngayon, nanjan pa rin sa tabi ko (not literally). Kayo ang mga anghel sa lupa. Marami tayong gagawing alaala sa 2013.

Copers! Sana, mabawasan na ang sakit at pait sa 2013. Hehe!

7 comments:

  1. galing ng summarization! adios 2012! =))

    ReplyDelete
  2. Maja Dera. Nagmeet na ba tayo? Ikaw ba yung nakilala ko nung November? Ikaw ba? Ikaw?

    ReplyDelete
  3. Maja Dera, thanks for visiting our blog. Baga gusto mong sumali? At baka rin gusto mong magkape tayo? :D

    ReplyDelete
  4. Pansin mo Andrew, andami ko lang nasabi patungkol sa lablayp. Alam na! :D

    ReplyDelete
  5. Hahahaha! Alam na alam na! Miss na kita Tonto!

    ReplyDelete